Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 172 - Chapter 200

Chapter 172 - Chapter 200

Habang hinihintay ko si Martin sa office niya ay inihanda ko na yung pagkaing dala ko para pagdating niya is maglunch na kami pero naiayos ko na ang lahat wala parin siya.

Sana naman bago lumamig yung food dumating na siya sabi ko sa isip ko habang naka abang sa may pintuan na bumukas.

Dahil sa tagal niya pinagmasdan ko munga yung bago niyang opisina na mas hamak na mas malaki kaysa sa dati niyang office pero yung motif the same parin black and gray siguro ganun talaga pag mga lalaki wala ng ibang kilalang kulay kundi gray at black.

Ang naiibang kulay lang ata sa office ni Martin is yung picture frame na nasa ibabaw ng office table niya kung saan makikita mo sa larawan yung pictue naming dalawa malang yun lang yung bagay na dinala niya from his old office.

Di ko tuloy maiwasang mapa tingin sa suot kong sing-sing bigla ko kasing naalala yung sinabi ni Elena na once na niyang nasuot yung sing-sing na ito.

"Ano iniisip mo?" Tanong ni Martin na nakabalik na pala.

"Wala naman!" Naka ngiti kong sagot.

"Wala eh bakit tinititigan mo yung sing-sing mo? Wag mong sabihing may balak kang isangla yan?" Pang-aasar niya sa akin habang umupo na sa tabi ko.

"Actually kaninang umaga naisip ko yun kaya lang nung sinabi ni Elena na family heirloom niyo ito bigla akong nahiya hehe...hehe...!"

"Sinabi niya sayo yun?" Nakataas na kilay na tanong ni Martin.

"Oo at sinabi niya rin sa akin na ibinigay mo rin daw sa kanya ito dati."

"Ah... pati pala yun sinabi niya sayo!"

"So... totoo?"

"Hmmm... binigay ko yan sa kanya nung hingin ko din yung kamay niya nung yayain ko siya magpakasal."

"Ah... buti sinule niya kasi kung ako ito di ko na isasauli noh, binigay mo na eh!"

"Haha.... Ewan ko sayo! Kain na tayo!" Yaya niya sa akin marahil nagutom narin siya kasi nga past one na di pa siya nag lunch.

"Okey!" Sabi ko naman habang inabot sa kanya yung pinggan at kutsara na dinala rin ni Yago kanina.

"Siya nga pala wag mo nalang isipin yung sinabi ni Lola."

"Okey lang yun sanay naman na ko sa kanya iniisip ko nalang yun ang way niya sa pagbati sa akin."

Naka ngiti kong sagot kay Martin habang nilagyan ko ng ulam yung pinggan niya.

"Thank you!" Bulong niya sa akin.

"Dahil nilagyan kita ng ulam, o dahil pinagdalhan kita ng pagkain, o dahil pumunta ako?"

"Thank you dahil pumunta ka at dinalhan mo ko ng pagkain at pinagsilbihan mo ko pero higit sa lahat thank you sa pagpapasensya mo kay Lola at kahit ginaganun ka niya di mo siya binabastos."

"Malapit na kaya maubos pasensya ko sa Lola mo!" Gusto ko sanang sabihin pero syempre hindi paano ko naman magagawang bastusin ang Lola niya kahit pa puro siya bulyaw di parin maitatangi na Lola siya ni Martin saka yun lang ang maisusukli ko sa kanya dahil sa mabuting pakikitungo rin niya sa pamilya ko.

Nginitian ko lang siya at di na ko nag comment sa sagot niya sa akin.

"Maganda ba yung office ko?"

"Okey lang." Sagot ko

"Okey lang ang tagal ko kaya itong pinag inisipan yung design nung bago kong office." Nagtatampo niyang sagot.

"Parang ganito rin naman yung dati mong kwarto wala naman pinagbago so anong pinag isipan mo dito?" Nagtataka kong tanong.

"Andito yung pinag-isapan ko!" Sabay hila sa akin papuntang sa may bandang dulo ng opisina niya kung saan may pinto.

Bumungad sa akin doon ay puting bedroom ibang iba sa kulay ng office niya.

Meron siyang modern design kung saan may king size bed, may maliit na sala, meron ding maliit na tokador at cabinet at lahat ng iyon kulay puti din.

"Nagustuhan mo?"

"Maganda!" Tanging nasagot ko pero sa isip ko parang ayaw kong pumasok baka madumihan.

"Okey lang kung madudumihan mo wag kang mag-alala di ikaw ang maglalaba." Sagoy ni Martin sa akin. Mukang nabasa niya yung iniisip ko.

"Tara!" Yaya niya sa akin sabay hila sa akin papasok para wala akong dahilang tumangi pa.

Dinala niya ko sa may harap ng cabinet ipinakita niya sa akin yung mga naka salansang mga damit doon na puro pambabae di ko maiwasang mapatingin sa kanya na pawang nagtatanong ako sa kanya pero walang salitang lumalabas sa bibig ko.

"Nilagyan kita ng damit dito para if ever gabihin ka dito or madumihan yung damit mo pwedi kang magbihis dito. Meron narin dito mga personal hygiene na kakailanganin mo kaya no need to bring any." Habang sinsabi niya sa akin iyon ay dinala niya ko sa loob ng banyo kung saan andun na nga yung mga bagay na kakailanganin mo parang nasa isang hotel ka lang na wala ng iisipin.

Ang kagandahan lang talaga dito sa kwarto niya is yung salamin na ding-ding kung saan tanaw na tanaw mo yung mga mas mababang building and establishment na nasa ibaba. Siguro maganda ito lalo na kung gabi sabi ko sa isip ko.

"Pahinga ka muna dito may tatapusin lang ako, tapos hatid na kita sa bahay niyo." Sabi ni Martin sa akin habang naka yakap sa akin.

"Sige!" Pag-sang ayon ko.

Dinampian niya muna ako ng halik sa labi bago niya ako iniwan. Kahit parang ayaw kong higaan yung kama dahil sa takot kong madumihan iyon pero dahil wala naman akong magawa habang hinihintay siya napilitan nalang ako humiga para kahit papano ay maka idlip.

Nagising na lang ako ng may maramdaman akong yumakap sa akin at kahit di ko mulat ang mata ko alam ko si Martin iyon base sa amoy niya at sa yakap niya sa akin.

"Tapos ka na?" Medyo inaatok ko pang tanong

"Hmmm... dinner muna tayo bago kita hatid."

"Anong oras na ba?" Tanong ko paano ba naman madilim na yung buong paligid.

"Mag-seven na ng gabi."

"Ah...wait lang hilamos muna ako!" Sabi ko sa kanya kaya bahagya ko siyang itinulak para sana maka alis na ko at makapunta sa banyo pero sa halip na luwagan niya ay lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.