Chereads / SPECIAL CRIME INVESTIGATION / Chapter 11 - Kabanata 06 : Bilangguan

Chapter 11 - Kabanata 06 : Bilangguan

Kabanata 06 : Bilangguan

Ang bilangguan, kahit kailan hinding-hindi ka nito bibigyan ng magandang pakiramdam, kahit na minsan ka lang kung dumalaw.

Sa isang natatanging visitation room ay nagawa rin nila Bai Yutang at Zhan Zhao na makita ng personal si Wu Hao, na sya namang balot na balot na parang suman (3), dahil sa suot nitong straight jacket.

Si Wu Hao, hindi sya mukhang nasa fifties anyos na taxi driver, at mas lalong hindi mukhang may sakit sa pag-iisip. Nakasuot sya ng salamin para sa mga taong nahihirapang makakita ng malinaw mula sa malayo, mukha rin naman syang kalmado at tahimik. At kung hindi sya nababalot ng diretso at masikip na jacket, aakalain mong isa syang teacher o propesyonal na tao.

Mabagal syang nag-lakad papasok ng special visitation room at sinulit ang oras upang siyasating mabuti ang paligid saka naupo sa harap ng lamesa. Nag-taas sya ng tingin at sinimulang pag-aralan sila Zhan Zhao at Bai Yutang na nasa sa kanyang harapan.

Unang napansin ng kanyang mga mata si Bai Yutang, ilang sandali ring nanatili rito ang kanyang tingin pagkunway dahan-dahang nag-wika, "... Ikaw.. isa kang mabuting pulis."

Sandaling napatitig rito si Bai Yutang, saka tumango, "Ngunit hindi ka magaling na driver."

Bahagyang natawa si Wu Hao, saka ibinaling ang kanyang paningin kay Zhan Zhao. Nanatili ang kanyang tingin kay Zhan Zhao ng mas matagal pagkunway napatango-tango na lamang, "Isang napakagandang piraso ng sining, ikaw ang pinaka- perpektong nilalang na nakita ko sa aking buhay. '

Maging si Zhan Zhao ay pinag-aaralang mabuti si Wu Hao habang pinag-aaralan sya nito. Ngumiti sya pag-karinig sa sinabi ni Wu Hao, "Salamat sa iyong papuri. Ngunit mas magiging masaya ako kung isang tao ang tingin mo sa akin."

Bahagyang lumapit si Wu Hao upang makita ng mas malapitan ang mga mata ni Zhan Zhao, "Tila isang pares ng mga mata ng pusa; tulad ng opal na may kulay ng amber."

"Hoy!" pinitik ni Bai Yutang ang kanyang mga daliri sa tabi ni Wu Hai dahilan upang mahinto ito sa pag-sasalita, "Maupo ka nga!" (4)

Ibinaling ni Wu Hao ang kanyang atensyon kay Bai Yutang nang hindi ginagalaw ang kanyang katawan, "Nangangamoy maninila ka." (1)

"Itunuro ni Bai Yutang ang upuan sa likuran ni Wu Hao, "Mas mabuti pang maupo ka na ngayon, at huwag na huwag mong igagalaw ang mga buto mo, kundi ipapakita ko talaga sayo kung ano talaga ang itsura nang isang maninila."

Aangal pa sana ang huli ngunit umupo rin itonat sumunod.

Binuksan ni Bai Yutang ang nga file sa lamesa at ipinakita ito kay Wu Hao, "Tingnan mo ito."

Pinanatili ni Wu Hai ang pag-kakaupo n'ya ng diretso at binalingan ang nga karawan upang pasadahan ito ng tingin. Ngumi s'ya ng makahulugan.

"Mukhang hindi ka nasorpresa." biglang pahayag ni Zhan Zhao.

Itinaas ni Wu Hao ang kanyang kilay ng kaswal, "Sorpresa? Bakit naman? Mga ordinaryo lamang itong tattoo."

"At sinong nag-sabi sayo'ng tatoo ang mga ito?," sinundan ito ng tawa ni Bai Yutang, "Bakit hindi mo sinabing ipininta sila?"

Natigil ang mga ngiti ni Wu Hao, ngunit nabawi nya rin ito agad at naguguluhang nag-tanong, "Mayroon bang pag-kakaiba sa dalawang iyon?"

"Oo naman." tinapik ni Zhan Zhao ang kanyang mga daliri sa lamesa, "Ang mga tatoo ay hindi natatanggal, pero ang pinta nahuhugasan. Ang mga numerong ito ay may kakaibang lokasyon, na may pare-parehas na estilo. Lahat ng makakakira sa kanila sa unang pag-kakataon, ay hinding-hindi ito muna iisiping tattoo."

Natahimik si Wu Hao, ngunit dahan-dahang nag-wika, "Pasensya na. Sa isipan ko, ang mga ganitong asul na disenyo sa isang katawan ay pare-parehas na tattoo."

"Disenyo?," sinalubong ni Bai Yutang ang mga mga mata ni Wu Hao, "Bakit mo sinabing disenyo, hindi numero?"

Hindi nakaligtas kay Bai Yutang ang pag-daan ng bahagyang pag-kataranta sa mga mata ni Wu Hao. Lumingon s'ya kay Zhan Zhao habang si Zhan Zhao ay bumaling rin sa kanya; nag-katinginan sila sandali.

Ibinalik ni Bai Yutang ang atensyon kay Wu Hao at sinamaan ito ng tingin, "Narinig kong kasalukuyan kang nag-u-undergo sa isang treatment para sa iyong split personality disorder. Sa loob ng ilang araw, hihingi na ng resulta ang hukom mula sa psychiatrist. Kapag nalkanan nga nilang may sakit ka sa pag-iisip, hindi mo na kailangan pang pumunta sa bilangguan ng habang buhay, sa halip ay sa isang mental hospital."

Hindi nakaimik si Wu Hao sa biglang pag-palalit ni Bai Yutang ng usapan.

"Mukhang takot kang mapunta sa kulungan.." patuloy naman ni Zhan Zhao bago pa maka-reak ang huli.

Bahagyang natawa si Wu Hai sa tanong, "Habang buhay na pag-kakakulong. Sinong hindi matatakot?"

"Ngunit para sa iyo ay may pag-kaiba ito," nag-simulang ngumiti si Zhan Zhao, "Para sa isang taong may obsessive-Compulsive Disorder, kapag sinabihan mo s'yang kulungan ang bagsak n'ya, mas malala ito kaysa ang sabihan mo s'yang kamatayan ang ipapataw sa kanya, hindi ba?"

Awtomatikong namutla ang mukha ni Wu Hao.

Bahagyang lumapit si Zhan Zhao at nag-wika, "Isa kang mahinahong tao. Ang patakaran at kaayuaan ay napaka-importante para sa iyo Gayunpaman, walang ganoong bagay sa kulungan. Maliit lamang ang mga lugar doon. Madumi ang hangin. Kahit saan, may germs at security camera. Maliban doon, kilangan mo ring makihalo sa iba."

Nag-simulng hindi mapakali sinWubHao matapos marinig ang mga sinabi ni Zhan Zhao. Nag-simula s'yang manginig ng bahagya, ipinikig nya ang kanyang ulo ng paulit-ulit, "Hindi nila magagawa iyon... Hindi ako mananatili sa kulungan ng habang buhay! May sakit ako! Kailangan ko ng tulong!"

"May karamdaman ka." hindi s'ya basta-bastang hahayaan nalang ni Zhan Zhao, "May malala kang OCD dahilan upang mag-karoon ka ng mysophobia (2), anxiety, madali ka ring magulat... Mag-sisimula kang nakarinig ng mga boses sa iyong mga tenga. Kahit saan mang sulok ng tila pinapanood ka ng mga tao. Kitang-kuta mo rin kung paano surain ng mga germs ang kalusugan mo..."

"Hindi... Hindi.. Hindi ako pwedeng mapunta sa kulungan... Mat sakit ako." nag-simulang sumigaw ng hesterikal si Wu Hao habang nag-pupumilit na tumayo.

Pinigilan ni Bai Yutang ang mga bantay sa kulungan na umabante hawak ang mga pamalo nilang may kuryente saka n'ya sinipa ang lamesa sa kanyang harapan. Tumana sa dibdib ni Wu Hao ang lamesa; awtomatikong bumagsak sa upuan si Wu Hao. Ang sakit sa dibdib n'ya ang naging dahilan upang mapaubo s'ya ng bayolente sa lamesa.

"Mag-simula ka nang mag-salita." malamig na wika ni Bai Yutang.

Umuubo itong nag-wika, "Tungkol saan?" nanghihina pang nag-pumiglas si Wu Hao.

"Alam mo ba?," bahagyang lumapit si Zhan Zhao, "Isa ako sa magaling na psychologist sa bansang ito. Kung ako ang mag-susulat ng resulta para sa mental health mo, sasabihin kong okay na okay ka naman. Sa tingin ko malaki ang magiging epekto non sa judge."

Gulat at takot na takot na baoabaling si Wu Hao kay Zhan Zhao.

Ibinalik ni Bai Yutang sa garaoan ni Wu Hao ang mga larawan, "Dalawa lamang ang pag-pipilian mo; sabihin mo sa amin ang lahat o ang makulong sa kulungan ng habang buhay."

Tila unti-unting bumigay si Wu Hao sa pag-kakataong iyon. Wala sa sariling ipinilig nito ang sariling ulo ng paulit-ulit, "Hindi... Hindi ako pwedeng mag-traydor... Mapaparusahan ang mga traydor."

_____________End of Chapter 06______________

xᴢᴇᴄᴋᴇʀɢʀᴇɪɢʜ Note :

(1)    maninila - predator (Hindi ko alam ang tamang word. Nahirapan rin talaga ako sa kabanata na ito, lalo na sa cat-eyed ni Zhan Zhao.)

(2)    Mysophobia: opisyal na term sa freak

(3) actually, dumplings ang ginamit na word rito pero dahil suman ang ginagamit na term sa pilipinas, suman ang ginamit ko para mas madaling maintindihan.

(4) Lol. Wala lang, pfft! Natawa talaga ako dito at ayaw kong mag-kalat sa itaas; na imagine ko ang itsura ni Bai sa scene na iyon. Yung reaksyon n'ya.