Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 378 - Chapter 378

Chapter 378 - Chapter 378

Paggising ko ng umaga wala na si Martin sa tabi ko, di ko namalayan yung pag-alis niya. Kinuha ko yung phone ko kasi nga alam ko naka-set yun pero ang pinagtatakahan k di ko yun narinig tumunog. Nang checkin ko naka patay na yung phone ko, malamang gawa yun ni Martin para di ako magising.

Sa totoo lang kasi napagod ako kagabi, grabe talaga si Martin laging ganado para bang walang kapaguran. Di ko na nga alam kung naka ilang round kami basta ang alam ko lang nakatulog na lang ako.

Pagkatapos kong maghilamos at magpalit ng damit agad na rin akong bumaba kasi nga gutom na rin ako.

"Morning po Madam," bati sakin ni Manang Susan na nagwawalis sa may sala.

"Morning din po!" magalang kong sabi saka ako dumiretso sa kusina na agad naman akong sinundan ni Manang.

"Initin ko muna saglit yung pagkain mo Madam," sabi nito bago dumiretso sa lamesa kung saan natakpan yung pagkain na inihanda niya kanina. Fried rice iyon na egg at pork chop ang pares.

"Nagbreakfast po ba si Martin," tanong ko kay Manang Susan habang kumukuha ako ng mug para magtimpla ng kape ko.

"Hindi po Madam, late na daw po siya kaya di na daw po siya kakain."

"Okay!" tanging sagot ko. Pag-upo ko sa dining table agad kong kinuha yung phone ko at tinext si Martin.

"Di ka nanaman daw nagbreakfast sabi ni Manang Susan," laman ng text ko.

Maya-maya lang tumatawag na siya sakin.

"Kagigising mo lang?" tanong niya sakin nung sagutin ko yung phone.

"Hmmm," sagot ko sa kanya bago ako nagpasalamat kay Manang Susan ng ilapag niya yung pagkain sa harap ko.

"Kumakain ka?"

"Kakain pa lang, ikaw kumain ka na?"

"Anong gagawin mo pagtapos?" tanong ni Martin sakin. Nahalata kong ayaw niyang sagutin yung tanong ko sa kanya kaya muli ko itong inulit..

"Kumain ka na ba?"

"Hon,"

"Kumain ka na ba?" muli kong uli pero sa pagkakataong iyon galit na ko.

"Busog pa ko sa kinain ko kagabi," natatawa niyang sagot sakin.

"Pwedi ba Martin," naiirita kong sagot sa kanya.

"Totoo naman ah kinain kita, Haha...haha...!" tuwang-tuwa niyang sabi. Ewan ko ba habang nagtatagal lalong nagiging shameless si Martin.

"At dahil busog ka pa hanggang ngayon dapat pala dietin na kita kaya simula mamaya di na ko magpapakain sayo para di ka ma-impatcho!"

"Ano ka ba naman Hon, basta ikaw ang nakahain wala akong kabusugan?" natatawa parin niyang sagot sabin habang ako naasar na sa kanya.

"Kapag di ka pa umayos sinasabi ko sayo sa study room mo ikaw matutulog!" seryoso kong sagot sa kanya.

"Hon, naman!"

"Kakain ka o hindi?"

"Kakain na!"

"Tawagin mo na si Yago at magpakuha ka na ng pagkain dapat full meal." Narinig kong pinndot ni Martin yung intercom sa tabi niya at narinig kong inutusan niyang bumili ng pagkain si Yago.

"Done na Hon, happy?" masaya niyang sabi sakin.

"Siguraduhin mo lang na kakain ka ng marami kasi kapag nalaman kong nagpapalipas ka pa ng gutom, sinasabi ko sayo malilipasan ka rin sakin," pagbabanta ko sa kanya.

"Di po kakain ako on time and I will send you video para maniwala kang kakain na ko,"

"Okay then, asahan ko yan mamaya,"

"Haha...haha...," tawa ni Martin di niya siguro akalain na papatulan ko yung dare niya.

"By the way, anong plano mo ngayong araw?"

"Plano kong maggardening," sagot ko sa kanya. Kahapon kasi bumili ako ng mga buto ng gulay. Nagkataon kasing may tindahan ng agriculture dun malapit sa shop ni Zaida.

Malawak kasi yung bakuran na nabili ni Martin at sayang naman kung bermuda grass lang ang naka tanim kaya naisip kong magtanin ng vegetable sa bandang likurang bahagi ng bahay.

"Hindi ka ba mapapagod niyan? Mag-shopping ka nalang, di mo pa nga nagagamit yung card na binigay ko sayo."

"Mas nakakapagod kaya yung suggestion mo, Isa pa wala naman akong kailangang bilhin. As per Manang Susan puno pa naman yung ref natin saka kumpleto pa yung supply. Saka nalang pag need ng maggrocerry para sabay nalang."

"Magkaiba naman yun Hon,"

"Alam mo naman wala akong hilig sa mga ganyan, saka nalang kapag may kailangan ako. Hayaan mo na ko magtanim nalang muna mas nag-eenjoy ako dun."

"Oh sige kung yan ang gusto mo pero kapag mainit na, magpahinga ka na ha!"

"Opo!" sagot ko kay Martin.

Maya-maya narinig kong nagsalita si Yago at sinabi nito na dala na nito yung pagkain ni Martin.

"Kumain ka na, andiyan na yung pagkain mo," utos ko kay Martin.

"Sige, kaw din kumain ka na!"

"Tawagan tayo mamaya kapag di ka na busy," huling sabi ko kay Martin bago ko ibinaba yung tawag pero kababa ko lang tumatawag siya uli.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Di ka pa nag-iilove you sakin!"

"Sows, alam mo naman na mahal kita bakit kailangan pa yun?"

"Iba parin yun, I want to hear parin!"

"I love you po, Martin Ocampo!"

"I love you too, Mrs. Michelle De Vera Ocampo!" Napangiti nalang ako sa pagiging cheesy ng asawa ko.

Pagkatapos kong kumain, dumiretso na ko sa likurang bahagi ng bahay namin at nag-umpisa na kong magbungkal ng lupa. Nung mga bandang eleven na, tumigil narin ako kasi nga mainit na. Naligo muna ako bago ako kumain ng pananghalian at gaya kanina ni-remind ko uli si Martin sa pagkain niya na agad naman nag-on akong tinawagan sa pamamagitan ng video para makita ko na kumakain narin siya sa office table niya.

Naka video on lang kaming dalawa habang kumakain at nagkukwentuhan. Pagkatapos nun ay nagpahinga lang ako saglit sa sala bago ako bumalik sa kwarto para mag afternoon nap.

"Ewan ko nalang kung di ako maging patabaing baboy nito," sabi ko sa sarili ko habang nakahiga sa kama at nagpapaantok.