Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 354 - Chapter 354

Chapter 354 - Chapter 354

"Naayos mo na yung mga gamit mo 'nak?" tanong ni Mama sakin habang nagliligpit kami ng pinagkainan. Katatapos lang namin maghapunan ng kumpleto dahil nga bukas ay aalis na ko papuntang America. Sinadya talaga ni Mike na umuwi n maaga para magkasama kaming apat.

"Tapos na 'Ma," sabi ko naman habang inalalagay ko yung pinggan sa may lababo namin. Si Papa at Mike at nasa sala na at nanunuod na ng Tv may laban kasi ng basketball kaya naka tunganga na silang dalawa dun.

"Wala ka bang nakalimutan?"

"Wala na po, na-check ko na po lahat kaya wag ka ng mag-alala!" sabi ko kay Mama habang kinindatan siya.

"Pagdating mo sa America bumili ka kagad ng cellphone at ng matawagan ka namin."

"Opo,"

"Naisulat mo ba yung number namin, baka mamaya makalimutan mo!"

"Naisulat ko po at kahit mawala yun memorize ko kaya number mo!"

"Mabuti naman kung ganun, basta Michelle ang bilin ko sayo ha!"

"Opo Ma,"

"Opo 'Ma ka ng opo 'Ma pero parang di ka naman nakikinig!" sabi ni Mama na halatang naiirita nanaman sakin pero alam ko naman na nalulungkot lang siya kasi nga aalis nanaman ako kasi kung sa kanila lang daw talaga mas gugutuhin nilang andito lang ako sa malapit magtrabaho kaya lang nga kailangan ko rin talaga umalis di dahil sa pera pero dahil kailangan kong makalimot.

"Nakikinig po ako!"

"Hay naku Michelle!"

"Hay naku 'Ma wag kang magdrama, Haha...haha...! pagbibiro ko kasi nakikita ko na nag-uumpisa ng mamula yung mata niya at kung di ko pa aasarin ay talagang iiyak na siya.

"Lumapit ka na nga dito Eden at manuod ka ng TV, di naman na bago yang pag-alis ng anak mo at di yan habang buhay naka dikit sayo. Darating ang araw magsisipag-asawa ang mga iyan kaya dapat ngayon pa lang masanay ka na, na ako lang ang kasama," sambit ni Papa pero ang mata nasa Tv parin.

"Ewan ko sayo Michael pero mamaya iiyak ka din dahil aalis nanaman yung anak mo!"

"Sinong umiyak?" takang tanong ni Papa na halatang nagulat pero alam mo na arte lang niya yun.

"Eh di yung kapitbahay natin!" sagot ni Mama na pumasok na lang sa kwarto niya dahil wala namang hilig sa basketball.

Paakyat na ko sa second floor ng bahay namin kasi nga tapos na ko maghugas ng pinggan at gusto ko na sana magpahinga ng may kumatok sa pintuan namin.

"Tao po!" sabi ng kumakatok.

Bigla akong napahinto sa paghakbang sa may hagdan at napatingin kay Mike na malapit sa pintuan.

"Sino yan?" tanong ni Mike na di tumayo sa kinauupuan niya.

Sarado na kasi yung pinto namin kaya di mo makikita yung tao sa labas. Isa pa umuulan din kasi.

"Si Martin 'to Mike!" sagot ng tao sa labas.

Nagulat kaming tatlo kasama na si Papa nung marinig namin yung sagot ng tao sa labas. Sa totoo lang nung marinig ko siyang magsalita di ko akalaing si Martin yun kasi parang iba yung boses niya.

"Sino yan?" sabi ni Mama na sinadyang lakasan ang boses.

"Si Martin 'Ma," muli niyang sagot.

Ngayon tatlo na silang naka tingin sakin na para bang tinatanong ako kung dapat ba nila itong pagbuksan o ipagtabuyan. Bumibilis ang tibok ng puso ko, samantalang yung utak ko naman ay di makapag-isip ng tama pero sa huli ay nagpatuloy ako sa pag-akyat sa taas pero di ako pumasok sa kwarto ko. Nanatili ako sa may gilid ng hagdan pero di ako visible sa tao sa baba.

"Anong kailangan mo?" narinig kong tanong ni Mama.

"Magandang gabi Ma, Pa at Mike. Gusto ko po sanang maka-usap si Michelle!" magalang na sabi ni Martin. Di ko alam kung pinapasok ba siya ni Mama o nanatili siya sa labas.

"Di ba sinabi ko naman sayo, umalis na si Ate. Nasa America na siya!" masungit na sabi ni Mike.

"Chineck ko yung lahat ng taong umalis papuntang America ngayong araw at kahapon, wala dun ang pangalan ng Ate mo at according sa details na nakuha ko bukas pa ang alis niya ng alas nuebe ng umaga." seryosong sabi ni Martin.

Iba talaga yung mayaman kaya niyang humingi ng information ng mga taong aalis at papasok.

"Tama ka andito pa nga si Ate pero ayaw ka na niyang makita at maka usap kaya umalis ka na!" pag-amin ni Mike, syempre di na siya pweding tumangi kasi pati oras ng flight ko alam na ni Martin.

"Ma, 'Pa, nagkaroon lang kami ng di pagkakaintindihan ni Michelle kaya po sana hayaan niyong makapag-usap kami." narinig ko uling sabi ni Martin mukang di na niya pinansin yung sinabi ni Mike na ayaw ko siyang maka-usap.

"Nasa taas si Michelle, nagpapahinga na! Umakyat ka at katukin mo. Siya ang tanungin mo kung gusto ka niyang kausapin pero kung ayaw niya wala na kaming magagawa kaya umalis ka na lang ng tahimik." sambit ni Papa.

"Pa naman! wala naman siyang dalang mabuti kay Ate kaya paalisin mo na siya!" sambit ni Mike na mukang di pabor sa naging desisyun ni Papa.

"Salamat po 'Pa," sambit ni Martin.

Maya-maya naririnig ko yung mga hakbang na papalapit sa hagdan kaya mabilis akong pumasok sa kwarto ko at isinara ko yung pinto. Di ko ring kinalimutang i-lock iyon. Pagkatapos ay sumandal ako dun.

Maya-maya lang ay may narinig akong kumakatok.

"Hon, mag-usap tayo! Buksan mo yung pinto!" sabi ni Martin pero di ako sumasagot.

"Hon, alam ko naririnig mo ko, please kausapin mo ko at hayaan mo kong magpaliwanag!"

Muli niyang sabi pero nanatili lang akong tahimik. Maya-maya naramdaman ko na lang na tumutulo na pala yung luha ko sa mata at para di ako humagulgol, kinagat ko yung lower lip ko.

"Hon, sige na please usap tayo!" paki-usap ni Martin.

"Umalis ka na, ayaw kitang kausap!"

"Hon naman alam kong galit, sorry! Sige na pagbuksan mo ko ng pinto at hayaan mo kong magpaliwanag!"

"Wala ka ng dapat pang paliwanag kasi malinaw na sakin ang lahat kaya umalis ka na dahil wala na kong utang sayo kaya tapos na satin ang lahat!" matigas kong sabi.

Nakuha naman na niya ako kaya wala na kong utang sa kanya.

"Hon, please!" full of sincerity na sabi ni Martin pero di ako nagpatinag.

Maya-maya naalala ko na meron pa palang mga gamit si Martin na binigay sakin dati na di ko pa nasasauli kaya agad kong kinuha yung box na naglalaman nun. Balak ko rin talagang ipabigay yun kay Mike at dahil nga andito na siya marapat na ako na ang magsauli para malinis na yung pagtatapos naming dalawa.