Kabanata 04 : Morge
Isang silver white sports car ang huminto sa labas ng Mortuary sa City S. At kahit walang masyadong tao ang makikita sa lugar ay napapalingon pa rin ang mga dumaraan sa kahanga-hangang sasakyang ito.
Oras na lumabas si Bai Yutang sa sasakyan suot ang silver trench coat at sunglasses n'ya, maaari ring aaklain ng mga tao na isa s'yang celebrity, isang modelo... At tiyak na hindi isang police officer.
Naiiling na lumabas ng sasakyan si Zhan Zhao, "Seryoso, bakit walang pang nag-sasampa ng reklamo laban sa iyo?
"Reklamo tungkol saan?" hinubad ni Bai Yutang ang suot na salamin at nag-simulang mag-lakad patungo sabulwagan.
"Nag-mamaneho ka ng sports car na nag-kakahalaga ng 0.4 million dollar, at sa loob at labas pa ng bureau. Hindi ako naniniwalang wala pang nag-reklamo tungkol sa iyo."
"Si Kuya ang nag-bigay ng sasakyang ito sa akin, legal ang lahat ng pera n'ya!," nilingon ni Bai Yutang ang nakasunod na si Zhan Zhao, "Isa pa, gustong-gusto ko ang sasakyang ito. Mas mabilis ito sa kahit anong sasakyan mayroon ang headquarter, bagay na bagay sa pag-huhuli ng mag-nanakaw!"
"Isang pulis na nang-huhuli ng mag-nanakaw gamit ang sports car. Ipinapakita nga nitong hindi ka pa talaga sigurado sa posisyon mo sa lipunan!"
"Oo na.. ikaw talagang kuting ka, pinapatunayan mo talagang hindi ako normal simula pa noong isinilang ka," iginala ni Bai Yutang ang kan'yang paningin sa buong bulwagan ng morge habang sinusuri ito, "Gayunpaman, kahit gaano pa kagaling ang mga psychology theories mo, hinding-hindi 'yan gagana sa akin."
"Ulol!," namulsa si Zhan Zhao, "Kahit hindi mo aminin, napatunayan ko nang may paranoid, borderline, histrionic, narcissistic at schizotypal personality disorders ka nitong mga nakalipas na dalawampung taon!"
"Kung ang lahat nga ng assessment mo sa kung ano-anong personality disorders na yan ay tama," itinuro ni Bai Yutang ang kan'yang daliri sa mismong morge, "Mas gugustuhin ko nalang na ako ang nag-lalagay ng mga numero sa bangkay kaysa ang mag-imbistiga nito."
"Para sa isang imbestigador, kakaiba ang isang tulad mo." isang lalake ang lumabas mula sa silid ng morge.
Kapwa napabaling ang dalawa sa lalakeng nag-salita. Slim ito at nasa kan'yang 30's. Ang madilim na ilaw sa morge ay tila nag-bigay ng putla sa kan'yang balat, animo'y isang bangkay na bumangon mula sa loob ng morge.
"Chen Jing ang pangalan ko, pulis kayong dalawa hindi ba?" iniabot n'ya ang kan'yang kamay.
"Ah…Hi." inabot ni Bai Yutang ang kanyang palad saka nakipag-kamay at ipinakita ang kan'yang ID, "Bai Yutang. Heto naman si Zhan Zhao."
"Sinabi na sa akin ni Gongsun na darating kayo," pag-katapos makipag-kamay, dinala sila ni Chen Jing papasok ng morge, "May gusto muna akong ipakita sa inyo."
Nag-palitan ng mga tingin si Bai Yutang at Zhan Zhao saka sumunod kay Chen Jing papasok.
Ilang bangkay rin ang nababalot ng puting tela ang makikita sa loob ng morge. At iisa lamang ang bahagyang natatakpan, walang duda na ito ang pinag-kakaabalahan ni Chen Jing.
"Kadarating lang ng isang ito nitong umaga lang," tinagilid ni Chen Jing ang ulo nito upang ipakita ang numerong tatlumpu't labing siyam na marka.
"Ah! Isa na naman." sinulyapan ni Bai Yutang si Zhan Zhao.
Bahagyang lumapit si Zhan Zhao upang suriin ang numero, "Mukhang hindi naman ito gawa ng kamay."
"Hm?" bahagya ring lumapit si Bai Yutang pag-katapos marinig ang sinabi ng huli. Hindi pangkaraniwan ang pagiging malinis ng asul na numero, maliban doon ay isinulat ito sa serif font.
"Hindi s'ya tattoo?" napakamot sa kan'yang baba si Bai Yutang at naguguluhang binalingan si Zhan Zhao, "Kung ganon, ano 'yan?"
"... Titingnan natin ang mga detalye pag-katapos ng chemical analysis, atsaka isa pa, mas mukha pa syang stamp kaysa tattoo," sinusuri pa rin ni Zhan Zhao ang bangkay, "Mukhang ang taong may gawa nito... ay isang perfectionist."
"Perfectionist?" muling tiningnan ni Bai Yutang ang numero, "Wala ka ngang makikitang kahit anong ganda (1) rito, maliban na naka-marka ito sa likod ng tenga ng isang bangkay."
"Perfection! Hindi ganda!" bigay diin ni Zhan Zhao, "Mula nang makita ko angga larawan, napansin kong halos lahat ng numero ay nakatatak sa pare-parehas na lugar," nag-suot s'ya ng gloves at hinawakan ang tenga upang ipakita kay Bai Yutang ang tinutukoy n'ya, "Ang mga numero, naka-marka sa tapat ng Cavum Conchae. Alam mo ba ang ibig sabihin nito?"
"Isang taong may sira sa ulo ang may gawa nito?" sagot ni Bai Yutang ng hindi man lang nag-iisip. Napaikot ng kan'yang mga eyeballs si Zhan Zhao, "Oo, sigurado iyon."
"At ang posisyong ito!" patuloy ni Zhan Zhao, "Ang natatanging posisyon."
Nag-kamot ng kan'yang tenga si Bai Yutang, "English, please."
Nakatanggap s'ya ng irap, "Kung hindi natin gagalawin ang tenga, hinding-hindi natin mapapansin ang mga numero sa ganitong posisyon." binitawan ni Zhan Zhao ang tenga at hinayaan itong mag-balik sa dating posisyon, kung saan ay tunay ngang natatakpan ng hugis ng tenga at hindi makikita sa ibang angle.
"Kung ganon, ano nga ang ibig 'nong sabihin, expert?" mukha pa ring naguguluhan si Bai Yutang.
Tinanggal ni Zhan Zhao amg suot na gloves, "Ibig sabihin, kung sino man ang gumawa ng pag-mamarka ay may matibay s'yang Medical Foundation at nag-tatrabaho sa isang gawain na kinakailangan ng maiging atensyon sa bawat detalye. Sa buhay, isang maingat at reserbado'ng tao ang isang ito."
"Anak ng! Mag ingles ka nga!" pang-gugulo ni Bai Yutang.
"Isa s'yang Psycho." pinal na wika na lamang ni Zhan Zhao.
_____________End of Chapter 03_____________
- xᴢᴇᴄᴋᴇʀɢʀᴇɪɢʜ Note;
(1) Ang Chinese word ng Perfection ay wan mei, literal na ang ibig sabihin ay complete 'beauty', pansin n'yo ang salitang beauty d'yan, kaya iyon nasabi ni Bai.