Chapter 242 - Changes

"Hon?" Tawag sakin ni Martin.

"Okay lang Hon, ako na bahala may pera pa naman ako dito! Bili mo nalang muna ako ng pagkain, okey lang? Gustom na kasi ako." Paglalambing ko kay Martin.

"Sige!" Sabi niya sakin kahit di pa masyadong kumbinsido sa sinabi ko.

Pag-alis niya, agad akong pumunta sa may billing para mag down sa operasyong gagawin uli kay Papa. "Buti nalang talaga naka bale ako kanina," sabi ko sa sarili ko habang inaabot ko yung cash sa may cashier.

Pagkatapos kong isaayos yung para sa operation ni Papa, muli akong bumalik sa kwarto.

Di na umiiyak si Mama pero namamaga parin yung mata niya sa pag-iyak.

"Okay na Ma, wag ka ng mag-alala. Naayos ko na po yung sa operation ni Papa." Sabi ko ng makalapit na ko sakanya.

Kasalukuyang naka higa siya sa kama, habang si Mike ay naka-upo sa gilid ng kama at hawak-hawak yung kamay niya.

"Si Martin ba nag settle ng bill?" Tanong ni Mama sakin.

"Hindi po Ma, bumale ako kanina sa office yun po yung binayad ko."

"Mbauti naman kung ganun. Wag mong hahayaang maglabas ng pera si Martin para sa Papa mo ha!" Galit na sabi ni Mama habang naka kuyom pa yung kamao dahil sa galit.

"Ano nangyari Ma?" Tanong ko habang hinawakan ko yung kamao niya para alisin ang sobrang pagkuyom niya.

Di sumagot si Mama at ibinaling lang yung tingin sa labas ng bintana. Tiningnan ko si Mike para sana makakuha ako ng sagot kasi alam ko may alam siya kasi siya yung kasama ni Mama maghapon.

"Pumunta dito yung Lola ni Kuya, kanina!" Galit na sabi ni Mike.

Di ko mapigilang mapakagat sa labi ko para mapigilan yung namumuong galit sa dibdib ko. Ilang beses akong bumuntonghininga para kumalma.

"Sinong kasama?" Malumanay kong sabi.

"Yung isang Doctor na sinasabi niya na dapat daw papakasalan ni Kuya Martin kung di ka lang daw nagpupumilit makisiksik."

"Yun lang yung sinabi?"

"Sinabi niya na muka ka daw pera, kaya di mo iiwan si Kuya. Inofferan niya ng blank cheque si Mama. Isulat daw dun yung kailangan natin para daw iwan mo si Kuya Martin." Sagot ni Mike sakin.

"Pasalamat na lang siya at matanda na siya kundi talaga hahambalusin ko talaga siya eh!" Sigaw ni Mama na gigil na gigil.

Napapikit nalang ako habang niyakap si Mama kasi alam ko na nasaktan siya sa pinagsasabi ng Lola ni Martin. Ang kinakasama pa lalo ng loob ko bakit sa ganito pang pagkakataon kailangan niyang alipustahin yung pamilya ko na may pinagdadaanan ngayon.

"Umuwi ka, kunin mo yung titulo ng bahay natin sa may drawer ng aparador. Isanla mo muna sa bangko para makabayad tayo ng bill ng Papa mo." Galit na sabi ni Mama na nagsisimula nanaman tumulo ang luha.

"Ma, wag mo yung pansinin!"

"Paano ko di papansin, akala nila di tayo mabubuhay kung di sa pera nila. Bakit anak humihingi ka ba kay Martin pambili ng pagkain natin?"

"Hindi po Ma!"

"Siya ba nagbayad ng bill natin dito at sa gastos ni Papa mo?" Sigaw ni Mama.

"Hindi po!"

"Grabe sila kung alipustahin ka, Ganun na ba sila ka perfect sa buhay na di ka na bagay sa kanila?"

"Ma, wag mo ng pansinin yung sinabi nila!"

"Nak, okay lang kung ako yung nilait nila pero di ko matanggap ikaw na anak ko. Madaming lalaking nagkakagusto sayo di lang yung apo niya. Mabuti pa hiwalayan mo na yan para wala na silang masabing masama."

"Ma, naman! Wala naman kinalaman dun si Martin." Paliwanag ko.

"Basta mangako ka ha! Wag kang humingi ng pera kay Martin para sa Papa mo!" Muling sigaw ni Mama na di parin kumakalma.

"Opo Ma!" Pag-sangayon ko.

"Nak, alam mo naman wala akong tutol sa relasyon niyong dalawa pero kapag ganyan naman yung pamilya niya, mabuti pa siguro mag-isip ka munang mabuti bago ituloy ang kasal niyo." Sabi ni Mama habang pinupunasan yung luha sa mata ko.

"Wag mo na ko alalahanin Ma, Si Papa muna isipin natin ha!"

"Michelle! Alam mo naman anak na di ako papayag na mamaliitin ka ng pamilya niya kasi para samin ng Papa mo prinsesa ka namin at magkamatayan na kapag binully ka nila at isa pa wala silang karapatang maliitin ka!"

"Ma, kaya ko sarili ko at saka di naman papayag si Martin na gawin nila sakin yun! Kaya wag na po kayong mag-alala!" Paninigurado ko kay Mama.

"Siguraduhin niya lang dahil pag nalaman ko na may ginawang masama yung pamilya niya sayo, sinasabi ko Michelle maghahalo ang balat sa tinalupan."

"Tama na po, wag mo na silang isipin! Pumapangit ka na sa kakaiyak baka mamaya matakot na si Papa sayo pag nakita ka!" Pag-iiba ko ng usapan namin, habang pinupunasan ko yung luha ni Mama sa mata.

"Basta Michelle!"

"Opo! Kaya wag ka ng mag-alala ha! Ako na pong bahala." Pag-aalo ko kay Mama.

"Nak!" Tawag ni Mama sakin at muli akong niyakap.

"Kaya natin ito! Akong bahala!" Paninigurado ko sa kanya. Bilang panganay na anak, obligasyon kong siguraduhin na magiging maayos ang lahat.

"Ate!" Tawag ni Mike.

"Okay lang ako!" Sagot ko sa kanya sabay gulo sa buhok niyang magulo na at lalo ko pang ginulo.

"Halika nga dito!" Sabay hila ko sa nakakabata kong kapatid at niyakap ko silang dalawa ni Mama ng mahigpit.

"Kaya natin ito!" Encourage ko sa kanilang dalawa.

"Sali naman ako diyan!" Sabi ni Martin na pumasok na may dalang pagkain. Nginitian ko lang siya kasi alam ko sa laban kong ito di ako pwedi sumandal muna sa kanya.

"Tagal mo naman!" Reklamo ko habang kinukuha ko yung dala niya.

"Bagal ng service dun sa restaurant na binilhan ko. Rereklamo ko nga yun eh!"

"Kain na po tayo Ma, Mike!" Tawag ni Martin nung patapos na kaming maglatag ng pagkain.

"Busog pa ko!" Sabi ni Mama at nantiling naka higa.

"Sabay na kami ni Mama!" Sagot naman ni Mike. Makikita ko sa kanila yung pagiging matamlay yung pakikitungo kay Martin.

"Ma, naman!" Reklamo ko habang lumapit sa kanya. Wala naman kasing kinalaman si Martin dun kaya ayaw kong paki tunguhan nila siya ng ganun.

Dahil sa pamimilit ko tumayo narin si Mama at sumunod naman si Mike pero di gaya ng dati naging tahimik lang kami hanggang sa matapos.