CURSE NINE:
SECOND AWAKENING
Kasabay ng paglaho ng liwanag ay ang paglaho din ni Saichi sa harapan ko, ganun rin ang pagbabago ng lokasyon na kinaroroonan ko.
Naging matagumpay kaya ako sa part ni Saichi? Gising na kaya siya sa mga oras na ito?
Hindi ko lubos maisip na magagawa kong halikan si Saichi. So, ganun ba dapat kong gawin? Kailangan ko silang isa-isang halikan? Nangangatog man ang tuhod ko sa idea ay kinakailangan ko pading magpatuloy.
Hanggang sa may bigla nalang sumigaw at nagpaalala sa akin na nasa panibagong fake world nanaman ako, "AYAW KO NA! SUKANG-SUKA NA AKO! CAN'T YOU SEE NA HINDI KO TALAGA KAYANG MAGPINTA?!" ang sigaw na 'yon ay nagmula kay Axel na inihagis pa ang paint tools sa paligid.
Ngunit papanong naging ako ang modelo? Tinignan ko nalang ang sarili ko't mabuting hindi nude painting ang naging thema ng art session na ito.
Isa itong special art class, papano ko nasabi? Una, sa school grounds pa rin ang kwarto, pangalawa, walang ibang studyante bukod kay Axel at ako.
Masasabi kong iyon ang unang beses na narinig kong sumigaw si Axel out of the basketball court. Sumigaw siya sa bagay na ayaw talaga niya. Known nga naman kasi ang pamilya ni Axel na mga artist at namumukod tangi lang siyang walang hilig sa pagpipinta.
"Young master, kinakailangan niyo pong ipagpatuloy ang paint session. Iyon po ang utos sa akin ni Madame." Ang pakiusap lang ng babaeng tila special instructor din ata niya.
"Ilang beses ko ba kailangan ipagsigawan na ayaw kong magpinta? Bingi ka ba?!" sagot lang ni Axel.
"Naririnig ko po kayo young master at ginagawa ko lang din po ang trabaho ko."
"Ginagawa mo ang trabaho mo? Kung gano'n, inuutusan kita na umalis. Ngayon din!" halos nagtitimpi na sa galit na utos ni Axel.
"Patawad young master pero ang susundin ko lang ay ang utos ni Madame." Sabat pa no'ng instructor.
"Talagang hilig mong suwayin ako?" galit na tanong ni Axel.
Nakayuko lang yung instructor at walang imik nang dala na yata ng sobrang inis nin Axel ay pinagsisipa nito ang mga paint tools sa paligid matapos ay huminto siya sa harapan ko at panandalian kaming nagkatitigan hanggang sa bigla nalang niya akong hinila papalabas ng kwarto.
Pagkalabas naman nami'y mabilis niyang binitawan ang braso ko't hinagisan ako ng panyo, "Pasensiya na, nadamay ka pa." sambit lang niya sabay alis.
Napakagentleman talaga ni Axel kahit sa fake world na ito. Hindi ko pa rin maiwasang hindi kiligin sa actions niya.
Pagkaitingin ko sa glass window ay nakita kong nadungisan ng pintura ang pisngi ko. Kaya naman pala ako binigyan ni Axel ng panyo, of course, panyo niya ito. Nakakalokang kinikilig pa akong ipinunas ang panyong kaamoy ni Axel sa pisngi ko. Nakakapanlumo naman kasi si Axel sa paggiging gentleman niya. Hindi na nakakapagtaka kung bakit pinapantasya talaga si Axel dito sa amin kahit hindi siya ang basketball captain ng school.
Tamang-tama na paalis na ako nang bigla ko namang nakabungguan ang instructor ni Axel sumusubok nanamang humabol sa kanya.
"Ayos lang po kayo?" tanong ko pagkapatayo sa instructor ni Axel.
"Salamat. Salamat." Ang tangi lang nitong sagot sa akin at matapos pagpagan ang sarili ay dali-dali na itong sumunod sa direksyong nilakaran ni Axel.
Paalis na din sa na ako nang mapansin ko ang isang yellow na brown envelope sa may sahig. And since hindi ko naman alam kung kanino ito dahil sa wala ni kahit anong nakasulat sa likod ng sobre ay nacurious akong buksan ito.
Laman ng sobre ang isang ticket at invitation sa isang exhibit soiree na gaganapin sa isang museo. Panigurado, ang ticket na ito at invitation ay pagmamay-ari ng instructor ni Axel pero dahil kailangan kong makalapit pa kay Axel ay kailangan kong gamitin ito.
Aattend ako ng soiree. Oh my gosh, party? Ano naman ang isusuot ko?
Muli kong hinalungkat ang sobre at di nga ako nagkamali na kalakip ng ticket at invitation ay mayroon ding gift check para sa mga kakailanganing pangparty like dress and make-up. Then everything is settled.
Kaya naman pagdating ng ikalawang gabi ay kabado akong umattend sa soiree pero more likely, exhibit party ata ito ng mga prominenteng tao. Ang host ng soiree na ito ay ang pamilya nila Axel, ang mga Lustre. Sila lang naman kasi ang kilalang pamilya pagdating sa larangan ng pagpinta.
Pagdating ko sa loob ng soiree ay agad din akong nabagot, pare-pareho ang naririnig ko, kung hindi canvass na ginawa ni Juan ay baka 'yong painting na ginawa ni pedro. I mean, puro kasi mga artist ang naririto na naeecounter ko kaya hindi talaga ako maka-relate.
Hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko padin maunawaan bakit ako nagkakutob na tumuloy dito samantalang mukhang wala naman si Axel sa lugar na ito. Wala na akong nagawa kung hindi ang magikot-ikot hanggang sa natanaw ko sa may isang sulok ang nag-iisang si Axel.
YES! Nandito si Axel!
Of course, nanggaling sa pamilya ng mga artist si Axel Lustre, so it's really impossible na hindi siya pumunta dito kahit na ayaw niya. If I could remember it right, na sa direct bloodline si Axel at 'yong tatlo ni Augustus Lustre, ang sinasabing human lover daw ni Arcana at pintor ng painting ni Arcana.
Palaisipan pa rin sa akin kung kapatid, pamangkin, anak o papanong naging kamag-anak ni Augustus ang kalolo-lolohan nina Axel at noong tatlo para maging direct bloodline silang matawag.
Ganunpaman, ang dapat kong pagtoonan ngayon ng pansin ay ang awakening ni Axel, siya na pala ang susunod sa challenges ko.
Nagulat ako ng bigla na lamang siyang lumapit sa akin sabay sabing, "Could you dance with me for a moment?" agad nitong aya and bago pa man din ako makasagot ay agad na niya akong hinila sa may dance floor.
For the next moment na magkasayaw kami ni Axel ay na sa iba naman ang focus ng mga mata niya. Sinubukan kong hagilapin ito at napansin ko ang isang matandang lalaking nakamasid sa kanya.
Sino naman kaya ang lalaking iyon?
Nang umalis ang lalaki ay inaya na ako ni Axel na huminto. "I'm sorry to cause you burden but thank you for playing along with me." sabi nito habang binibigyan ako ng isang pormal na pagyuko at halik sa forehand ng kamay ko.
Napakaformal na ng gathering, English speaking pa mga tao, tapos pati pakikitungo ni Axel too formal, aba matinde! Nakakahimatay na talaga itong ginawa niya.
Paalis na sana si Axel nang agad ko siyang pinigilan, "Ah...eh...wala kasi akong kilala dito Axel, pwede bang dito ka muna saglit?" sabi ko.
"Kilala mo ako?" Tanong nito na may pagtatakang mababatid sa mukha niya. Take note, nagtagalog pa siya.
Muntikan ko nang makalimutan, hindi pala nila ako kilala sa fake world na ito, so kinakailangan ko nanamang mag-isip ng idadahilan. Kaya lang nakakalungkot kasi di na niya ako natatandaan kahit no'ng nakaraang dalawang araw lang eh nagkita kami.
"Ah oo, schoolmate mo ako. Actually, ako nga 'yong naging subject mo sana sa paint class mo no'ng nakaraang araw." ang pinakaligtas na sagot na naisip ko.
"I see, right, that's you. You're too beautiful tonight that I wasn't able to recognize you, I'm very sorry." Sige lang Axel, pasabugin mo pa ang namumula kong mukha sa mga ganyang litanya mo. Kaso hindi pa siya natapos at muli siyang nagsalita, "Alright, in return of the favor you gave me a while ago, I will accompany you tonight. I don't have that much anything to do and besides, wala din naman akong masyadong kilala dito." Sagot niya na nagbalik English nanaman.
Mapa-fake world man or real world, it is undeniable how free-handed and kind Axel is. Tipong aura palang niya alam mo nang mabait siya. Kaya lang kailangan ko pa ring mag-ingat. Fake world pa rin ito, one bad move at makukulong kami forever ni Axel dito.
Pansamantala akong nagpaalam kay Axel para magpunta sa comfort room saglit at bago pa man din ako makapasok ay natigilan ako sa dalawang boses ng babae sa loob na tila may pinagtatalunan.
"Ang anak ko dapat ang na sa kinalalagyan ni Axel kung tutuusin. Walang talento ang anak mo sa pagpinta na gaya ng anak ko, nagkataon lang na panganay ang anak mo kaya naman napunta sa kanya ang karapatan." Ang ani no'ng isang babae.
"Si Papa ang may kagustuhan nito, bakit di ka sa kanya magreklamo?" sagot naman ng babaeng ayon sa pagkakaintindi ko ay ina ata ni Axel.
Dahil sa iringang nagaganap sa loob ay minabuti ko nalamang na di na pumasok kaso pagliko ko para bumalik kay Axel ay nakasalubong ko naman ang matandang lalaking kanina ay nakamasid sa'min.
"Who are you? I tried searching about you from the guest list but you were not listed. How did you know about my grandson Axel?" sunod-sunod na tanong nito sa akin.
Lolo siya ni Axel?
Ngunit bago pa man din ako makasagot sa mga tanong niya ay agad na niya akong kinaladkad para paalisin sa party.
Sakto naman na padaan kami sa may hallway malayo sa nagaganap na soiree ay biglang umeksena si Axel para harangan kami.
"AXEL, MOVE AWAY!" Ang suway ng lolo niya.
Agad na hinatak ni Axel ang kamay ko mula sa lolo niya, "Lo, what do you think you're doing, dragging an innocent girl outside?" sagot naman ni Axel.
"She's a gate crasher, Axel. She's not part of the guest list."
At nasupresa ako nang muli pang nagdepensa si Axel sa lolo niya para sa akin, "She's from the same school as I and apparently she's my friend too." Sabi nito.
Teka, FRIEND? Naalala na kaya niya ako?
Bigla nalang nagdial ng kung anong numero ang lolo ni Axel at maya-maya pa'y may mga security guards ng nagpahiwalay sa'min ni Axel.
Nang magkahiwalay na kami ay hinarap ako ng lolo niya sabay sabing, "Try to ask your parents to teach you some manners."
Papalayo na'ko sa kanila nang biglang narinig ko si Axel mula sa likuran kong tila sumasigaw ng "HANDS OFF ME!!!" at nang makawala siya'y agad niya akong hinila't itinakbo papalayo.
At one moment para bang eksena sa isang romantic movie ang naimagine ko sa'ming dalawa. We're like eloping, like running against the world that is against us. Grabe nga naman ang kakahayan ng fake world na ito magcreate ng mga scenarios na talaga namang nakakadala ng damdamin. Kung di ko lang siguro naiisip na may mission akong dapat na tuparin baka no'ng kay Saichi palang bumigay na ako.
Tumakbo kami hanggang sa marating namin ang balcony na may dalawang security na palang nakaabang na agad namang nagpahiwalay muli sa'ming dalawa.
Ngunit nanglaban si Axel at bago pa man din niya ako makuha ay aksidente ako nitong naitulak. Napakataas ng palapag na kinalalagyan pala namin na halos parang sinliit nalang ng langgam ang mga nagdaraang sasakyan sa ibaba.
Mabuti nalang at nakakapit pa ako kundi'y tuluyan na'kong nahulog pero hindi ko din alam kung hanggang saan ang itatagal kong nakabitin. Pareho na akong nadadala ng takot at pangamba hanggang sa biglang iniabot ni Axel ang kamay niya sa akin, "Abutin mo kamay ko." sabi nito.
At pilit ko naman itong iniaabot ngunit halos parang hindi ko ata kakayanin. Bumibigat na ang pakiramdam ko at nangangawit na ang mga braso kong nakakapit.
"Abutin mo! Ano ka ba?! Please! You have to reach it! Do you wish to die? Don't you want to stay with me?" ang patuloy na sinabi ni Axel na nagpakabog bigla sa dibdib ko.
Stay with him? Here? In this fake world? No way! Ayaw kong makulong dito sa mundong 'to kahit pa parang nakakatemp talaga.
Sorry, pero nagpamulat sa akin ang sinabi ni Axel ngayon-ngayon lang. Of course, although parang napakabilis, this is the climax ng awakening ni Axel. Ito na nga ang pagkakataon na hinihintay ko para maisakatuparan ang ikawalang misyon ko sa fake world na ito.
Kaya naman, "I don't want to stay with you..." ang isinagot ko sa kanya.
"ANO KA BA, IDIOT?! ABUTIN MO NA KAMAY KO!" sigaw niya.
Inipon ko ang buong lakas ng katawan ko para maabot ang kamay niya ngunit hindi para mailigtas niya ako, ginawa ko ito upang hilain siya at kasama kong mahulog pagkasabi kong, "...Because this isn't the place we both belong."
"HELL! WE'RE GONNA DIE!" sigaw ni Axel habang bumabagsag kami mula sa balcony.
Agad kong hinawakan ang mukha ni Axel para iharap sa'kin, "You have to wake up now Axel! I need you to wake up in our real world!"
"ANO BANG PINAGSASABI MO EH MAMAMATA—" but before Axel could say something more ay bigla kong hinalikan ang mga labi niya.
Now, let the kiss do the trick. If this is the climax of Axel's awakening ay hindi kami mamamatay sa fake world na ito. Mabubuhay kami pareho, and Axel will finally be awakened.
He has already proven na isa siya sa mga sentries ko the moment he stand against his grandfather to save me kahit pa kakikilala palang niya sa akin and kanina sa balcony bago kami mahulog kitang-kita ko sa mata niya na ayaw niya akong mamatay, it's so genuine.
Axel wanted to save me not because I am the Arcana princess but because I am a girl—a poor damsel.
Gaya nang nangyari sa'min ni Saichi, nagcreate din ng liwanag sa pagitna namin ni Axel nang halikan ko siya and as I parted my lips from him, "I'll see you soon Axel" sabi ko bago siya tuluyang naglaho sa paningin ko kasabay ng liwanag.
*****
CURSE OF ARCANA
PROPERTY OF AMEDRIANNE
FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014
♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡
●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●