Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 387 - Chapter 387

Chapter 387 - Chapter 387

"Dun ka lang sa loob at hintayin ako!" sagot ni Martin sakin bago ako inakbayan at sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.

"Di mo lang alam kung gaano ako ka bored dito sa bahay," di ko na mapigilang magreklamo kay Martin.

Ganun siguro kapag di ka na sanay sa loob ng bahay at sanay ka ng magtrabaho.

Bawat araw na at oras bilang na bilang mo maliban na lang kung kasama ko si Martin.

"So, bored na bored ka na talaga dito sa bahay?" tanong ni Martin sakin.

"Sobra, kaya payagan mo na kong mag-work."

"Di ba napag-usapan na natin yun na after na ng kasal natin saka ka na magtrabaho. Ngayon enjoyin mo nalang muna yung pahinga. Isipin mo nalang nasa bakasyon ka!"

"Bakasyon eh wala nga akong magawa dito!" muli kong reklamo.

"Gusto mo may gawin tayo?" pang-aasar ni Martin sakin.

"Baliw, alam mong may regla ako eh!" mabilis kong reklamo.

"Anong koniksyon ng rekla mo sa gagawin natin?" taas kilay na tanong ni Martin.

Bigla tuloy akong natigilan, ganun na ba talaga ako ka green minded at nabibigyan ko ng kahulugan yung bawat salita niya.

"Ehem, malay ko!" sagot ko nalang bago ko siya iniwan at pumunta ako sa may kusina at kumuha ng tubig. Bigla kasi akong nauhaw.

"Inom ka din?" tanong ko kay Martin ng makita kong sumunod siya sakin.

"Please," paki usap niya kaya agad ko rin siyang sinalinan ng tubig sa baso.

Habang umiinom siya ng tubig di ko maiwasang pagmasdan yung adams apple niya na gumagalaw dahil sa paglagok niya ng tubig.

Hanggang ngayon di parin ako maka paniwala na yung lalaking naka tayo sa harap ko ay asawa ko na.

"Guapo ko noh?" pang-aasar niya sakin.

"Sobra!" naka ngiti kong sagot sa kanya.

"Kaya pahintuin mo na yung regla mo para matikman mo ko uli!" mahinang sabi ni Martin.

"Feeling mo naman magagawa ko yun!" Iling-iling kong sagot sa kanya.

"Siya nga pala, labas tayo!" biglang sabi ni Martin.

"Saan tayo pupunta?"

"Actually, niyaya akong lumabas nila Lucas may gathering daw sa bar ni Jerold kaya lang tumanggi ako kasi nga iniisip ko baka mamaya masama pa pakiramdam mo,"

"Okay na ko!" mabilis kong sagot baka kasi mamaya magbago pa yung isip niya.

"Kung ganun di magbihis ka na!" sabi nalang ni Martin ng makita niya yung exitement sa mga mata ko.

"Sige," mabilis kong sabi bago ko siya iniwan at mabilis akong umakyat sa kwarto namin para makapagbihis.

Pinili kong magsuot ng pantalon at long sleeve na blouse, nagsusuot na ko ng puti kong snikers ng pumasok si Martin.

"Mga eight pa daw sila nandun," sabi niya sakin kaya napa tingin ako sa relo five pa lang ng hapon, mukhang nasobrahan ako ng exitement at di na tanong yung oras ng meet-up.

"Tuloy mo na yang pagsusuot mo ng sapatos, shopping nalang tayong dalawa." sabi ni Martin sakin na pumasok sa banyo.

Dahil sa sinabi niyang yun bigla akong natuwa kasi nga matagal narin kaming di lumalabas na magkasama.

Paglabas ni Martin at inabot ko yung damit niya na mabilis naman niyang sinuot kahit papano di naman siya marte pag dating sa damit at isa pa nagkakasundo naman na kami sa color combination and taste niya sa damit.

Makalipas lang ng ilang minuto ay umalis na kami. Dumiretso kami sa malaking mall sa Makati. Nauna kaming pumunta sa department store kung saan naka hilera yung ibat-ibang brand ng mga gamit na pang babae.

"Bili muna tayo ng damit mo, then bag saka sapatos. Ihuli na natin yung accesories!" sabi ni Martin habang magka holding hands yung kamay namin habang naglalakad papunta sa isang botique.

"Damit lang okay na ko!" Yun lang naman kasi talaga yung naisip kong bilhin kasi nga kunti lang yung damit ko kasi nga yung iba iniwan ko na sa America at sa bahay namin sa Bulacan kaya kailangan ko talagang bumili ppero in terms of bags, shoes and accesories sa tingin ko no need kasi nga nasa bahay lang naman ako. Saka nalang ako bibili if ever bumalik na ko sa trabaho.

Di sumagot si Martin sa sinabi ko at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

"Upo ka muna dito ako nalang yung pipili." utos ko kay Martin.

Baka kasi ma bored siya sa kasusunod sakin medyo matagal din kasi ako pumuli ng mga damit.

"Sige," sagot niya sakin kaya nung marinig ko siya ay mabilis ko siyang iniwan.

Maliit lang naman yung botique at nasa center naman yung pwesto ni Marin kaya kahit umikot ako ng umikot alam kong makikita niya ko.

Nakatawag pansin sakin yung isang peach dress kung saan napakaganda niya and feeling ko bagay na bagay yun sakin pero nung makita ko yung price agad ko yung binitawan kasi feeling ko napaka mahal nun para sa damit lang.

After ng ilang ikot at pili ko ang ending wala akong napiling bilhin at ang dahilan ang mamahal nila.

"Hon, lipat tayo ng shop!" sabi ko ng lumapit ako kay Martin.

"Sige," walang reklamong sabi ni Martin.

This time ako yung pumili ng shop na papasukan namin. Doon lang ako sa middle class at dahil di ganun kamahal yung paninda dun naka bili ako ng mga pantalon, short at t-shirt na pang casual kong gamit.

"Tama na ito!" sabi ko kay Martin ng matapos kaming magbayad.

"Pagod ka na?" tanong niya sakin habang bitbit yung mga pinamili ko.

"Oo, kain na tayo!" sabi ko nalang para pumayag siya kasi kapag di ko yun sinabi tiyak yayain niya kong bumili ng sapatos, bag at mga accesories na iniiwasan ko din talaga.

"Sige, kung yan ang gusto mo!" sabi ni Martin sakin bago niya ko dinala sa ground floor ng mall kung saan naroroon yung mga restaurant.

Mabilis lang kaming kumain kasi nga tumawag na si Lucas andun na daw sila at hinahanap na kami. Pagdating namin sa bar agad kaming sinalubong ni Zaida.

"Michelle!" masayang tawag niya sa pangalan ko.

"Buti naman andito ka may kakwentuhan ako!" masayang sabi ko rin.

"Parang boring akong ka kwentuhan ha!" sagot ni Lucas na lumapit narin ng makita kami.

"Buti alam mo!" pambabara ko sa kanya at bago pa siya maka sagot agad siyang tiningnan ng masakit ni Martin kaya itinikom nalang niya yung bibig niya.