Chapter 233 - Sorry

Ipinarada ni Martin yung sasakyan niya sa bahay namin at agad bumaba si Mike, at dahil nga naka suot ako ng seat belt di ako kagad nababa. Nung binubuksan ko na yung pinto di ko na ito mabuksan ni-lock na pala ni Martin.

"Aalis ka nalang na wala ka man lang sasabihin sakin?" Galit niyang tanong.

"Bukas na tayo mag-usap kapag di na mainit ulo mo at di na rin ako lasing!" sagot ko sa kanya. Paano naman kasi nahihilo narin ako at di ko alam kung nasa tamang wisyo pa ko makipag-usap sa kanya, baka mamaya sa halip na magkaintindihan kami ay lalo pa kami mag-away.

"So, wala kang sasabihin sakin?" Muli niyang tanong.

"Hays!" Buntong hininga ko kasi mukangdi talaga siya papayag na ipagpabukas na.

"Michelle!" Galit na tawag niya sa pangalan ko.

'Okey fine, I am sorry!" Sabi ko para matapos na, ako na ang may kasalanan.

"So Sorry na lang?" Sarkastikong sabi niya.

"Ano bang gusto mong sabihin ko?" Naiirita ko na ring tanong.

"Sabihin mo sakin kung ano yung nakita ko kanina?" Bulyaw niya.

"Ano bang nakita mo kanina?" Sigaw ko na rin. Buti nalang tinted yung salamin ng kotse niya at di ako natatakot na makita kami ng mga tsismosang kapitbahay namin.

"Nakita ko kanina? Galit niyang tanong sabay tawa, "Haha... haha...!" Nakita ko lang naman na nakikipag duet ka lang naman sa Ex mo habang ang sweet-sweet ng voice mo! Ano nga yung kanta niyo? And inch by inch we grow closer and closer! Bakit di ka na kaya makipag balikan sa Ex mo!" Gigil na gigil na sabi ni Martin habang nanlilisik yung matang naka tingin sakin.

"Eh di makipagbalikan!" Mabilis ko namang sagot.

"MICHELLE!" Sigaw niya uli.

"Ano bang sinisigaw mo? Di ba sabi mo makipagbalikan ako ngayon nagagalit ka?" Pa-inosente kong tanong. Marahil dala na iyon ng kalasangin ko kaya pinatulan ko na siya.

"So, gusto mong makipagbalikan sa kanya?"

"Ikaw nagsabi niyan at di ako!" Irap ko sakanya at bumaling ako ng tingin sa may harapan habang naka cross yung dalawa kong kamay sa dibdib.

"Boom!" Tunog ng suntukin ni Martin yung manibela ng kotse niya, kaya agad akong napalingon sa direkyon niya. Naka tingin din siya sa harap habang naka kamit yung dalawa niyang kamay sa manibela na parra bang gusto niyang baliin ang mga iyon dahil sa higpit ng pagkakapit niya.

"Hay!" Muli kong buntong hininga. "Sorry na!" Sabi ko uli habang inaabot yung kamay niya para sana mahawaka ko iyo pero tinabig niya yung kamay ko.

"Ayoko ko ng makikipagkita ka pa sa mga barkada mo!"

"Bakit naman nadamay yung mga barkada ko?" Tanong ko, kasi di ko alam yung connection nung kay Christopher at sa away namin.

"Dahil gusto nilang magkabalikan kayo ng Christopher na yun!" Sigaw niya uli sakin.

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Mabuti pa talaga umuwi ka na muna at magpahinga, bukas na lang talaga tayo mag-usap para magka-intindihan tayo!"

"So, di mo kayang di makipagkita sa mga barkada mo?"

"Bakit ako di makikipagkita sa kanila? magkakaibigan kami since elementary days namin at kung tutuusin mas matagal ko silang kakilala kaysa sayo!" Galit ko ng sabi.

"So ipagpapalit mo yung fiance mo sa mga barkada mo?"

"Di yun sa pagapapalit kita, Intindihin mo naman Martin wala naman silang kinalaman sa problema nating dalawa, or sa problema mo kay Christopher."

"So ako lang ang may problema sa Ex mo, Ikaw wala?" Sarcastic niyang tanong.

"Alam mo si Christopher di naman yan kagaya ni Elena na nagkakadarapa pa sa kakahabol sa kanya dahil matagal ng kaming tapos, ay may maayos kaming closure!"

"Dahil may maayos kayong closure ibig sabihin wala na siyang gusto sayo!"

"Ikaw lang nag-iisip niyan Martin!" Sagot ko sa kanya na parang natatawa sa naiisip niya.

"Ako lang nag-iisip? Michelle lalaki ako at nakikita ko sa kilos niya na mahal ka parin niya kaya gusto kong umiwas ka sakanya!"

"Okey fine, iiwas na ko sa kanya para matapos yang sintemyent mo!"

"Pati sa barkada mo!"

"Di sila kasama!" Matigas kong sabi. Bakit niya idadamay yung mga kaibigan ko sa issue niya?

"Kung matino yang mga kaibigan mo di ka nila iiwan na kasama yung Ex mo na nag-iinuman!"

"Pinaliwanag ko na sayo kanina di ba? Si Anna at Nina ang kasama kong uminom. Sinagot lang ni Anna yung phone niya at si Nina naman nagpatulog sa anak niya kaya naiwan kami dun ni Christopher!"

"Basta, bawal na!"

"Pwedi ba Martin wag ka ngang unreasonable!"

"Paano ako naging unreasonable?"

"Eh bakit ikaw nakikipag-inuman ka kasama yung Ex mo din ah, di naman kita binawalan makipag gathering din sa mga barkada mo!"

"Magkaiba yun?"

"Paanong naging magkaiba? Dahil lalaki ka at ako babae?"

"Dahil nung nangyari yung sinama kita eh ako sinama mo ba ako?"

"Paano kita isasama eh ganyang ka?" Para na kong maiiyak.

"Anong meron sakin?"

"Ang hirap mong umintindi!" Diretso kong sagot, sabay bukas sa pinto pero di ko parin yun mabuksan. "Buksan mo at lalabas ako!" Naiyak na ko ng tuluyan pero nanatili lang siyang nakatingin sa muka ko na para bang pinag-aaralan niya yung reaction ko.

"Bukas na tayo mag-usap!" Muli kong sabi ng nanatili lang siya naka tingin sakin.

"So, ipagpapabukas natin yung problema natin?"

"Ganun din naman wala naman nangyayari sa pag-uusap natin dahil sarado naman yung utak mo sa mga paliwanag ko kaya wala din mangyayari at baka lalo lang tayo mag-away!"

"Hays!" Malakas na buntonghininga ni Martin at nanatili lang siyang naka tingin sa labas na parang nag-iisip at kung ano man yung naiisip niya siya lang ang nakaka-alam.

Nanatili lang kaming dalawang naka upo dun at walang nagsasalita. "Knock...knock...!" May kumatok sa bintana sa side ni Martin, kaya wala siyang nagawa kundi ibaba yung salamin.

"Bakit di pa kayo pumapasok na dalawa?" Tanong ni Mama na siya rin ang kumatok.

"Pababa na Ma!" Sagot ko nalang, marahil nagtataka sila kung bakit di kami sumunod ni Martin kay Mike.

"Di na po ako papasok, may gagawin pa po kasi ako!" Sabi ni Martin sabay bukas ng lock ng pintuan. Pagkarinig ko nun agad kong binuksan yung pinto at bumaba ng sasakyan.

"Oh siya Iho, mag-ingat ka sa pag-uwi!" Bilin ni Mama at bahagyang ng umatras ng makita na ko.

Wala na sana akong magpaalam kay Martin kaya lang andun si Mama kaya lumapit ako sa pwesto niya.

"Ingat ka sa pagda-drive! Usap tayo bukas!" Sabay halik ko sa pisingi niya, tumango lang siya bago isinara yung bintana ng kotse niya at tuluyan ng umalis.

Related Books

Popular novel hashtag