Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 358 - Chapter 358

Chapter 358 - Chapter 358

Paglabas ko ng banyo nakita ko si Martin na naka sandal sa may pader malapit sa pinto ng banyo.

"Ligo ka na!" sabi ko sa kanya nung lumapit siya sakin.

Bahagya ko siyang itinulak kasi nga balak niyang yumakap sakin. Naka tapis lang ako ako ng tuwalya at maliban dun wala na kong ibang saplot.

"Hon," tawag niya sakin.

"Wag kang makulit, maligo ka na at mamaya magkasakit ka pa!" sabi ko sa kanya habang hinawakan ko ng mabuti yung tuwalyag naka pulupot sakin kasi natatakot ako na malaglag.

"Humanda ka sakin, mamaya!" sabi ni Martin bago pumasok sa banyo pero di niya ko kinalimutang nakawan ng halik sa labi.

Napa iling nalang ako bago ako umakyat sa taas para makapag bihis. Nagsuot lang ako ng loose shirt at maikling cotton short kasi nga matutulog naman na kami.

Pagbaba ko di pa tapos maligo si Martin kaya ininit ko muna yung ulam. Buti nalang talaga may natira pa sa adobong manok na niluto ni Mama.

Maya-maya bumukas yung pinto ng banyo at lumabas dun si Martin na naka suot lang ng sandong puti at boxer short na itim. He looks freash and very handsome kaya di ko maiwasang mapalunok nung makita ko siya.

"Ano niluluto mo?" tanong niya sakin habang ipinatong yung maliit na bag niya sa lamesa.

"Iniinit ko lang yung ulam namin kanina, yung kanin okay lang ba fried rice ko para mainit?" saka ko naalala yung niluluto ko na muntik ng masunog sa katitingin ko kay Martin.

"Okay lang, saan ba pwedi sampay yung basa kong damit?"

"Dun nalang sa rooftop may mga hanger dun, sabit mo nalang sa may samapayan para matuyo. Tapos blower mo na rin yang buhok mo, sakto lang pagtapos mo maiinit na itong pagkain."

"Sige!" sabi ni Martin sakin bago umakyat sa taas.

Sakto naman pagbaba niya hinahain ko na yung pagkain kaya agad ko siyang niyaya, "Kain na!"

"Kaw?" tanong niya sakin habang umuupo sa lamesa.

"Tapos na ko kumain," sagot ko sa kanya habang umupo na ko sa tabi niya matapos kong maglagay ng tubig sa baso para sa kanya.

"Kailan ka dumating?" tanong ko kay Martin habang kumakain siya.

"Kararating ko lang," sagot niya sakin bago isubo yung pagkain niya sa bibig niya.

"Dito ka dumiretso?"

"Umuwi ako sa bahay natin, kaya lang pagdating ko dun sabi ni Manang Susan umalis ka daw at di na bumalik kaya pumunta ako dito!"

"Ibig mong sabihin wala ka pang tulog?" tanong ko habang naka tingin ako sa mukha niya. Doon ko lang napansin yung nanlalalim niyang mga mata.

Sa halip na sagutin ako ni Martin ay nginitian niya lang ako. Kaya muli akong nagsalita, "Sana natulog ka muna bago ka pumunta dito."

Bigla naman ako naawa kay Martin kasi sa haba ng biniyahe niya tiyak yung pagod niya. Plus di naman bakasyon yung pinanggalingan niya.

"Kung natulog muna ako, malamang sa America na kita sunduin." saka ko lang naalala na may point nga siya kasi kung nahuli pa siya ng isang araw malamang asa America na nga ako.

"Kamusta na nga pala Lola mo?"

"Okay naman na, stable naman na yung kalagayan niya."

"Kaya umuwi ka na?" taas kilay kong tanong kasi nga iniisip ko hinayaan niya na yung Lola niya dun.

"Andun na si Mommy saka si Daddy, di lang sila nakasama nung una kasi expired yung passport nila kaya ako yung sumama."

"Hmmm," sagot ko.

"Pasalamat ka nga eh!" sabi ni Martin habang huminto siya sa pagkain at tumingin sakin.

"Bakit naman? takang tanong ko kasi para sakin wala akong dapat ipagpasalamat dahil umalis siya kasi puro pagdududa na nagbigay sakin ng sama ng loob at hinagpis.

"Kasi kung di ako umalis nun, tiyak di na makakaalis sa kama!" bulong ni Martin sakin. Sinadya niya pa talang ilapit yung labi niya sa tenga ko kaya di maiwasang magtayuan yung balahibo ko sa batok na nagdala ng kakaibang kuryente sa buo kong katawan.

Napaka sexy kasi ng pagkakasabi nun ni Martin sakin kaya di ko maiwasang maisip yung unang gabi namin bilang mag-asawa.

"Umayos ka nga!" naiinis kong sabi habang bahagya ko siyang hinampas sa braso.

"Uy namumula siya!" pang-aasar sakin ni Martin.

"Wag kang maingay, nakakahiya kina Mama at Papa saka bilisan mong kumain

Anong oras na?" pagmamadali ko kay Martin lalo pa nga at nakita ko sa relo na nakasabit sa ding-ding ng sala namin na ala-una na ng madaling araw.

"Haha...haha...!" tawa ni Martin habang kumakain.

Umiling na lang ako habang tinanggal ko yung tuwalyang naka pulupot sa buhok ko. Di ko na kasing nagawang magblower kanina kasi nga iniisip ko na mainit kagad yung pagkain.

"Mauna ka na sa taas para matuyo mo na yang buhok mo," sabi ni Martin ng makita niyang basa pa yung buhok ko.

"Sabay na tayo!"

"Mauna ka na, ako ng bahala maglipit dito!" pagpupumilit niya sa akin.

"Bahala ka, patayin mo yung ilaw ha!" sabi ko nalang kasi mukang di naman ako mananalo kay Martin kaya tumayo na ako at nauna ng umakyat.

Pagdating ko sa kwarto ko ay agad kong kinuha yung blower at tinuyo yung buhok ko.

Malapit na kong matapos ng pumasok si Martin sa kwarto ko.

"Talaga palang aalis ka bukas?" tanong ni Martin habang naka tingin sa maleta kong naka lagay sa may gilid at doon naka patong yung passport ko at ticket sa eroplano na kinuha niya.

"Oo!" sagot ko habang nililigpit ko na yung blower kasi natapos na ko magtuyo ng buhok ko.

"Akala ko ba mahal mo ko, bakit mo ko iiwan," sabi ni Martin habang yumakap sakin mula sa aking likuran. Ipinatong pa niya yung baba niya sa balikat ko habang pinagmamasdan niya ko sa salamin mula sa tokador kung saan kaming dalawa naka tayo.

"Kaya nga aalis ako para makalimutan ka, kasi pag di ko yun ginawa baka mabaliw ako dahil sa sakit na nararamdaman ko." seryosong sagot ko kay Martin habang hinawakan ko yung kamay niyang naka pulupot sa baywang ko.

"Di ba sabi nila pag mahal mo, dapat ipaglaban mo?"

"Kung si Ellena lang kaya kitang palaban pero dahil may involve na bata di ko kaya kasi kung ako lang i want every children to have a complete family kasi deserve nila yun kaya pinili kong magparaya." sabi ko kay Martin habang naka tingin ako sa mukha niya. Gusto ko kasing makita yung reaction na. Andun yung confusion at galit sa expression ni Martin.

Related Books

Popular novel hashtag