Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 321 - Dying Inside

Chapter 321 - Dying Inside

"Eh, ano naman kung sinusundan kita!" pag-amin ni Martin na di ko inaasahan di ko tuloy alam kung anong isasagot ko.

Dahil nga wala akong maisagot sa kanya umiwas na lang ako ng tingin at pinagmasdan ko nalang yung ibang couple na nagsasayaw din kasama namin.

"Bakit ang sungit mo sakin lagi?" mahinang sabi ni Martin at talagang inilapit niya pa sa tenga ko yung bibig niya para sure na maririnig ko siya.

"Di naman!" tanggi ko.

"Anong di naman, di mo nga ako nginingitian?"

"Paano kita ngingitian eh lagi kang nang-aasar?"

"Di naman kita inaasar ah!"

"Di inaasar eh anong ginagawa mo?"

"Anong ginagawa ko?"

"Never mind!' nasabi ko nalang para matapos yung pag-uusap namin kasi nga di naman ako manalo sa kanya.

"Galit ka ba sakin?" muling tanong ni Martin habang itinapat yung mukha ko sa mukha niya.

"Hindi naman!" mabilis kong sagot kasi di naman talaga ako galit sa kanya kasi kung iisipin wala naman akong rason para magalit sa kanya. Well, maliban dun sa nagkautang ako sa kanya pero kung iisipin kong mabuti reasonable naman siya dun kahit alam niyang wala akong pambayad.

"Kung di ka galit, tawa ka nga sakin!"

"Bakit kita tatawanan di ka naman nagpapatawa?"

"So, ibig sabihin tatawanan mo lang ako kapag nagpatawa ako."

"Oo," mabilis kong sagot.

"Ano bang gusto mong gawin ko para matawa ka?" seryosong sabi ni Martin.

"Pwedi kang tumambling o kaya mag duling-dulingan or magbigay ka ng joke!" sabi ko pero alam ko naman sa sarili ko na di yun gagawin ni Martin kasi nga napaka seryoso niyang tao at lumala pa siya pagkalipas ng dalawang taon.

Di maka paniwala si Martin sa sinabi ko.

"Tara na, tapos na yung kanta!" sabi ko kay Martin nung di na siya nagsalita kasi nga tapos na yung sweet dance pinalitan na yung boggie.

"Sayaw pa tayo!" sagot ni Martin sakin na di umalis sa pwesto niya habang hawak ako sa braso para pigilan ako sa pag-alis.

"Di ka naman marunong sumayaw eh!" reklamo ko.

"Di turuan mo ko!"

"Wag na ayaw kong ma-murder yung paa ko!"

"Di kita aapakan!"

"Tara na!" yaya ko parin kasi ayaw kong maniwala sa kanya. Last time kasi nung nagsayaw kami nung kami pa ilang beses niya ko naapakan kaya wag na uy.

"Sige na!" lambing niya sakin.

"Kapag inapakan mo ko ikaw yung magbayad ng ininom natin ah!"

"Deal!" mabilis na sagot ni Martin. Akala ko pa naman tatangi ang problema sumang-ayon kaya wala akong nagawa kundi muling hawakan yung kamay niya at turuan siya.

Rock around the clock pa naman ng tugtog by Elvis Presley kaya medyo mabilis ang galaw ng paa. Hawak ko yung kanang kamay niya ng kaliwa kong kamay habang ginagalaw ko yung kanang paa ko. Sinusubukan ni Martin na sundan ako pero syempre dahil nga mabilis yung beat hirap na hirap siya at maliban dun nagmukha siyang kenkoy kaya di ko mapigilang matawa.

"Haha...haha...tuwang tuwa ka talaga kapag nagmumukha akong tanga sayo?"

"Mukha ka kang ewan!"

"So kapag mukha akong ewan maligaya ka?"

"Haha...haha... di naman kaya lang di ko talaga mapigilang matawa!" sabi ko habang patulog ako sa pagtawa. Buti nalang natapos na yung kanta kundi sasakit na talaga yung tiyan ko.

"Tara na!" yaya ko uli kay Martin this time di na ko nagpapigil kasi nga pagod na rin ako kaya bumalik kami sa booth.

Pagbalik namin dun, nagkakantahan sila. Kinuha ko yung coat ni Martin na naka patong sa upuan at isinampay sa sandalan bago ako umupo sa tabi ni Xandra. Akala ko tatabi si Martin kina Lucas pero sakin siya tumabi. Hinayaan ko nalang kahit pinagtitinginan kami ng lahat.

Bahagya lang ako umusog para di kami masyadong dikit na dikit pero siya ring usog niya palapit sakin.

Nung wala na kong mausugan dahil sagad na ko kay Xandra, tiningnan ko nalang si Martin ng masakit pero bale wala iyon sa kanya sa halip ay inilatag niya yung coat niya at itinakip sa binti ko na expose.

"Ako naman kakanta!" presenta ni Martin ng matapos ang pagkanta ni Nina at Robert.

"Pre, sigurado ka ba sa gusto mong mangyari?" pagbibiro ni Jerold na nag-abot ng mic sa kanya.

"Takpan mo nalang tenga mo kung duda ka!" sabi ni Martin na pagkatapos abutin yung mic ay nagpasok na ng number para sa napili niyang kanta.

"Dying inside pa talaga yung napili mong kanta ah!" pagbibiro ko, di ko mapigilang mapangiti.

"Takpan niyo na yung tenga niyo!" sabi ni Lucas na tinakpan na yung sarili niyang tenga. Sila Zandra at Jerold ay gumaya kay Lucas samantalang yung mga kasama ko ay di nakinig at hinintay nilang kumanta si Martin.

"It's turning out just another day

I took a shower and I went on my way

I stopped there as usual

Had a coffee and pie

When I turned to leave

I couldn't believe my eyes

Standing there I didn't know what to say

Without one touch

We stood there face to face."

Di mapigilan ng lahat ang matawa pero kahit anong tawa namin walang paki si Martin na napapapikit pa habang kinakanta yung chorus.

"And I was dying inside to hold you

I couldn't believe what I felt for you."

"Michelle, kunin mo na yung mic utang na loob!" sigaw ni Zaida.

"Dying inside, I was dying inside

But I couldn't bring myself to touch you," patuloy na pagkanta ni Martin samantalang ako sumasakit na yung tiyan sa katatawa.

Paano ba naman daig pa ni Martin ang tumutula sa halip na kumanta ang masaklap pa may indication na nga nauuna pa siya minsan nahuhuli. Daig pa niya ang baka kung umatungal.

Napapa-iling na ang lahat habang nagtatakip ng tenga. Di sila makapaniwala na ang guapo at makisig na si Martin Ocampo ay di marunong sumayaw at higit sa lahat kumanta.

Kaya bago mabasag yung eardrum ng lahat at mamaos si Martin ay hinawakan ko yung kaliwa niyang kamay na may hawak mic at iginitna sa pagitan naming dalawa at sabay naming kinanta yung second stanza.

"You said hello then you asked my name

I didn't know if I should go all the way

Inside I felt my life had really changed

I knew that it would never be the same

Standing there I didn't know what to say

First I looked away when I whispered your name." napatingin pa ko kay Martin habang kumakanta kami kasi naramdaman kong pumulupot yung kanang kamay niya sa baywang ko at hinila niya ko palapit sa kanya kaya nakasandal na ko sa dibdib niya.

"And I was dying inside to hold you

I couldn't believe what I felt for you

Dying inside, I was dying inside

But I couldn't…" pagtatapos naming dalawa. Dun ko lang narealize na napaka intimate pala ng position naming dalawa kaya muli akong umusog ng kunti pero di na siya bumitaw sa baywan ko.

Related Books

Popular novel hashtag