Tawa kami nang tawa when we are already inside their vehicle. Papunta na kami sa mall and doon na namin imi-meet si Katie, since kasabay din naman niya sila Josh and the other guys.
"Totoo! Ang suplado niya pero mabait din naman! Actually siya nga lagi ang tama eh, and di siya nagagalit sakin! Di katulad niyo, lalo ka na ate! Kaya, hihi, inspired na inspired ako ngayon! Magma-mature na ako," and nag cross arms naman siya at nag-akto pa na pinagyayabang niya na she will be mature, na mas lalong ikinatawa namin ni Chloe.
She's really ewan!
"Mature daw Julie! Mature daw!" sabi ni Chloe habang humahalakhak habang hawak pa ang kanyang tummy, tumawa din ako.
Nakita naman namin na napasimangot si Zara, "Ano ba guys! Seryoso ako! Seryoso! Watch me and I will be normal na," and lumaki naman ang kanyang nguso.
Umiling nalang kami ni Chloe, "End of the world ata ini-expect mo Zara," sabi ko sa kanya sabay tapik sa kanyang shoulders habang tumatawa.
We turn on the music player and then sinabayan na namin ang kanta!
Hindi agad namin na-realize na we arrived na pala sa mall, we had fun pero it was just a start! I miss having fun with them though. Whole summer di kami nagkita.
Nag-wait kami sa Dessert Factory because here is our meeting place and Claw wants to eat. Kanina lang ayaw niya tumaba and then ngayon kakain na naman.
When we decided kung saan na uupo ay nagorder na si Chloe ng mga different types of dessert and then saktong sakto din ay nakita namin sila Katie with the guys, and Katie is nakabusangot ang mukha.
Nang makalapit na sila ay tumawa ako and asked, "What's with that face Kate?" and then di lang niya ako sinagot kasi dumiretso siya ng upo sa tabi ko.
Tumingin ako kay Joshua and Renz na tumatawa dahil sa tanong ko, "Paano ba naman, gusto ni Kate na mag-commute, eh alam mo naman girls na di iyan marunong tumawid ng daan. Male-late pa kami ng husto," sabi ni Renz kaya tawa ulit si Josh kaya naman binatukan ko.
Now ko lang napansin na kumuha ng extra table sila Kuya Lourence and tumabi sa amin kaya na extend na ang pang-apatan na table. Now that I see all of us, siya nalang kulang... Si France. But he's the one who left anyway, "By the way, di niyo sinama si Kevin?" I asked.
Tumingin naman si Kuya Lourence sakin and nag-shrug, "Ewan. I invited him and he said yes, baka na-late lang," napa-tango nalang ako, "Busy?" napatingin ulit ako kay Kuya Lourence when he pointed out Chloe na lumalamon na parang walang tao sa harap niya, sanay na ako sa kanya. Di dapat siya dini-distorbo kapag nag-i-eat.
"You know how she eats kuya," sabi ko naman and nagawi ang tingin ko kay Zara na naka-cellphone, malamang she's gaming na naman!
Kinuha ko ito and she frowns kaya I stick my tongue out, "It's our date! No cellphones!" sabi ko and then I turn to Kate na tahimik pa rin as usual. Kaming lahat nakatingin na sa kanya kasi siya lang naman ang hindi good mood.
Na-divert attention namin sa nag-ehem na si Kuya Rence, "Okay okay Lise, we will commute once we get back home, papakuha ko kay chauffer ang kotse, lighten up," serious si Kuya Rence pero when it comes to his family, especially his siblings ay pinagbibigyan niya ang mga ito.
I'm touched by the scenario kasi kahit na di pa rin umiimik si Katie alam kong gumaan na ang inside niya, si Katie kasi, bratinella but pure at heart. Di siya matagal magalit but madaling magalit pag-wala sa mood at grabe na. Siguro dahil mas inasar pa siya ng mga boys. I hope my kuyas are like that ano? Haha, as if.
Nagawi ang sight ko kay Josh na nakatingin din sakin and with that worried look alam ko na iyon kaya nag thumbs up nalang ako sa kanya and I divert my attention to something again nang sinerve na ang order namin.
Then we are back at being makulit and baliw na naman! Busog na si Chloe kaya trip niya kaming pinahiran ng icing sa ilong kaya nauwi kami sa ganoon, lalo na ang mga boys, halos umabot na sila sa labas para lang makaiwas sa icing! Lalo na si Renz na agaw pansin ang mga nababangga niyang mesa dahil doon, silang Josh.
Tapos dito sa amin mga girls naman ay si Zara ang nababaliw na, pinuno niya ng icing si Katie na pilit na nililinis ang kanyang buhok and Chloe is hiding at her plate tapos ako naman ay binantaan si Zara na itatapon ko sa kanya ang plate na may cake na hawak ko kaya di niya ako ginambala.
We ended up being scolded by the manager of the store kaya umalis na kami with our laughing faces. Lalo na si Zara and Rence na tawa nang tawa sa kanilang mga itsura.
I just got little dots of icing sa pisnge and nose ko kaya madali lang itong nakuha.
"Kevin!"
Saktong paglabas namin ng store andoon na si Kevin na hinihingal pa and he explained na di pa siya nakapunta dito kaya sorry kami ng sorry then Chloe hugs him kaya sumali na kami lahat except sa mga boys na nagsorry lang.
Sobrang bait ni Kevin and I admire him for that. He's not like Renz na mapangloko, like lahat ginagawang joke, but he's very kind at heart naman, he's light hearted and si kuya Lourence naman ang pinaka seryoso, but taob naman when it comes to Chloe, he's like her slave, napapansin namin iyon, si Claw lang ata hindi. While Josh is sobrang bait, slight seryoso and slight mapangloko.
Walang panama ang mga Southernians sa kanila. They are like my family.
We decided after namin mag grocery and bumili ng junk foods and other finger foods ay dumiretso kami sa bahay nina Katie and Kuya Lourence.
Nang makita na namin ang malaking black gate na may naka sulat sa gilid sa baba ng doorbell ng "Fontanoza - Jung" and their house number. Agad naman kaming pinapasok ng guard nila. We just commuted kasi papunta rito like what Katie and the squad wants. Hindi naman ako umangal kasi I'm not maarte naman to the point na I don't commute, but Josh protected me naman sa mga... You know... Amoy ng people.
Katie's mom welcomed us with open arms. Of course di lang ito ang first time na pumunta kami dito. Their homes are like my home and my home is like their homes. Including the guys. Mostly dito talaga kami tumatambay sa kanilang Katie.
Masaya kasi silang tignan, happy family. Her mom, Tita Kaitlyn ay nasa bahay lang, apat kasi silang mag-siblings. Kuya Lourence, Katie then her two younger siblings na sina Janelle and Cluer while their dad is minsan lang andito because of their family business.
"Grabe! Two months ko kayong di nakita mga hijo and hija! Ang gaganda and gagwapo niyo na," then tita Kaitlyn giggles. nakita naman namin na tumingin si tita kay Kevin, which is naunahan na kami na ipakilala sana siya, "Oh, bago ba siya? Where's France?" and she baling her attention to me.
Ngumiti lang ako ng slight sasagot na sana ako but then Chloe butt in, "Tita, si France kasi may inasikaso pa sa family business nila kaya here's Kevin Young! The new Campus King sa school, he's kinda alien when it comes to speaking tagalog tita," and Chloe chuckles naman.
She's always a life saver!
Later on, naging close agad si Tita Kaitlyn and si Kevin! Si tita naman kasi, ang jamming! I don't even know kanino nagmana si Katie pfft hahaha!
We enjoyed the rest of the day na nagbake kaming mga girls, which is idea ni Chloe na napilitan pa si Katie and si Zara na nakiki-alam nalang and then the boys are doing their thing, nagpi-PS4 which is hinayaan nalang namin because they are stressed din sa school. We're here to have fun anyways.
After all of that, nagmovie marathon na kami!
I wish we can just stay like this forever.