Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 339 - Chapter 339

Chapter 339 - Chapter 339

Dahil nga hinihintay pa namin si Martin di muna kami nagsimulang kumain sa halip ay nagkwentuhan muna kami. Nasa kalagitnaan kami ng pagtatawan ng bumaba si Martin.

Di ko mapigilang mapatingin sa kanya paano naman kasi amoy na amoy ko yung sabon at shampoo ko sa kanya and it turn me on.

Nginitian lang ako ni Martin ng makita niyang naka titig ako sa kanya.

"Upo ka na Sir at ng makakain na tayo," sabi ni Mang Kanor.

Nagsimula na kaming kumain, dahil native chicken yung ulam namin di ko mapigilang maparami ng kain.

Gusto ko sanang tulungan si Aling Lydia magligpit pero di niya ko pinayagan sa halip sinabihan niya ko na yayain ko nalang daw si Martin maglakad sa tabing dagat at magandang pagmasdan ngayon ang kalangitan dahil sa madaming bitwin na makikita roon.

Ganun na nga ang nangyari kasalukuyan kaming naglalakd ni Martin sa tabing dagat. Nagpapababa ng kinain at the same time nagpapatuyo ng buhok. Nang mapagod kami sa kalalakad naisip namin na umupo sa buhanginan.

"Napaka tahimik noh?" sabi ni Martin habang naka tingala sa langit.

"Oo nga eh, ganito talaga ang buhay dito sa probinsiya." sagot ko sa kanya.

"Minsan nga mas gusto ko sanang manirahan sa ganitong lugar tahimik, malayo sa polusyon at stress."

"Kung gugustuhin mo naman pwedi kaya lang syempre kailangan mong isipin yung mga taong umaasa sayo."

"Ikaw ba, gusto mo ba sa ganitong lugar?" tanong ni Martin sakin.

"Sakin okay lang, alam mo naman na simple lang ang gusto ko ang manirahan kasama yung mahal ko sa buhay at kahit saan pang lugar yun."

"Hon, kung sakali bang mahirap ako at sa ganitong lugar lang kita kayang buhayin, okay lang ba sayo?"

"Wag ka ngang magpatawa, di mo ko girlfriend kaya di mo ko dapat tinatanong ng ganyan." sabi ko kay Martin bago ako tumayo pero hinila niya ko pabalik at sa halip na maupo ako sa buhanginan ay sa kandungan niya ko pinaupo.

"Martin!" saway ko sa kanya kasi nga nakakahiya paano nalang kung may ibang taong makakita samin.

"Di naman kita talaga girlfriend di ba asawa kita?" seryosong sabi niya sakin.

"Dream on!" sabi ko sabay pitik sa noo niya. Paano niya ko magiging asawa kung di naman kami kasala. Ano lasing lang?

"Di pa nga tayo legally married pero sa puso at isipan ko asawa na kita!" sabi ni Martin bago niya ko hinalika sa pisngi.

"Kung sa puso at isipan lang ang basehan ng kasal malamang marami na ko ng naging asawa." pagbibiro ko sa kanya kasi di naman lingid sa kaalaman niya na maraming lalaking gusto akong pakasalan at gawing may bahay nila.

"Subukan nila at subukan mo rin!" pagbabanta ni Martin sakin.

"Masyado ka naman yatang gahaman Mr. Ocampo at gusto mong mamangka sa dalwang ilog."

"Ikaw lang ang babae para sakin." sabi ni Martin habang yakap yakap ako.

"Kung ako lang ang babae para sayo eh ano si Elena." diretso kong tanong habang tinitingnan siya sa mga mata.

"Wag na natin siyang pag-usapan pero pagdating ng panahon papaliwanag ko rin sayo just trust me na ikaw lang talaga ang para sakin." sabi ni Martin habang hinalikan ako sa labi. Gusto ko sanang umiwas kasi nga di ako kuntento sa sagot niya pero hinawakan niya yung likod ng ulo ko kaya wala akong way para makatakas sa kanya.

"Handa ko namang ibigay yung sarili ko sayo kaya wag mo na kong paasahin." sabi ko kay Martin nung bitawan niya yung labi ko.

"Trust me!" sabi ni Martin habang muling inangkin yung labi ko.

Naguguluhan parin ako sa sinabi ni Martin pero di na ko muling nagtanong kasi nga ayaw naman niya sakin magsabi. Dahil nga lumalalim na yung gabi ay pinili naming bumalik na sa bahay ni mang Kanor at doon natulog na kami.

Di naman naisip na gumawa ng kalokohan ni Martin malamang naisip niya na nasa ibang bahay kami at the same time kailangan namin gumising ng maaga.

Eksaktong four ng umaga ng bumiyahe kami pa Manila pero sa halip na hatid niya ko sa Bulacan ay sa Pad niya kami sa Makati dumiretso. Naligo lang kami dun at kumain n breakfast bago pumunta sa opisina niya.

Pababa na ko ng kotse ng hawakan ako ni Martin.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Give me your phone?" sabi niya habang inilahad niya yung kamay niya sa harap ko.

"Bakit kailangan kong ibigay sayo yung phone ko?"

"Para tanggalin yung number ko sa blacklisted mo." Doon ko lang naalala na naka block pala siya sakin.

"Ako na yung magtatangal!" sabi ko bago ko inalis yung kamay niyang nakakapit sa braso ko.

"Tanggalin mo na ngayon bago ka bumaba." matigas na sabi ni Martin kaya wala akong nagawa kundi gawin yun sa harapan niya.

"Satisfied?" taas kilay kong tanong.

"Very!" sagot niya sakin bago ako hinalikan sa labi.

"Kahit kaylan ka talaga!" reklamo ko.

"Baka kasi di tayo magkita ngayong araw pagkatapos nito kaya kailangan kita ma-contact." sabi ni Martin bago niya iipit yung buhok na tumatakip sa mukha ko sa aking tenga.

"Bakit saan ka pupunta?" curious kong tanong.

"Puro meeting ako ngayon eh!" pilit na ngiti sabi ni Martin sakin.

"Lakwatsero ka kasi," sabi ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng kotse. Malamang kasi yun yung mga meeting na dapat niyang pinuntahan sa loob ng tatlong araw pero sa halip ay nasa Subic siya at sumama sakin kaya ngayon tambak yung trabaho niya.

"Good Morning Ma'am," bati ni Yago sakin ng makarating ako sa 25th floor. Naka abang na siya sakin sa elevator para tulungan akong dalhin yung mga gamit ko. Pagpasok namin sa loob agad kaming binati ng tatlong babae kasama si Xandra dun pero di ko kilala yung dalawa.

"Mga bagong assistant ko pinalitan ko na yung dalawa," paliwanag ni Yago ng makita niya yung pagtataka sa mukha ko.

"Ow," tanging nasabi ko bago ako pumasok sa opisina ni Martin.

Dahil nga may pinadala sakin si Martin na documents agad akong lumapit sa table niya at binuksan yung drawer niya. Doon niya kasi sinabi na ilagay yung documents na yun.

Di ko naiwasang mapatingin sa picture frame na nasa ibabaw ng lamesa ni Martin at laking gulat ko ng makita ko kung sino yung nasa litrato. Walang iba kundi ako, yun yung picture ko sa may Palawan nung mamasyal kami dun ni Martin. Actually naka lagay iyon sa Pad niya pero nung pumunta ako dun di ko na yun nakita kasama yung ibang gamit at picture namin magkasama.

Related Books

Popular novel hashtag