Case 01 : Number Killer
Kabanata 01 : Daga't Pusa
Part 03 : Ang tatlong hiyas
Pag-kabukas ng elevator isang bagong opisina ang bumungad sa harapan ng tatlo. Ang logo rin ng S.C.I. na naka-imprinta sa pintuan ay nag-mukhang tulad ng sa F.B.I. Ngunit pagkaapak na pagkaapak pa lamang nila palabas ay nag-bukas rin ang kabilang elevator kaya't pare-parehas silang napalingon rito... Isang eleganteng lalake ang lumabas mula rito habang ang kanyang kaliwang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa at ang kanan naman ay may hawak na folder.
Awtomatikong kinabahan si Wang Chao at Zhan Long, kapwa napabaling ang dalawa sa kanilang Kapitan, tulad ng kanilang inaasahan ay tumigas ang ekspresyon nito. "Sya ay si..."
+++
Pagkalabas ng pinto ay napansin ni Gongsun sa harapan ng elevator sila Zhan Zhao at Bai Yutang na nakatingin sa isa't-isa. Ngingisi-ngising napailing na lamang sya, 'Hayan na naman po sila..'
Ngumiti sya, "Xiao Zhan, Xiao Bai (1), bakit hindi kayo pumasok?"
Sa pag-kakataong iyon ay tuluyan nang kinilabutan si Wang Chao at Zhan Long, napalunok ang dalawa pagkunway nag-wika, "Patay, mayroon pang isa..."
Ang tatlong lalake sa kanilang harapan ay pare-parehas na hindi ordinaryong tao. Kilala ang mga ito bilang mga kayamanan sa headquarter. Ang mga hiyas ng pwersa sa kapulisan ng City S, pag-dating sa kani-kanilang trabaho..
Si Bai Yutang, kalimitan syang tinatawag ng mga nakakakilala sa kanya sa pangalang Bai Laowu (the fifth Bai), hindi dahil sya ang ika-limang anak kundi dahil sya ang ika-limang henerasyon sa kapulisan na nag-mula sa pamilya Bai. Ang mga Bai ay kilala bilang nangunguna sa kapulisan. Maging ang kanyang lolo, ama at tito ay pawang mga kilalang pulis at hanggang ngayon ay nasa matataas na posisyon, sa departmento man ng kapulisan o militar. Minana ni Yutong ang lahat ng superyor na genetika ng henerasyon ng kanyang ama. Pag-katapos maka-graduate mula sa military school sumali sya sa Air force at bumalik bilang isang Homicide Police at kanilang kapitan. Sa mga lumipas na taon ay marami na syang kaso ang na-resolba. Masyado ring malakas ang loob nya at may kakayahan pag-dating sa pisikal na pakikipag-laban, ngunit kakaiba ang kanyang pasensya. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang buong Homicide Division ay masyadong makapangyarihan. Walang nag-tatangkang manggulo sa kanila mula pwersa ng mga pulis. Kapag dumadaan ang iba sa pintuan ng Homicide Division walang nag-lalakas ng loob na gumawa ng ikabubulabog ng dibisyon.
At kapag si Bai Yutang ang pinag-uusapan o ang ibang mga dalubhasa, siguradong mababanggit rin si Zhan Zhao, o, ang eleganteng lalake na kalalabas lamang ng elevator.
Ang tatlong dalubhasang ito ay kilala, hindi lamang sa kanilang pambihirang kakayahan, ngunit dahil sa isa pang mahalagang dahilan, iyon ay ang kanilang mga kagwapuhan kaya't marami ang naiinggit sa kanila. Lalo na si Zhan Zhao, ang kanyang pinong itsura kasama ang pagiging mataas at medyo mapayat na katawan, nababagay ito sa suot nyang asul na kurbata, na syang nakakakuha ng atensyon ng lahat ng babae. Kapag ngumiti sya sa iyo ng banayad, tulad ng kasabihan, nakamamatay ito. Isa rin syang kilalang criminal Psychology doctor, bata pa lamang ngunit sapat na upang maging isang maawtoridad sa larangan ng kanyang trabaho. May pambihirang rin syang taas ng IQ. Noong nag-aaral pa lamang sya ay marami syang nilaktawang taon, ngunit kung gaano kataas ang kanyang IQ ay ganon naman kababa ang kanyang pisikal na kakayahan, kaya't madalas ay nagbibigay lamang sya ng mga serbisyo sa pagkonsulta sa puwersa ng pulisya upang tumulong sa mga kaso.
Ngunit sa katunayan, sya at si Bai Yutang, ayon sa kasabihan, ay 'hindi na gusto pa ang isa't-isa mula pa man nang isilang sila' ngunit dahil sa mapag-larong kapalaran, ang pamilya Bai at pamilya Zhan ay mag-kapitbahay. Ang kanilang mga ina ay mag-kakaibigan na mula pa sa elementarya, bukod pa dito ay mag-kasabay rin na isinilang ang dalawa. Mas nauna lamang ng isang oras si Zhan Zhao kay Bai Yutang. At dahil sa isang oras na pagitang ito, kinakailangan pa ni Bai Yutang na tawaging Xiao Zhan Ge Ge (2) si Zhan Zhao. Isang sama ng loob na matagal nang kinikimkim ni Bai Yutang.
Kaya't ang dalawang ito ay matalik na mag-kaibigan kung tutuusin, ngunit bakit nga ba nila labis na kinamumuhian ang bawat isa? Iyon ay dahil simula pa lamang noong nasa kindergarten pa lamang sila ay masyadong na silang nagkukumpitensya sa bawat isa. Kapag kumakain sila, susubukan nilang nakawin ang pag-kain ng bawat isa. Kapag natutulog sila, susubukan nilang agawin ang unan ng bawat isa.
Di nag-laon, tumaas ang paraan ng kanilang pakikipag-taasan sa bawat isa, iyon ay ang kung sino ang mangunguna sa exam at kung sino ang lalaktaw ng mas maraming taon sa pag-aaral. Nagkampeon si Bai Yutang sa Sanda, habang si Xiao Zhan naman ang nakakuha ng pagkakilanlan sa scholarship. Naging ganon ang takbo ng kanilang kumpitensya sa bawat isa hanggang sa pumasok ng militar ang isa at ang isa nama'y nag-punta ng ibang bansa. Gayunpaman, sa mga oras na ito, nag-tagpo pa rin ang kanilang landas sa iisang yunit, may mas lalala pa nga ba dito kumpara sa mag-kaaway na madalas mag-kita?
Sa mga mata ni Yutang ay hindi tunay si Zhan Zhao tulad ng inaakala ng lahat, bagkus ay, 'isa syang tusong pusa!' At sa mga mata naman ni Zhan Zhao, hindi ganon kahusay si Bai Yutang, bagkus ay 'isa syang nakakainis na (4)puting daga!'
Samantala sa kanyang puting lab coat at suot na salamin sa kanyang mga mata, mukhang edukado at matalino naman ang isang tulad ni Gongsun. May pangalan sya sa larangan ng pathologist. Isa syang kilalang anthropologist. Sya rin ang guro nila Zhan Zhao at Bai Yutang noong nasa unibersidad pa lamang ang mga ito. Pero sa mga mata ng dalawa, ang lalakeng ito na pumupunta kahit saan dala ang kanyang scalpel, ay mas mukha pang siraulong mamamatay tao.
Sa mga oras na ito, ang tatlong ito ay nanatiling nakatayo sa labas ng S.C.I. na nakatitig sa bawat isa, binulahaw na lamang sila sigaw ni Direktor Bao nang hindi na ito makatiis pa sa senaryong iyon, "Aba't, ano pang itinatayo-tayo nyo dyan sa labas! Pumasok na kayo at oras na para sa meeting!"
Translator Note :
(1) Xiao = isang pangkaraniwang salita na ginagamit sa Chinese para tawagin ang sinuman sa impormal na paraan.
(2) Xiao Zhan Ge Ge: Ge Ge ibig sabihin Kuya, isang paraan na rin ng pag-galang sa mabuting paraan sa chinese, dahil pwede naman nilang tawagin ang nakatatanda ng big brother pero mas ginagamit ito bilang pag-galang o pala-kaibigan na paraan kaya nga siguro talagang galit si Yutong. Yung igagalang mo yung kinaiinisan mo, (yeah, I fell that bro. 😒)
(3) Sanda: kilala rin bilang Sanshou, isang klase ng self-defense at combat sport sa chinese, kickboxing sa english term. Hindi ko alam sa Tagalog eh.
(4) Puting daga : sabihin nalang nating para syang si Gongsun; mukhang/ mukha lang na ganito, ganyan.(mukhang matalino, magaling etc.) So yeah, I don't know how to describe it exactly pero sa tingin ko nai-describe ko naman ayon sa pag-kakaintindi ko 😅 lol.
*Next chapter will be updated... kapag nagka-oras ako mag-salin lol 😆 Hopefully nagamit ko yung mga tamang salita. I've used some English since may mga ibang salita ang hindi bagay sa Tagalog or di ko talaga alam ang tagalog. Pero kung may mali man at mabait kayo para itama ako, (insert virtual shakehands here) Thank you so much pre! I love my language but I didn't know exactly it's every word #NaiskongmagingMakata lol 😆 So yeah, I'll zip my lips here, masyado na akong madaldal.