Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 361 - Chapter 361

Chapter 361 - Chapter 361

"Sige kung ilan ang ibigay ng Maykapal tatangapin natin pero next year na tayo magsimula ha!" sabi ko kay Martin na nawala na yung pagduda niya. Gusto ko rin kasi talagang bumawi sa kanya para sa dalawang taon na paghihiwalay namin.

"Sige kaya lang ayaw ko namang magwidraw di kasi yung masarap,"

"Sige inom na lang ako pills," proposed ko

"Wag masama yun sa kalusugan mo." paalala ni Martin sakin.

"Calendar method nalang tayo pero sa ngayon kasi di ko pa alam yung fertile day ko kaya magwidraw ka muna, then kapag nagkaroon na ko saka tayo magumpisa ng calendar method.

"Sige," pag-sang ayon ni Martin sakin na nagsisimula nanaman maglakbay yung kamay niya.

"Tsk... matulog na tayo!" saway ko kay Martin bago ko inalis yung kamay niya na nasa ibabaw na ng dibdib ko.

"Isang round pa tayo!"

"Manahimik ka na, umaga na kaya matulog na tayo!"

"Kaya lang..."

"Kapag di ka pa tumigil di ako sayo sasama sa pag-uwi bukas," pagbabanta ko.

"Sabi ko nga matutulog na ko," sambit ni Martin at saka pumikit kaya pumikit narin ako pero maya-maya lang ay muling nagsalita si Martin.

"Hon, paayos natin yung bahay niyo ha,"

"Bakit, anong problema sa bahay namin?"

"Walang banyo yung kwarto mo, tapos walang aircon, tapos yung kama mo maingay tapos di pa saound proof yung ding-ding niyo tapos....!" pero di ko na pinatapos pa yung gustong sabihin ni Martin kasi tinakpan ko na yung bibig niya saka ko tinapos yung gusto niyang sabihin.

"Tapos matulog ka na kung ayaw mong umuwing mag-isa bukas!"

Nung sinabi ko yun di na talaga siya nagsalita at tuluyan ng pumikit. Napagkasunduan kasi namin kanina na sasaman na ko sa paguwi niya at doon na kami titira sa bahay na pinatayo niya sa Antipolo para sakin at sa magiging anak namin.

Tungkol naman sa plano niya sa bahay namin syempre di ko siya papayagan kasi di na niya yun obligasyon kung sakaling papagawa namin ito pera ko at pera ni Mike yung gagamitin namin.

Maya-maya nakatulog narin ako.

Nagising ako alas nuebe na ng umaga pagmulat ng mata ko agad kong tiningnan yung katabi ko. Si Martin iyon na tulog parin, marahil dala ng sobrang pagod kaya kahit nasanay na siyang maaga nagigising sa pagkakataong ito ay di umubra.

Dahan-dahan kong inalis yung kamay niya na nakapulupot sa baywang ko pero agad kumunot yung noo niya at maya-maya lang ay nagmulat na ito ng mata at tiningnan ako. Halatang di niya gusto yung ginawa kong pagalis sa kamay niya sa baywang ko kaya muli niya kong niyakap.

"Tatayo na ko!" sabi ko habang pinipilit kong makawala sa pagkakayakap niya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya habang pinipilit niyang imulat yung mata niya na nag-aadjust pa sa liwanag mula sa labas.

"Pupunta na ko ng America, nakalimutan mo flight ko ngayon." diretso kong sabi at ng marinig iyon ni Martin ay nanlaki yung mata niya at tiningnan ako ng masakit.

"Bakit?" tanong ko sa kanya na para bang nagulat ako sa reaction niya.

"Tigilan mo ko Michelle ha!" sambit ni Martin ay lalong hinigpitan yung pagkakayapakap sakin at muling pumikit kasi tiyak ko mahapdi pa yung mata niya dahil sa kulang pa ito sa tulog plus bigla pa niyang itong iminulat kanina.

"Ano ka ba di na ko pweding umatras naka commit na ko dun kaya kailangan kong umalis?" paliwanag ko. Muling nagmulat ng mata si Martin pero ngayon mas matalim na yung tingin niya sakin at talagang nagdidilim na yung mukha niya sa galit.

"Just joking," natatawa kong sabi sabay halik ko sa labi niya kasi alam ko talagang napikon na siya.

"Alam mong ayaw ko ng ganyang biro na iiwan mo ko?" sabi ni Martin na galit parin.

"Sorry, inaasar lang kita!"

"Michelle!" tawag niya sa pangalan ko na isa lang ang ibig sabihin galit na talaga.

"Di na po mauulit, tama na!" pag-aamo ko sa kanya habang hinahaplos ko yung noo niya na naka-kunot.

"Hon,"

"I know and I promise di na yun mauulit kasi di naman kita iiwan di na ko aalis sa tabi mo. Didikit na ko sayo na parang glue kaya wag ka ng magalit."

"Dapat lang wala ka ng mahahanap na lalaking kagaya ko bukod sa guapo na, sobrang bait pa at mahal na mahal ka pa!"

"Kaya nga eh di na ko aalis sa tabi mo at saka hello nakuha mo na kaya yung virginity ko kaya malabong iwan kita!" pangigil ko sa pisngi ni Martin.

"Buti naman alam mo kasi kahit maraming isda sa karagatan na umaaligid sayo iba parin ako Michelle!" mayabang na sabi ni Martin.

"Opo iba ka kasi ikaw lang yung para sakin!" sabi ko kay Martin bago ko siya muling dinampian ng halik sa labi. Dahil sa ginawa kong iyon ngumiti na siya at saka muling pumikit. Dahan-dahan kong hinahaplos yung buhok niya para matulugin siya nung mapansin kong bumalik na siya sa pagtulog ay hinay-hinay akong umalis sa tabi niya.

Maingat yung naging galaw ko para di siya magising. Mabilis akong nagbihis bago ako bumaba at bitbit yung laptop ko, kailangan ko kasing mag-email sa trabaho ko sa America para sabihing di ako matutuloy.

"Morning 'Ma!" bati ko kay Mama ng datnan ko siya sa baba na naghihiwa ng gulay.

"Asan na yung asawa mo?" tanong ni Mama sakin. Di ko mapigilang mapangiti ng marinig ko yung the way ng pagtawag ni Mama kay Martin asawa ko. It means tanggap na nila si Martin bilang kabiyak ko at parte ng pamilya namin.

Bago kasi ako umalis nun papuntang America nagkarron pa ng di pagkakaunawaan sa pagitan ni Mama at Lola ni Martin kaya akala ko mahihirapan akong ibalik yung dating pagtingin nila dito, buti nalang mukang kinalimutan na iyon ni Mama at sana si Mike din.

Speaking of Mike na mabilis ko ding hinanap, "Si Mike Ma."

"Pumasok na!"

"Pahiram ako phone mo 'Ma at tatawagan ko lang si Mike."

"Asa kwarto, kunin mo dun!" sabi ni Mama sakin kaya agad akong pumasok sa kwarto nila pero di ko nakalimutang kumatok kasi alam ko andun si Papa at ayaw ko naman siyang maistorbo sa trabaho niya.

"Pasok!" sabi ni Papa saka ko itinulak yung pinto.