Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 145 - Sly as a Fox 1

Chapter 145 - Sly as a Fox 1

"Di naman kaya mag-sawa ka kagad sa akin nun?" Tanong ko sakanya Iniisip ko palang magkasama na kami sa trabaho tapos magkasama pa kami after or kung maghihiwalay man kami ilang oras lang baka naman sa halip na lalo kaming ma-inlove sa isat'-isa eh magka umayan na kami nun.

Isa pa ayaw ko ng idea na nnsa isang work place lang kami malamang full of gossip ang mangyayari samin paano na lang kapag nag-away kami or may pinagtatalunan tapos asa office kami eh diba napaka awkward nun? Kaya nga ayaw kong makipag relasyon sa ka officemate ko dahil sa ganung sitwasyon tapos yung boyfriend ko ganun nag gustong mangyari.

"Bakit naman ako magsasawa sayo?" Tanong din niya sa akin at lalo akong kinabig papalapit sa kanya.

"Pano naman magkasama na tayo sa umaga tapos magkasama pa tayo sa gabi, pag uwi sa bahay malamang tatawagan mo pa ko eh di kaumay na yun!" Bigla kong nasabi yung opinyon ko.

"Bakit kasi yun ang iniisip mo dapat isipin mo lalo nating makikilala ang isa't-isa at mas madedevelop natin yung nararamdaman natin!" Sagot niya sa akin pero halata sa boses niya na di niya nagustuhan yung sagot ko sa kanya kanina.

"Wag na kasi, hayaan mo na ko sa trabaho ko!" Sabay tulak sa kanya ng bahagya feeling ko kasi sobrang lapit na naming dalawa baka magkapalit na kami ng muka.

"Michelle ha feeling ko parang ayaw mo na sakin!" Pagbabanta niya.

"Ang arte mo!" Sagot ko naman sabay irap sa kanya.

"Arte pala ah!" Sabay hila sa akin kaya muli akong sumubsob sa dibdib niya at para makaganti sa biglang paghila niya kinagat ko yung utong ng dede niya.

"Aray!"

"Haha...haha....!" Tawa ko paano ang mukang di niya inaasahan yung ginawa kong pag-atake. Hinihimas himas pa niya yung bahagi kung saan banda yung kinagad ko.

"Ikaw talaga napaka naughty mo na!" Reklamo niya at muli akong hinili.

"Ikaw naman para kang glue na gusto mo laging naka dikit sa akin." Pagrereklamo ko din pero naka sandal na ko sa dibdib niya.

"Kung pwedi nga lang talaga dumikit ka nalang sakin para lagi kitang nakikita at di na ko nag-aalala."

"Martin naman! Yung nangyari kahapon di natin yun inaasahan. May mga tao talagang di natin akalain na may masama sayong balak di natin yung kontrolado iyon."

"Alam ko naman Michelle pero ayaw ko ng mangyari yun."

Sabi sakin ni Martin habang hinawakan ang kamay ko at hinalikan

"Hon, di mo naman mapreprevent ang ganung bagay sa pamamagitan ng pagiging secretary ko or pag work ko sa company mo. Di naman pweding umikot lang ang mundo mo sakin."

"Wala namang problema dun kung umikot ang mundo ko sayo." Pagrereklamo niya at muli akong hinalikan sa pisngi.

"Martin... please!"

"I love you!" Sabi niya na lang sa akin para di na ko magalit Marahil nararamdaman niya na naiinis na ko.

"I love you too!" Tanging nasagot ko na lang. Ngiti lang ang itinugon niya sa akin pero punong puno yun nagpagmamahal kaya muli akong sumandal sa dibdib niya at ipinit ko ang aking mga mata.

Makalipas ng ilang oras nasa bahay na kami. Dahil nga Sabado nasa bahay si Papa samantalang yung magaling kong kapatid marahil nasa barkada nanaman niya dahil wala sa bahay.

"Hi Pa!" Bati ko kay Papa na siyang sumalubong sa amin sa pintuan.

"Kamusta ka?" Mahinang tanong ni Papa habang hinawakan ako sa dalawang balikat.

"Okey lang Pa! Wag ka na pong mag-alala!" Ngiti ko kay Papa.

"Magandang Tanghali po!" Bati ni Martin.

"Magandang Tanghali rin Martin, pasok kayo ng makakain na. Naghanda na si Mama mo ng pagkain sa lamesa."

"Ay si Mang Kanor, wait tawagin ko!" Babalik pa sana ako sa kotse ng pigilan ako ni Martin.

"Ako nalang tatawaga!"

"Sige, pasok kayo kagad ha!" Bilin ko kay Martin at tuluyan na kong pumasok. Nadatnan ko si Mama sa kusina na nag-aayos ng pagkain na naka yuko.

"Ma!" tawaga ko pero di siya lumingon sa akin. Kaya muli ko siyang tinawag.

"Ma!" Niyakap ko siya sa bandang likuran kasi di siya humaharap sa akin.

"Ma, okey lang ako wag ka na pong mag-alala! Wala pong masamang nagyari sa akin. Okey lang po ako!" Pag-aalo ko sa kanya marahil nasabi na ni Papa ang nangyari kaya umaarte ng ganun si Mama.

"Dahil okey ka di na kami dapat mag-alala ganun ba yung Michelle?" Sigaw ni Mama at tuluyan ng humarap sa akin at tumutulo ang luha. Bigla akong natigilan baka kasi bigla niya kong pukpukin ng sandok pero di parin ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya at nginitian ko siya ng ubod ng tamis.

"Di naman sa ganun Ma! Ayaw ko lang nag-iisip ka ng kung ano-ano baka mamaya mapano ka pa sa kakaisip mo! Tapos tutubo na yung ricles... tapos papanggit ka na.... tapos baka maghanap na si Papa ng bago.... tapos.....!

"TATAPUSIN KITA MAMAYA!" Bulyaw ni Mama sabay wasiwas ng sandok buti na lang at mas mabilis parin ako sa kanya kaya agad akong nakabitiw at naka layo.

"Grabe ka Ma.... haha... haha.. para akong aatakihin sayo sa puso!" Pagrereklamo ko habang hawak-hawak padin yung kumakabog kong dibdib. Muntikan na ko dun sa sandok niya kundi bukol ang noo ko kung nagkataon.

"GRABE! Ikaw diyan ang grabe! Lang hiya kang bata ka!" Sagot ni Mama na namumula na sa galit. Habang inilapag na yung sinandok niyang kanin sa lamesa.

"Haha... haha....!" Tanging tawa ko kasi kahit papano okey na si Mama.

"Ikaw inaasar mo nanaman si Tita!" Sabi ni Martin sa akin sabay pingot sa tenga ko.

"Aray!" Arte ko pero sa totoo naman di naman masakit yung pag-pingot ni Martin. Nag-iinarte lang ako.

"Umayos ka ng Michelle at nakakahiya sa bisita." Saway sakin ni Mama. I-nginuso ko na lang yung labi ko dahil mukang wala akong kakampi ngayon araw.

"Upo na kayo at kumain na!" Sabi ni Papa at kumuha ng malamig na tubig sa ref.

"Upo na po kayo Mang Kanor." Yaya ko kang Mang Kanor na nanatiling naka tayo na parang nahihiya pero di katagalan ay umupo narin.

"Oh... ikaw ano pang tinatayo mo diyan upo narin!" Yaya ko kay Martin na gusto rin magpapalit. Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang lagyan ng pagkain yung plato ko.