Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 373 - Chapter 373

Chapter 373 - Chapter 373

"Hon, pahiram ng kotse mo!" text ko kay Martin habang naka upo ako sa sala at hinihintay yung reply niya. makalipas lang ng ilang segundo ay agad siyang tumawag.

"Saan ka pupunta?" bungad niya sakin.

"Punta ako kay Zaida," sagot ko sa kanya.

"Bakit?"

"Gusto kasi ni Ziada na check ko yung invitation para sa kasal natin para kung okay na is maipadala na sa mga invitees."

"Sabi ko naman sa kanya na okay na yun ipadala na niya!"

"Check ko muna, para siguradong okay!"

"Wag na, stay ka nalang diyan sa bahay!"

"Hon naman, ilang araw na ko dito sa bahay eh. Isa pa di ba nga sabi mo lumabas din ako."

"Oo lumabas ka pero diyan ka lang sa malapit. Ang layo ni Zaida mapapagod ka lang." sabi ni Martin.

"Ano ka ba naman paano ako mapapagod?" takang sagod ko.

"Basta!" sabi ni Martin sakin.

"Bahala ka diyan basta aalis ako!"

"Hays, papasundo kita kay Mang Kanor!" sa huli nasabi ni Martin.

"Anong oras pa makakarating si Mang Kanor dito, pahiram na lang ng kotse mo and promise iingatan ko at di gagasgasan." paninigurado ko sa kanya. Iniisip ko kasi baka mamaya nag-aalala siya na magsgasan ko yung mamahalin niyang sasakyan kaya sinabi ko na iingatan ko ito.

"Wala akong paki kahit gasgasan mo yung sasakyan basta ikaw walang gasgas," sagot ni Martin sakin na halatang naasar sakin, kaya bigla akong natigilan.

"Mag-iingat ako!"

"Saan kayo magkikita?" tanong ni Martin sakin.

"Sa shop niya,"

"Dun ka lang ha, at wag na kayong lumabas. Hintayin mo nalang ako dun sunduin kita mamaya."

"Sige," pagsang-ayon ko.

"Ingat ka, tawagan mo ko kagap may problema ha!"

"Opo," mabait kong sabi.

"Sige na, i love you!" sabi ni Martin kaya mabilis akong nagsalita.

"Hon di mo pa sinabi sakin kung anong sasakyan yung pwedi kong hiramin," paalala ko sa kanya kasi yun nga yung purpose ko sa pagtext sa kanya.

"kahit ano diyang pwedi mong gamitin, walang problema yun! Isa pa di mo na kailangan magpaalam sakin Hon, mag-asawa na tayo kaya lahat ng akin sayo narin." paalala sakin ni Martin.

"Okay salamat!" tanging nasabi ko.

"For?" tanong ni Martin sakin.

"For loving me!" cheesy kong sagot sa kanya at kahit malayo siya sakin alam ko hanggang tenga nanaman ang ngiti ng magaling kong asawa.

"Di mo pa singaot yung I love you ko," paalala sakin ni Martin na halatang nagtatampo.

"I love you too, kumain ka na at wga kang papagutom!" paalala ko sa kanya.

Twelve na kasi ng tanghali kaya dapat kumakain na siya sa oras na ito.

"Hinihintay ko lang si Yago, bumili ng pagkain."

"Ah okay, sige na mauna na ko at paalis na ko." paalam ko kay Martin.

"Sige ingat ka!"

"I will, see you later!" sabi ko bago ko binaba yung phone kasi pag di ko pa yun ginawa hahaba nanaman yung usapan naming dalawa.

Halos lagpas isang oras din yung naging biyahe ko papunta sa shop ni Zaida, buti nalang naka kotse ako kung naka jeep ako malamang hulas na ko bago makarating sa kinaroroonan ko dahil sa init at traffic.

"Blooming ah, yan ba ang epekto kapag nadiligan," pang-aasar ni Zaida sakin nung salubungin niya ko sa may pintuan ng opisina niya.

"Ikaw nga diyang blooming din, wag mong sabihin nagpapadilig ka na?" pang-aasar ko din kay Ziada. Sa akin biro lang yun pero di ko akalain na di niya iyon itatangi, kaya sa huli ako yung biglang nahiya kasi di ko akalaing nasa ganung point na sila ni Jerold.

Sa bagay sa panahon ngayon di na yun bago kaya lang di lang ako comfortable sa ganung sistema at usapan. Even do, na halos dumating narin kami sa ganung point ni Martin bago kami magpakasal.

"Asan na yung invitation?" pagbabago ko ng usapan para mawala yung awkwardness sa pagitan naming dalawa.

"Yun sa table," sabi ni Zaida kaya agad akong lumapit dun.

"Water or juice?" tanong niya uli habang lumapit siya sa personal ref niya na nasa loob ng office niya.

"Tubig nalang!" sagot ko habang kumuha ako ng isang invitation sa loob ng karton. Dahan-dahan ko yung binuksan at bumungad sakin ang kulay puting papel kung saan naka engrave yung pangalang naming dalawa ni Martin bilang couple.

Gaganapin yung kasal namin sa February 14, 202X, sa ganap na alas tres ng hapon sa one of the beach in Batanggas. Di ko mapigilang mapangiti kasi yun naman talaga yung gusto kong wedding ang beach wedding.

"Lahat ba ng bisita may matutuluyan sa area?" di ko mapigilang matanong kay Zaida from Manila kasi to Batanggas aabutin din ng halos four hours kawawa naman yung mga bisita kung maguuwian sila.

"Lahat ng bisita ay may naka reserved room, kaya wag mo yung alalahanin, aayos ko na yun lahat kaya ang iintindihin mo lang is makarating ka sa araw ng kasal mo at be beutiful," sagot ni Ziada sakin habang inabot sakin yung isang baso ng tubig.

"The best ka talaga," tanging nasabi ko kay Zai, kasi planadong planado na niya ang lahat.

"Of course di ba sabi ko sayo I will make your wedding perfect."

"Salamat!" sagot ko sa kanya habang hinahaplos ko yung pangalan naming dalawa ni Martin na pinagbubuklod ng vine na may pusong dahon.

"Yung wedding gown mo, ayaw mo bang silipin?" tanong ni aida sakin makalipas ng ilang minuto.

"Kailangan ko pa bang silipin eh mukang na-adjust mo naman na yun nung pinasukat mo sakin nung nakaraan," taas kilay kong sabi sa kanya.

"Haha...haha...!" tawa ni Zaida na hindi man lang talaga nakunsensya sa pagsisinungaling niya sakin.

"Sisihin mo si Martin wag ako, siya kaya ang may pakana nung lahat!"

"Kasabwat ka naman, Sabagay mas matimbang parin talaga ang dugo kaysa sa kaibigan," malungkot kong sabi.

"Hoy, di ah! Pinilit niya lang talaga ako!"

"Nagpapilit ka naman!"

"Alangang di ako magpapilit papawasak daw niya itong shop ko?"

"So natakot ka?" taas kilay kong sabi kay Ziada.

"Syempre naman!" pag-amin nito sakin.

Di tuloy ako naka kibo kasi ganun ba talaga kasama si Martin kapag di nasunod na talagang papawasak niya yung shop ni Zaida? Kung pagbabasehan ko yung ugali niya para di naman niya yun gagawin. Kaya iniisip ko na parang OA naman yung nagiging reaction ni Zaida