Case 01 : Number Killer
Kabanata : Daga't Pusa
Part 02 : On the way
Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, iyak at palahaw ang nag-simulang mamayani sa loob ng Homicide Division.
"Kapitan, hindi mo kami pwedeng iwan..."
"Kapitan, hindi ka pwedeng umalis ng ganito-ganito nalang..."
"Wang Chao, Zhang Long, kayong dalawa, hindi rin kayo maaaring umalis nalang rin..."
"Ano nalang mang-yayari samin kung aalis kayo.."
Nag-simulang mag-bulungan ang ibang mga pulis sa paligid...
IT Crime Division : Anong nang-yari sa Homicide? Namatay ba ang kanilang Kapitan?
Economic Affair Division : Sa tingin ko hindi, nakita ko lang sya nitong umaga lang, buhay pa naman sya.
Narcotic Division : Seryoso ka? Para namang gusto mong kunin na ng impyerno si Kapitan Bai.
Pagkunway isang malakas na sigaw ang dumagundong at nag-patigil sa kanila, "Anak ng! Mag-sitahimik kayo! Hindi pa ako patay!"
Hagikgi-kan. Nagka-tinginan ang tatlong dibisyon sa isa't-isa. "Kita nyo..." pagkunway nag-sibalikan sa kani-kanilang opisina at isinara ang pinto.
Tinapos ni Yutang ang pag-inom ng kape at binalingan ang dalawang kasama, "Mag-impake na kayo at sumama saken lilipat tayo ngayong hapon sa 11th floor." aniya't hinablot ang isang umiiyak na opisyal at mahigpit itong pinaalalahanan, "Aalis na ako, alagaan mo ng mabuti ang Homicide Team. Huwag na huwag mo akong ipapahiya!"
"O-opo!" anito't nag-patuloy sa pag-iyak.
Pag-sapit ng hapon, sumakay ng elevator ang tatlong kalalakihan at pinindot ang ika-labing isang pindutan pagkatapos ay isa na namang palahaw ang muling maririnig mula sa Homicide Team.