Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 344 - You May Kiss the Bride

Chapter 344 - You May Kiss the Bride

Di parin rumerehistro sa utak ko yung nangyayari, nagulat nalang ako ng magsimula ng magtanong yung Pari, "Martin Ocampo, do you take this woman to be your wife, to live

together in (holy) matrimony, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her

in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"

Martin answers, "I do."

Sagot ni Martin habang nasa nanatiling nasa baywang ko yung kamay niya. Pagkaranig ng Pari ng sagot ni Martin sakin naman siya bumaling, "Michelle De Vera, do you take this man to be your husband, to live together in (holy) matrimony, to love him, to honor him, to comfort him, and to keep him in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"

Di ko alam kung anong sasagot ko kasi hanggang ngayon blangko yung utak. Lahat sila naghihintay sa sagot pero nanatili akong naka tingin kay Father, "I dont..." pero bago masabing I don't know biglang hinawakan ni Martin yung pisngi ko at ibinaling sa kanya at muli niya kong siniil ng halik.

Dahil sa gulat ako nanatili lang akong naka tingin kay Martin habang kumukurap-kurap ang mga mata ko.

"Tuloy mo na po Father yung seremonya," sabi ni Martin bago niya binitawan yung pisngi ko.

"Repeat after me." Sabi ni Father na nagpatuloy sa kanyang dapat sabihin.

"I, Martin Ocampo, take you Michelle De Vera, to be my wife, to have and to

hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in

sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part." tanging boses lang ni Martin yung naririnig na nagsasalita habang ako naka tingin lang sa kanya, pinagmamasdan ko yung mukha niya. Nagbabakasakali akong makakita ng kahit kaunting kasinungalingan sa bawat salitang binibigkas niya sakin pero ang tanging nakikita ko ay overflowing love ang affection para sakin.

"Asan yung sing-sing?" sabi uli ni Father.

"Zaida," sigaw ni Martin kaya agad lumapit si Zaida na may dalang dalawang sing-sing na parehas ang design, white gold siya na may maliit na bato sa unahan. Napaka-simple lang ng design ng mga ito pero walang duda na ito yung sing-sing na pinili ko para saking dalawa ni Martin.

Kinuha ni Martin yung small size na sing-sing at dahan dahang inilagay sa ring finger ko sa left hand ko kung saan naroroon din nakalagay yung promise ring na binigay niya at yung engagement ring na isinuot niya kanina. Habang ginagagawa niya iyon ay nagsasalita siya, "I give you this ring as a token and pledge of our constant faith and abiding love."

"Ikaw naman Michelle," utos ng Pari sakin pero di ako gumalaw at pinagmamasdan ko yung sing-sing na nasa daliri ko na naka suot. Napaka-perfect nilang tingnan bagay na bagay sa malilit pero mahahaba kong daliri.

Marahil nainip si Martin sa paghihintay sakin o sadyang natatakot lang siya na di ko kunin yung sing-sing kaya siya na uli ang kumuha nito kay Zaida at balak ng isuot sa daliri niya ng bigla ko siyang pigilan.

Nagulat si Martin na para bang nakikiusap na , "Please hayaan mong tapusin natin yung seremonya. Nginitian ko siya habang hinawakan ko yung palad niya at dahan-dahan ko dun inilagay yung sing-sing na nararapat para sa kanya habang inuusal yung salitang matagal kong gustong sabihin sa kanya, "I give you this ring as a token and pledge of our constant faith and abiding love."

Pagkatapos ko yung sabihin ay mabilis akong niyakap ni Martin at hinalikan uli sa labi. Walang nagawa si Father kundi sabihin na lang ang huling salita, "By virtue of the authority vested in me under the laws of the Catholic Church, I now pronounce you husband and wife. Kailangan ko pa bang sabihing you may kiss the bride?"

"Sa tingin ko Father, di mo na po kailangang sabihin," natatawang sabi ni Lucas kasi nga bago pa sabihin yun ni Father ay pinagsaluhan na namin ni Martin ang pinaka unang halik namin bilang mag-asawa. Maraming katanungan parin sa utak ko na nangangailangan ng sagot pero sa oras na ito ang tanging alam ko lang pinakasalan ako ni Martin at asawa niya ko.

"Tigilan niyo na yan, wag niyo naman kami masyadong inggitin," sabi ni Zaida na tinapik na sa balikat si Martin kaya binitawan na ko nito. Parehas kaming naghahabol ng hininga pero makikita mo labi namin ang ngiti at ligaya sa mata.

"I love you!" sabi ni Martin habang inalis niya yung buhok na tumatakip ng bahagya sa kanang mukha ko.

"I love you too," sagot ko din sa kanya.

"Pwedi ba mamaya na yan kapag kayong dalawa nalang, Isa pa may kailangan pa niyong pirmahan yung marriage certificate niyo." sabi ni Bert na inabot na yung papel saming dalawa na agad naming dalawa at tinanggap at pinirmahan.

Nauna ng pumira samin si Father at dinala na siya ni Zaida sa kabilang lamesa kung saan mayroong pagkain na naka handa.

"Alam mo na yung gagawin dito Bert," sabi ni Martin habang inaabot sa kanya yung mga papeles pagkatapos naming pumirma.

"Ako ng bahala," sabi ni Bert habang ipinapasok yung documents sa bag niya.

"Kain muna tayo!" sabi ni Martin sakin ng makita niyang nailagay na ni Bert ng maayos yung marriage certificate namin.

"Tara," pagsang-ayon ko sa kanya. Gutom narin kasi ako, di kasi ako nagmeryenda kanina kasi nga naka tulog ako at nung magising ay agad naman kaming umalis.

"Kami di mo yayain?" Tanong ni Lucas na naka sunod samin.

"Alam mo naman kung nasaaan yung pagkain, kailangan ka pa bang pagsilbihan," sabi ni Martin habang hinihila niya yung isang upuan para sakin.

"At least magpanggap ka naman na na-appreciate mo yung effort namin lalo na sa ginawa naming effort sa kwarto niyo," pagyayabang ni Lucas.

"Kayo nag-ayos dito?" tanong ko habang naka tigin kay Lucas.

"Sa palagay mo sino pa ba? Alam mo naman Michelle na suportado namin yung pagmamahalan niyo ng pinsan ko kaya naman wag na wag mo ng iiwan si Martin ha, Nababaliw kasi siya kapag wlaa ka sa tabi niya," sadyang hininaan ni Lucas yung huling sentence niya para di marinig ni Martin na busy sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ko.