Kabanata 03 - Misteryosong mga Numero
Sa meeting room, pag-katapos makaupo ng lahat, inutusan ni Bai Yutang na ilahad ni Gongsun ang mga detalye ukol sa kaso.
"Naalala pa ba ng lahat ang kaso ng serial taxi hit -and-run noong nakaraang buwan?" walang paligo'y-ligo'y na tanong ni Gong Sun.
"Ang ibig mong sabihin, ang kasong may limang patay at tatlong nasaktan?" pagbabalik ala-ala ni Zhang Long, "Hindi ba't nahuli na ang may gawa non?"
"Oo, yung lalakeng nasa 50's. Naalala ko, medyo may sira ang isang iyon.." dagdag naman ni Wang Chao.
"Tama," sang-ayon ni Gongsun at tumango, "Ibinigay ang kasong iyon sa traffic unit, na s'ya namang naisara agad. Hindi iyon nakarating sa lamesa n'yo, hindi ba?"
"Oo," tumango si Bai Yutang, "Anong meron? May mali ba sa kasong iyon?"
"Tingnan n'yo ang mga larawang ito," inilapag ni Gongsun sa harapan ng buong grupo ang ilang larawan,."Heto ang mga post mortem photos ng limang namatay."
Kan'ya-kanyang dampot ang lahat sa mga larawan upang makita ito ng mabuti. Ang mga larawan, ipinapakita nito ang likod ng mga tainga ng mga biktima, kung saan ay may maliliit ngunit kulay asul na mga numero sa bawat isa. Ang mga ito ay, 7, 12, 19, 30 at 42 na naka-tatak sa bawat bangkay.
"May bilang sila?" napasimangot si Bai Yutang.
Nag-patuloy si Gong Sun, "May mas kakaiba pa," nag-pakita pa s'ya ng mas maraming larawan, "May kaibigan akong funeral makeup artist sa mortuary. At may napansin s'yang kakaiba: lahat ng namatay sa traffic accidents na may mga marka ng numero sa likod ng mga taiga nila, walang may naulit na numero. Medyo metikuloso s'yang tao kaya't napansin n'yang hindi ito pangkaraniwan kaya't kinuhanan n'ya ito ng mga larawan. Binigyan n'ya ako ng mga tala ilang araw pa lamang ang nakalilipas, at ang pinaka-huling tala ay noong nakaraang tatlong araw lamang."
"Tatlong araw?" nahinto ang bawat isa.
"Hindi ba't noong nakaraang buwan pa nasa kulungan ang baliw na driver na iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Zhao Hu.
"Maaaring hindi s'ya ang nag-mamarka ng mga numero." wika ni Zhan Zhao.
"Sang-ayon ako," tumango si Gong Sun, "Ang mga bangkay na iyon ay galing sa ospital bago idinala sa Medical Examiner Offices. At ang dalawa sa kanila ay hindi rin dumaan ng hospital. Bilang karagdagan, tingnan n'yo, ang mga ginamit na pang-marka ng mga numero ay kaparehas ng sa pagta-tattoo, maliban doon, hindi rin bago ang mga ito."
Inilatag ni Bai Yutang ang mga larawan, "Kung ang mga numero ngang ito ay konektado, isantabi mo na muna ang mga hindi natin natag-puan, kaya't maaaring lagpas pa sa bilang na dalawampu ang mga biktima."
Hinila ni Gongsun ang isang larawan, "Tingnan n'yo ang lalakeng ito."
Nagtipon-tipon ang lahat sa palibot n'ya, isa ito sa mga bangkay na may markang numero, at dalawanpu't-tatlo ang markang ito.
Binuksan ni Gongsun ang hawak n'yang dokumento, "Chen Siliang ang pangalan n'ya, namatay s'ya isang linggo ang nakararaan. At ito ang pangalawa n'yang car accident."
Hindi makapaniwalang napatingin sa dokumento si Jiang Ping, "Isa s'ya sa mga na-injured ng baliw na driver?"
"Hindi s'ya nagawang mapatay ng driver, pero namatay s'ya dahil sa isang traffic accident? Ang namarkahan ng numero?" di makapaniwalang napakamot ng kan'yang ulo si Ma Han.
Nanahimik ng ilang sandali si Ba Yutang, pagkunway tinanong ang nananahimik ring si Zhan Zhao, "Ano sa tingin mo?"
Itinapik ni Zhan Zhao ang kan'yang mga daliri sa kan'yang tuhod. Ito ang kinaugalian n'ya sa tuwing napasasailalim s'ya ng kan'yang pag-iisip, "Isang pre-announced murder at record of murders."
Tumango si Bai Yutang pag-katapos itong mapag-isipan saka nag-wika, "Gongsun, sabihan mo si Lu Fang na kontakin ang pamilya ng biktima. Kunin ang mga bangkay na hindi pa na-cremate at mag-sagawa muli ng ikalawang autopsy. Kayo, Wang Chao at Ma Han, hanapin n'yo king saan ang mga lokasyon ng mga traffic accident, kung saang hospital idinala ang mga biktima bago sila pumanaw, kung sino ang doktor nila, at kung ano ang dahilan ng pag-kamatay nila. Hanapin n'yo ang lahat ng kaya nyong hanapin. Kayo naman, Zhang Long at Zhao Hu, siyasatin nyong mabuti ang mga social circles ng mga biktima, ang mga kaaway nila, lokasyon at nga detalyadong personal na impormasyon ng bawat isa. Imaw Xu Qing, pumunta ka sa mga tattoo shops, tingnan mo kung may makikita ka tungkol sa mga numero. Magimg maingay ka, huwag kang basta-basta mag-papahalata. Kausapin mo rin si Han Zhang at tingnan kung may alam s'ya. Pupuntahan ko ang funeral parlour mula sa mortuary at kakausapin ang driver.. O, sige, sige na, mag-sikilos na ang lahat!"
"Masusunod po!" wala pang isang minuto ay nag-sialisan na ang lahat upang gawin ang mga gawaing nakatoka para sa kanila.
Dinampot ni Bai Yutang ang mga larawan at tumayo...
Cough. Nanatiling nakaupo si Zhan Zhao at napaubo ng dalawang beses saka binigyan ng isang sulyap si Bai Yutang.
... Pag-katapos makolekta ang lahat ng mga papeles, sa kan'yang kamay ay naroroon ang susi ng kotse. Dinampot ni Bai Yutang ang kan'yang amerikana saka itinaas ang kan'yang kamay at nag-senyas ng, 'this way sir' para kay Zhan Zhao, "Halika na, Expert!"
Tumayo si Zhan Zhao, nasisiyahang itinaas ang kan'yang kamay at hinalot ang susi ng kotse ni Bai Yutang, "Ako ang mag-mamaneho." aniya't nag-lakad agad palabas.
"Anak ng! Hoy!" nag-mamadaling isinuot ni Bai Yutang ang kan'yang amerikana at hinabol si Zhan Zhao, "Pusanggala!(1) Huwag mong hahawakan ang kotse ko!"
_____________End of Chapter 03_____________
- xᴢᴇᴄᴋᴇʀɢʀᴇɪɢʜ Note;
(1) pusa, kuting.. at ngayon pusanggala naman 😂, na murder na talaga 😄 di ko alam magandang term na ipalit eh. Mukha lang talagang galit si Bai Yutang pero endearment talaga n'ya yan para kay Zhan Zhao, haha.
ps. The Chapters are unedited, this is raws. After writing publish na agad ang ginawa ko so please bear with me. Pasensya na sa mga typo.