Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 279 - Chapter 279

Chapter 279 - Chapter 279

"Bakit hindi ba?" sarkastikong sabi nung lalaki. Nung marinig yun ni Anna ay tuluyan na siyang lumapit sa lalaki pero bago pa maka lapit ng tuluyan at may naunang cellphone na lumipad papunta dun at saktong tumama sa ilong nito.

"Aray!" sagot nito sabay tingin sa direksyon nila Martin pero dahil sa bilis na pangyayari di namin alam kung sino may gawa nun. Dadaputin sana ng isang lalaki yung phone na binato pero ninapakan ni Anna yung kamay niyang aabot sana sa phone.

"Kamay ko!" sigaw nito.

"Ay sorry akala ko kasi ipis eh!" Inosenteng sabi ni Anna sabay dampot sa phone at bumalik sa pwesto niya. Umiling nalang ako pero di ko mapigilang matawa sa kinilos ni Anna pero mabilis ko ding pinawi yung pagkaka ngiti ko kasi naka tingin sakin si Martin.

"So, ano tunay na nangyari?" tanong ng police officer na may dalang laptop para kunan na kami ng statement.

"Sila po kasing apat nilandi kami at gustong magpabayad nung una sabi nila 20,000 daw para sa kanilang apat para sa one night tapos nung aalis na kami para sana magcheck-in sa baba ay ayaw sumama at gusto pang magpadagdag uli ng 20,000 sabi namin cancel na lang yung deal at ibalik na lang yung pera namin pero ayaw nilang ibalik. Tapos biglang dumating itong apat at binugbog kami." salaysay nung matabang lalaki.

Di kami makapaniwala sa pinagsasabi ng baboy na ito pero dahil nga andun na yung pulis di na kami nagsalita at nagtyaga lang makinig sa pinagsasabi nilang walang kwenta.

"Totoo ba yung sinasabi nila?" tanong ng police samin.

"Syempre hindi!" Sigaw ni Anna.

"Ano bang ginagawa niyo dun?" tanong ng police office.

"Kababalik lang namin ng america and pumunta kami dun para makapag bonding magkakaibigan at wala kaming balak maging bayarang babae. Saka hello ang cheap ah 20,000 para saming apat! Dusko kahit bayaran niyo kami ng milyon di namin tyatyagain yung mga muka niyo!" masuka-sukang sabi ni Anna.

"Kaya pala tinanggap niyo yung bear na binigay namin!" sagot nung matangkad na nagrequest ng kanta samin kanina.

"Kasi sabi mo very gratefull ka sa pagkantang ginawa ng kaibigan ko kaya binigay mo yun!" muling sagot ni Anna.

"Tanggap kasi ng tanggap ng bigay! Thick Head" bulong ni Martin at dahil nga halos dipa lang yung pagitan namin narinig ko yun kaya napalingon ako sa kanya pero naka pikit siya na para bang walang paki sa paligid.

"Hays! kung alam lang namin yun ang magiging dahilan para mabastos kami sana nga di na namin yun tinanggap.

Naka ilang tanong pa yung pulis bago dumating yung abogado ni Martin para magsamapa ng kaso laban sa anin na nagharrass samin at dumating din yung abogado nila para magsampa naman ng kasong physical injury laban samin.

"Mr. Martin Ocampo?" tanong ng pinaka leader kay Martin pero di ito sumagot at tiningnan lang siya nito kasi nga bigla itong humabol ng palabas na kami.

"I'm sorry di kita kagad nakilala I'm Mr. Rivas the owner of The Rising Star hotel yung makikipag-partner sana sayo para sa project naming hotel sa may Tagaytay!" paliwanag nito pero tiningnan lang siya ni Martin at tuluyang lumabas sa kwarto kasi nga abogado sa abogado nalang ang mag-uusap. Nagbago yung sagot ng anin ng marinig nilang introduce ng abogado yung name ng client niya which is si Martin nga.

Haharangan pa sana siya uli ng bigla itong itinulak ni Lucas, "Tabi!" at tuluyan na kaming lumabas.

Pinaupo muna kami sa maliit na sofa habang hinihintay yung go signal na pwedi na kaming umuwi.

"Sir!" tawag ni Mang Kanor na dumating narin sa police station para siguro sunduin sila Martin.

May inabot siya kay Martin pero may sinabi siya na di ko narinig at pagkatapos nun ay bumaling si Mang Kanor sakin at inabot yung maliit na plastic na tinanggap ko naman.

Pagbukas ko ointment yun para sa sugat, "Thank you po!" sabi ko kay Mang Kanor na ngumiti lang at umalis. Napa tingin ako kay Martin pero naka pikit na siya halatang pagod na. Sabagay mag-two na ng umaga, maging kami ay pagod na rin. Si Nina nga naka tulog na sa balikat ni Annalyn.

"Michelle!" may tumawag sakin, paglingon ko si Christopher iyon na humahangos.

"Ano nangyari?" Tanong nito habang hinawakan pa yung dalang pisngi ko habang pinagmamasdan yung muka ko.

"Wag mo ngang hawakan yung ate ko!" sigaw ni Mike na naka sunod dito sabay alis sa kamay ni Christopher.

"Nina!" tawag ni Robert at nung marinig yun ni Nina ay agad itong bumangon at yumakap sa asawa niya.

"Ano nangyari?" muling tanong ni Christopher at napa tingin sa direksyon nila Martin.

"Small matters lang, bakit kayo andito?" tanong ni Anna.

"Nagtext si Nina sakin, tinawagan ko sila!" sabi ni Robert.

"Bakit may sugat ka?" tanong uli ni Christopher sakin sabay hawak sa kamay ko.

"Okay lang ako!" sagot ko sakanya sabay hila ko sa kamay ko. Paano feeling ko naka tingin sakin si Martin, at parang naasiwa ako sa agkakahawak ni Christopher sakin.

"Okay ka lang pero may sugat ka!" sabi ni Mike sabay hila sa braso ko at kinuha din yung oitment na bubuksan ko sana para ilagay sa sugat ko, siya na yung naglagay.

"Dahan-dahan naman mahapdi!" reklamo ko.

"Hapdi ka diyan lagot ka kay Mama mamaya!" pagbabanta ni Mike sakin. Biga akong natigilan kasi nga ang alam ni Mama nasa bahay lang kami nila Anna kaya malamang patay talaga ako nito.

"Di ba tutulungan mo naman ako salagin yung palo ni Mama?" lambing ko kay Mike.

"Muka mo! Lagot ka talaga!" sa halip tulungan ako lalo pa niya ko tinakot Inirapan ko lang siya at di ko nanaman maiwasang mapasulyap kay Martin na naka tingin parin sakin pero biglang tinakpan ni Christopher yung perephiral view ko.

"Pwedi na ba kayo umuwi?" Tanong nito sakin.

"Hintay pa kami ng go signal!" sagot ko nalang sa kanya kasi kanina pa siya nagtatanong.

"Yung kapatid mo, di mo ba tatanungin?" masungit na sagot ni Anna.

"Mas astig ka pa nga sakin bakit pa kita tatanungin!" sagot ni Christopher kay Anna.

"Astig mo muka mo!" Irap ni Anna kay Christopher.

"Masakit ba Michelle? Akin na ihipan ko!" sabi ni Christopher sakin nung makita niyang tapos na si Mike sa pagpahid ng ointment sa sugat ko.

"No thanks!" sabi ko sabay tago ng sugat ko.