Case 01 - Number Killer
Kabanata 01 - Daga't Pusa
Part 01 - Ang Pahayag
Umagang-umaga pa lamang ay puno na ng sari-saring bulungan ang headquarter ng kapulisan sa City S. Ang lahat ay nag-uumpukan at nag-uusap ukol sa bagong tatag na yunit.
Oras na pumasok sa loob ng gusali sila Wang Chao at Zhang Long ay tila ba may mali sa paligid. Ano ba ang pinag-kakaabalahan ng lahat?
Katatapos lamang nila isara ang isang malaking kaso kagabi at malinaw na wala pa silang tulog, kitang-kita iyon sa ilalim ng kanilang mga mata, ang malalaking itim na bilog, animo'y mata ng panda.
Habang tinatahak nila ang daan patungo sa elevator ay napansin nila ang isang flyer na nakapaskil sa gilid ng pinto. Marahas itong tinanggal ni Zhang Long at asar na binalingan ang kasama, "Kita mo, ang mga tao talaga ngayon walang magawa, ang lalakas ng loob mag-dikit ng kung ano-ano sa loob pa mismo ng headquarter."
Tinapunan sya ng sulyap ng kasama pagkatapos buksan ang elevator at hinablot ang flyer mula sa kanya, "Hindi ba ito ang official statement na inilabas ng direktor?" anito nang tingnan ang nakasaad sa papel.
Maingat nilang binasa ang papel at pumasok sa loob ng elevator.
Sampung segundo pa lamang ang lumilipas ay dalawang sigaw na ang umalingawngaw mula sa loob elevator, dahilan upang mapaatras sa gulat ang lahat ng mga taong nag-hihintay sa pagbukas nito.
"Ayos!" sakto pagkabukas na paghabukas ng pinto sa ika-pitong palapag ng gusali ay nag-sisigaw na lumabas si Zhang Long at Wang Chao na animo'y mga hayop na nakatakas mula sa Zoo. Dire-diretso silang nag-tungo sa area ng Homicide Division kaya't nakuha nila ang atensyon ng mga pulis na nakakalat. Kumalabog ang pinto sa pag-pasok ng dalawa kaya't nagulat ang lahat ng mga naririto. May mga nag-tago pa sa ilalim ng kanilang mga lamesa habang ang iba naman ay napa-bunot naman ng kani-kanilang mga baril marahil sa pag-kagulat. Ngunit tila bagang walang pakialam ang dalawa sa mga nabulabog nilang kasamahan bagkus ay nagawa pa nilang dumiretso patakbo sa opisina ng kanilang kapitan.
Ngunit sa pagkakataong ito, bago pa man nila tuluyang maipihit ang doorknob ay nag-bukas na ito dahilan upang dire-diretso silang bumagsak sa sahig, animo'y mga lampang paslit. Lumikha iyon ng kalabog sa sahig.
"Kayo'ng mga mula sa Criminal Investigation, hindi nyo ba kayang manahimik kahit isang araw man lang? Kung mananatili kayong ganito, at nag-karoon ng lindol, yung mga tao dito, hindi na nila malalaman pa kung kailangan na nilang lumikas."
Mabilis na bumangon mula sa sahig ang dalawa at nakita nila ang nakasandal na si Bai Yutang sa gilid ng lamesa nitong puno ng mga lumang folder. May hawak itong kape habang nakatingin sa kanila ng may makahulugang ngiti sa kanyang mga labi.
"Kapitan! totoo ba talaga ito?!" tanong ni Zhang Long habang hawak ang papel sa kanyang mga kamay.
"Ano sa tingin mo?" humigop ng kape si Yutang, nawala ang mga ngiti sa kanyang labi, tila walang pakialam.
"Kung ganon, totoo nga?" paninigurado ni Wang Chao.
Tumango si Bai Yutang at ipinag-patuloy ang pag-inom ng kape..