Kabanata 05 Stalker
Matapos nilang makaalis ng morge, tinawagan ni Bai Yutang si Gong Sun upang ipaalam sa doktor na may bago na namang bangkay, saka s'ya sumakay ng kotse kasama si Zhan Zhao.
"Ano na?"sinimulang pasadahan ni Zhan Zhao ang mga dokumento ukol sa kaso ng serial taxi hit-and-run.
"Sa Bilangguan." in-allign ni Bai Yutang ang rear-view mirror, "Doon tayo sa baliw na matanda."
"Wu Hao, apat na pu't pitong taon na s'ya, at dalawampung taon nang cab driver. Kasal, may labing-syam na taong gulang na anak na babae, na nag-aaral sa kolehiyo," isinara na Zhan Zhao ang dokumento, "Mukha namang hindi ito buhay ng isang taong may galit sa lipunan."
"Narinig kong umakto s'yang may split personality sa korte, kaya iyon, mental hospital ang diretso n'ya."
"Ang pagiging Baliw, may sakit sa isip at taong may iba't-ibang katauhan ay ganap na mag-kakaibang konsepto!" napahawak si Zhan Zhao sa dash board, "Bai Yutang! Bumibilis ka na!"
"Split personality, crazy at mental illness; para saken pare-parehas lang ang mga ito. Kung sa mga mata mo, hiwa-hiwalay ang mga tao sa 'n' na uri (1). Pero sa akin, may dalawang klase lamang; ang mabubuti at masasama." sinulayapan ni Bai Yutang ang rear-view mirror.
"Sa tingin mo ba, may sumusunod sa atin?"
"Huwag kang lilingon!" pinigilan ni Bai Yutang si Zhan Zhao bago pa man ito makalingon, "Tumingin ka dito." tukoy n'ya sa rear-view mirror.
Sa rear-view mirror, doon nakita ni Zhan Zhao ang kulay itim na Honda'ng sumusunod sa kanila, nasa tatlo o apat na metro ang mula sa kanilang likuran, "Wala naman akong nakikitang mali... instinct mo na naman?"
"Hoy! Para sasabihin ko sayong kuting ka! Sinanay ako sa militar!" tinaasan ni Bai Yutang ng kilay si Zhan Zhao saka binalingan ang seatbelt nito.
"A-anong iniisip mo?!" naalarma si Zhan Zhao at napahawak sa kan'yang seatbelt.
"Alam mo kung ano ang pinaka-pag-kakaiba nating dalawa?," ngumisi si Bai Yutang, ibinalik n'ya sa ayos ang rearview mirror, "Masyado ka malalim mag-isip, habang ako isa lamang akong.. praktikal na tao!" mahigpit n'yang inapakan ang gas pedal.
Spyker C8's superior, sa isang iglap tumambad ang kakayahan ng sasakyang ito. Matapos nilang nalagpasan ang ilang mga sasakyan ng ilang segundo, ibinalik ni Bai Yutang sa normal na bilis ang sasakyan. Ngunit ilang sandali ay muli na namang nag-pakita sa kanilang likuran.
Tinaasan ni Bai Yutang ng kilay si Zhan Zhao animo'y nag-sasabing, 'sabi sa'yo.'
"Oo na, tama ka na," in-adjust ni Zhan Zhao ang rear-view mirror upang makita n'ya ng maayos ang sumusunod sa kanila, "Memoryado ko ang model at plate number, gusto mo bang ipa-check ko?"
"Siguradong peke iyan." sinuot ni Bai Yutang ang kan'yang sunglasses, "Kuting... Kumapit ka!"
"Ano na namang gagawin mo?" agad na kumapit si Zhan Zhao sa roof handle, "Baka nagustuhan lang nila ang sasakyan mo at gustong lang kumuha ng larawan."
"Pasensya na pero hindi ako pumapayag sa mga walang dahilang pag-sunod."
"Kung makapag-salita ka palagi kang may stalker." napangiwi si Zhan Zhao saka hinigpitan ang seatbelt n'ya.
"Tama! Hindi ka nag-kakamali d'yan! Kilala akong tao," pag-mamayabang ni Bai Yutang, "Pero, pare-parehas lang silang walang common sense."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Dapat alam nilang kahit sa kalsada, walang makaka-pantay sa isang pilotong nag-papalipad ng fighter planes!" marahas muling iniapak ni Bai Yutang ang kan'yang paa sa gas pedal
Sa sobrang bilis ng pag-mamaneho ni Bai Yutang ay nag-ingay pa ang gulong nang huminto sila sa tapat ng tarangkahan ng bilangguan. Pag-kabbana nila ng sasakyan ay wala na ring nakasunod sa kanila.
"Ano? Kamusta ang pag-mamaneho ko?" mukha pa ring hindi kuntento si Bai Yutang, "Ganito dapat ang pag-mamaneho!"
Hindi ito nagustuhan ni Zhan Zhao, "Pinapayuhan kitang bumili ka pa ng mga insurance. Ang mga kilos mo, ipinapakita pa rin nitong hindi ka pa rin nag-babago sa kung gaano mo labis kinagigiliwan ang pagiging pilot mo noon. At ito ay nagpapatunay muli na hindi ka sigurado sa iyong posisyon sa lipunan. "
Bumuntong hininha si Bai Yutang, pinitik n'ya ang kan'yang daliri upang kunin ang atensyon ng huli, "Tingnan mo yun... kuting! Tingnan mo yun."
Sa harapan nila, napakataas ng tarangkahan ng bilangguan. Nag-wika si Bai Yutang, "Nasa loob non, naroroon nakakulong ang taong gusto mong pag-aralan. Puntahan mo s'ya at ilabas mo ang lahat ng pag-nanais mong pag-aralan ang tao, hindi yung ako ang itinatrato mong parang daga sa isang laboratoryo."
"Puti kang daga! Anong magagawa ko?!" patakbong sinundan ni Zhan Zhao si Bai Yutang papasok ng bilangguan sa tabi nito, "Iyon na ang kapalaran mo!"
__________End of Chapter 05_____________
- xᴢᴇᴄᴋᴇʀɢʀᴇɪɢʜ Footnote:
(1) n type: Hindi ko matandaan kung ginagamit nila sa Ingles ang letrang 'n' bilang kapalit ng 'marami'