Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 323 - Chapter 223

Chapter 323 - Chapter 223

"Mukang nahimasmasan ka na, tagay na uli!" sabi ni Anna na inaabutan nanaman ako ng baso na naglalaman ng alak.

"Ano patayan ng baga?" sarcastic kong sabi.

"Di naman sinusulit ko lang yung pagkakataon, baka kasi matagal na tayo uli magsama-sama." nag-uumpisa ng magdrama si Anna.

"Eh di gisingin mo na si Nina para maubos na natin yung bagong alak na inorder mo." sagot ko habang naka tingin sa isang kahon ng beer na dala-dala uli ng waiter.

Naka-tatlong kahon na kami at di ko alam kung saan nila dinadala yung alak at kung bakit ako pa lang ang sumusuka.

Di ko matandaan kung naka ilang tagay na ko pero nahihilo nanaman ako.

"Okay ka lang?" tanong ni Martin.

"Okay lang!" sabi ko pero naka pikit na ko.

"Hoy Michelle, tagay mo!" sigaw ni Anna ng makita niyang di ko dinampot yung baso na may alak.

"Yoko na!' tanggi ko.

"Anong ayaw mo na! Di pwedi kailangang ubusin natin 'tong laman ng pitsel."

"Ubusin mo kong gusto mo, wag mo kong damay!" masungit kong sabi. Umiikot na talaga yung paningin ko kaya di ko namalayan na napasandal na pala ako sa balikat ni Martin.

Ewan ko ba kung bakit pero kapag naamoy ko si Martin, Pakiramdam ko napa secure ko kaya I feel comfortable kapag nasa tabi ko siya. Di ko namalayang naka tulog ako sa balikat niya.

Naalimpungatan ako nung parang nagkakagulo sa paligid kaya pinilit kong magmulat ng mata.

"Ako ng aalalay kay Michelle!" narinig kong sabi ni Christopher.

"Alalayan mo yung kapatid mo!" sagot naman ni Martin na walang pag-aalinlangan akong binuhat ng princess style. Dahil nga umiikot parin yung paningin ko pinili kong muling pumikit pero naririnig ko parin yung usapan nila.

"Andun yung kotse namin malapit sa may kalsada," narinig kong sabi ni Mike na nakasunod samin.

Muli akong nagmulat ng mata ng maramdaman kong inilapag ako ni Martin. Luminga-linga ako sa paligid. Nasa loob na ko ng kotse namin, ini-upo niya ko sa likod. Kinumot niya yung coat sakin bago niya ko kinabitan ng seat belt.

"Di pa ko nagbabayad!" sabi ko kasi nga ako yung taya at nakakahiya naman kay Jerold na umalis kaming di ako nag settle ng bill.

"Binayaran ko na, kaya may utang ka sakin uli!" sabi ni Martin bago ako hinalikan sa noo. Nakita ko si Mike na nasa unahan ng kotse at inaayos si Xandra na mukang naka tulog narin sa labis na kalasigan buti nalang di naka tingin samin si Mike kaya di niya napansin yung ginawa ni Martin.

"Good night!" muling sabi ni Martin kaya inalis ko yung tingin ko kay Mike at lumingon ako sa kanya.

"Umaga na!'' sagot ko sa kanya kasi sa tantiya ko madaling araw na at di nga ako nagkamali kasi pagtingin ko sa relo ko past two na ng madaling araw.

"Eh di good morning!" naka ngiting sabi ni Martin bago niya ko hinalikan sa labi. Smack lang yung ginawa niya sakto sa pagsakay ni Mike sa driver seat. Napailing nalang ako kasi umiiral naman yung pagiging shameless niya.

"Mike dahan-dahan sa pagda-drive," sabi ni Martin bago ako nginitian.

"Oo, kuya!" sabi naman ni Mike bago pinaandar yung sasakyan kaya isinara na ni Martin yung pinto sa tabi ko saka kumaway hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Muli akong natulog habang nasa biyahe, nagising nalang ako uli ng gisingin ako ni Mike.

"Bumaba ka na at wala na dito si Kuya Martin para buhatin ka, kaya matuto kang maglakad para makapasok sa loob ng bahay."

"Anong silbi ng muscle mo kung di mo ko kayang buhatin?"

"Ano feeling mo magaan ka?"

"Oo, di nga pinawasan si Martin nung binuhat ako."

"Madami ka pang sinasabi bumaba ka na at ng maka tulog pa ko!" sabi ni Mike na parang gusto ng umiyak.

"Mauna ka na, ako na bahala!"

"Ikaw na bahala, mamaya may humablot sayo dito!"

"Wow ah, concern!" pang-aasar ko.

Lalong nanlalaki yung butas ng ilong ni Mike dahil sa asar kasi nga lalo kong binabagalan.

Di na ko nagpalit ng damit, naghilamos lang ako bago muling natulog. Nine ng umaga ng bumiyahe kami papuntang Bataan. Naawa naman ako sa kapatid ko kaya ako na nagmaneho.

"Nagbalikan na ba kayo ni Kuya Martin?" bigalan tanong ni Mike sakin.

"Hindi!" walang gana kong sagot.

"Nililigawan ka niya uli?"

"Di rin!"

"Di rin, Eh ano yung ginagawa niyo kagabi?"

takang tanong ni Mike na parang di maka paniwala sa sagot ko.

"Bakit ano bang ginawa namin kagabi?" inosente kong tanong.

"Anong ginawa, eh mas daig niyo pa kami ni Xandra kung maglampungan!"

"Kung makapag-lampungan ka diyan, wagas!"

"Bakit hindi ba? Kung makahawak si Martin sa baywang mo wala ka man lang pake, tapos naka sandal ka pa sa kanya. So, anong ginagawa niyong dalawa MOMOL lang?"

"Anong pinagsasbi mo?" Di ko maintindihan kung anong sinasabi ni Mike.

"Ito nalang, hiwalay na ba si Martin sa fiancee niya?"

"Di ko alam!"

"Ate naman!" sigaw ni Mike sakin, di maka paniwala sa sagot ko sa kanya.

"Ano?" iretable ko ding sagot. Inuunahan ko na siya ng sindak para manahimik na. Sa totoo lang di ko naman talaga alam yung relasyon nila Ellena at Martin at lalong di ko pweding sabihin yung amin.

"Umayos ka nga Ate!"

"Maayos naman ako!"

"Ate naman!"

"Ano nanaman?"

"Akala ko pa naman nagkabalikan ng kayo kaya ganun kayo umarte sa isa't isa. Marami pang lalaki diyan na walang sabit na pwedi mong landiin kaysa sa taong committed na." Mahabang salaysay ni Mike pero di ko na siya pinansin. Matatapos lang kasi kami ni Martin kapag tapos na yung utang ko sa kanya.

"Ate nakikinig ka ba?"

"Opo 'tay nakikinig po ako!" pabalang kong sagot.

"Tapusin mo na kagad yung imbestigasyon mo para wag ka ng pumasok sa Casa Milan!"

"Opo!"

"Hays!" buntong hininga na lang ni Mike kasi alam naman niya ng di ko siya sineseryoso.

Bago mananghalian nakarating na kami ng Bataan kasi kahit papano nakapag-concentrate na ko sa pag-drive kasi natulog na yung bungangero kong Kuya ay mali ako nga pala ang Ate kasi tinawag niya kong ganun. Tinawag pa niya ko pero kung makapagbintang na nilalandi ko daw si Martin.

"Excuse me, siya ang lumalandi sakin!" natatawa kong sabi sa sarili ko.