Chapter 251 - Ouch

"Hoy gising!"

"Ouch naman!" Reklamo ko habang hinahaplos ko yung braso ko na hinampas ni Anna.

"Sensitive mo naman!" Sagot nito sakin sabay irap habang umupo sa tapat ko.

Lunch break kasi namin at pinili kong umidlip kasi nga napuyat ako kagabi sa kaliligpit ng mga gamit ko. Ito namang magaling kong kaibigan walang magawang matino.

"Di mo ba itatanong kung ano ito Michelle?" Habang winawagayway sa harap ako yung isang puting sobre.

"Puwedi ba Anna, wala ako sa mood makipahulaan sayo!" Naiirita kong sagot sa kanya habang sumandal ako swivel chair ko at muling pumikit. Kasalukuyan kaming nasa maliit kong opisina.

"Matulog ka diyan di ko sayo ito bibigay!" Padabog na sabi ni Anna sakin sabay tayo pero bago siya tuluyang maka labas ng pintuan ng opisina ko ay hinarang ko yung paa ko.

"Iwan mo yan at di yan sayo!" Sabi ko habang nanatiling naka pikit. Mahapdi parin kasi yung mata ko. Kung ako lang sana gusto ko sana umuwi na sa bahay at matulog kaya lng need ko pang magturn-over ng mga pending works ko.

"Kala ko ba ayaw mo?" Masungit na sabi ni Anna habang naka cross pa sa dibdib niya yung dalawa niyang braso.

Bahagya ko munang minasahe yung bridge ng ilong ko bago nagmulat at tumayo. Mabilis kong hinablot yung sobre na nasa kamay niya at sabay tulak sa kanya palabas ng opisina ko. Wala akong oras sa pangungulit ni Anna pero bago ko pa iyon tuluyang maisara tinawag ako ni Annalyn.

"Michelle!" Sabay taas sa dala niyang supot kung saan may logo ng isang sikat na restaurant sa baba na malapit sa opisina namin.

"Nag-abala ka pa!" Sagot ko sa kanya pero inabot ko yun sa kanya.

"Ikaw naman kasi bakit di mo nalang palipasin ang holiday at sumabay ka na samin bumalik sa Pilipinas." Sabi nito sakin habang naka sunod sa opisina ko.

"Yun nga din sabi ko sa kanya kagabi!" Sabat din ni Anna na naka sunod rin.

"Tigilan niyo nga akong dalawa hindi poket di pa kayo makaka-uwi idadamay niyo ko." Sagot ko habang inuumpisahan ng kainin yung pagkain na bigay ni Annalyn.

Nagkaroon kasi ng isang problema sa account ni Anna at nagkataon naman si Annalyn yung technical support niya kaya di sila maka-uwi kagad.

"Ilang araw lang naman!" Muling apela ni Anna.

"Gusto kong mag-cellebrate ng new year kasama ng pamilya ko at isa pa sawang-sawa na ko sa pagmumuka niyong dalawa kaya lubayan niyo ko!"

"Kung maka sawa ka diyan akala mo kami di nagsawa sa muka mo!" Irap ni Anna sakin.

"Sa mukang ito, magsasawa ka?" Tanong ko sa kanya sabay patong ng baba ko sa palad ko at nagpa cute. Di ko maiwasang maging narcissist.

"Hay naku!" Sabi ni Annalyn na nauna ng tumayo at tuluyang lumabas malamang di kinaya yung pagiging mahangin ko.

"Alis na nga rin ako!" Sabi ni Anna na lumabas na rin.

Napa iling na lang ako habang naka ngiti. Muli akong nagpatuloy sa pagkain. It's been two years to be exact simula ng umalis ako ng Pilipinas at bukas ay uuwi na ko. Di ko maiwasang ma-exite kasi kahit papano ay makikita at mayayakap ko na yung pamilya ko ng personal.

Napa tingin ako sa sobreng puti na kinuha ko kay Anna kanina at dahang-dahang binuksan iyon. Ticket ang laman nun, galing sa HR namin kasama kasi yung plane ticket sa benifits ng company samin. Usually two way ticket yun pero yung sakin one way lang, di ko pa kasi alam kung babalik pa ba ako o sa Pilipinas na ko maghahanap ng work. Naalala ko pa yung pag-uusap namin ng team leader namin.

"When are you coming back?"

"I don't know yet!" Nahihiya kong sagot. Gusto ko sana magfile na ng resignation pero di nila iyon tinanggap sa halip binigyan nila akon one-month vacation leave para makapag-isip.

"Michelle you have great potential that's why I don't want to lose you. Please consider!" Paki-usap ng manager ko. Siya si Vanessa Mcbright isang American, at the age of forty marami na siyang naging achievement sa field ng electrical.

"I will think of it!" Sincere kong sagot. Kung sahod ang pagbabasihan wala akong masasabi sa binibigay nila sakin kaya nga nabayaran ko lahat ng utang ko sa Pilipinas. Nakapag pundar din ako ng sasakyan, napagpatapos ko si Mike, napagamot si Papa at naka bili ako ng maliit na lupa sa Bataan kung saan andun yung mga magulang ko namamalagi at yun lang naman yung purpose ko kaya ako nagpunta sa America. Dahil nga na achieve ko na yun wala na kong dahilan mag-stay.

"I will miss you!" Sambit uli ni Vanessa sabay yakap sakin.

"I will miss you too!"

"Please come back soon!" Muli niyang sabi pero di ko na siya sinagot kasi nga di ko alam kung ano ba ang plano ko.

Pagkatapos namin mag-usap ni Vanessa ay tuluyan na kong umalis kasama si Anna at Annalyn. Naisip naming kumain sa labas dahil nga last day ko na ito sa America kaya gusto ko din enjoy yung last day ko. Buti nalang one pa ng hapon yung flight ko kaya pwedi pa kong magwalwal.

Pumunta kami sa isang restaurant kung saan kami magdidinner.

"Girls dito!" Sigaw ni Christopher na nagihintay samin dun na mabilis naman naming nilapitan.

"Omorder ka na?" Tanong ni Anna ng makalapit.

"Yup, alam ko naman kasing gutom na kayo!" Sagot naman ni Christopher.

"Grrr... kaianis talaga!" Sigaw uli ni Anna habang umupos sa tapat ng kapatid niya.

"Hay! Mag-uumpisa nanaman siya!" Sabi ni Annalyn na umupos sa tabi ni Anna kaya wala akong nagawa kundi tumabi kay Christopher. Pang-apatan na upuan kasi yung pinili ni Cristopher na table para samin, buti nalang at dun ako sa may bintana banada kaya kahit papano napagmamasdan ko yung busying-busying kalsada nag Los Angeles.

"Click!"

"Ano yun?" Takang tanong ko kay Christopher.

"Kinunan ka niya ng picture." Sagot ni Anna sakin.

"Patingin!" Sabi ko sabay abot sa phone ni Christopher pero inalayo niya ito sakin pero dahil ayaw niya ngang ibigay di ko pinagpilitan at muli akong tumingin sa labas. Sa loob ng dalawang taon dito ako namalagi at sa lugar na ito yung naging tambayan naming apat.