Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 134 - Happy 4th Monthsarry!

Chapter 134 - Happy 4th Monthsarry!

Mag nine na nga gabi ng dumating kami sa bahay, grabe yung traffic buti na lang sinunod ko si Martin at kumain muna ako kundi tirik nanaman ang mata ko sa gutom.

"Tara Kuya kain muna tayo!" Yaya ko kay Mang Kanor habang tinatanggal ko yung aking seat belt.

"Okey lang po ako Ma'am, busog pa naman po ako sa bahay na lang ako kakain." Tangi ni Mang Kanor sa akin.

"Malayo pa po biyahe mo gugutumi po kayo, ako nga gutom na! Tara na po!"

"Di na po, okey lang ako isa pa susunduin ko pa po si Sir Martin."Muling tanggi niya sa alok ko. Dahil ayaw niya talaga kahit anong pilit ko di ko nagpumulit.

"Sige po ingat na lang kayo sa biyahe!" Pagpapaalam ko sa kanya at tuluyan na kong lumabas.

Agad akong nag bless kay Mama na naghihintay sa akin sa may pintuan ng bahay namin.

"Di baba si Martin?"

"Si Mang Kanor po yun driver ni Martin may meeting po kasi siya kaya pinahatid na lang ako."

Paliwanag ko habang naghuhubad ng sapatos at tuluyan na kong pumasok sa bahay di ko na hinintay si Mama naiihi na kasi ako pero di ko kinalimutang mag bless kay Papa na nanunuod ng TV. Di ko ring kinalimutang batukan yung kapatid kong naka ngisi na parang aso.

"Lang pasalubong?" Habol sa akin ni Mike.

"Wag kang magulo naiihi ako baka ikaw ihian ko diyan!" Sabi ko sakanya habang hinagis ko sa upuan yung bag ko at tuluyan na kong pumasok sa banyo.

Paglabas ko nakita kong may kinakain na silang differeny brownies na may iba't ibang uri ng toppings.

"Saan yan galing?" Takang tanong ko habang dinadampot ko yung bag ko.

"Di galing sa boryfriend mo!" Sagot ni Mike habang punong-puno ang bibig sa kakain.

"Galing kay Martin?" Muling tanong ko kasi alam ko naka alis na si Mang Kanor bakit suddenly meron ng pasalubong.

"Bakit may iba ka pang boyfriend?" Tanong ni Papa.

"Si Papa naman!" Nguso ko paano ba naman inaasar nanaman ako.

"Bumalik yung driver ni Martin naka limutan daw niyang iabot yan sayo kanina pinabibigay daw yan ni Martin para sa min. Magpalit ka na ng damit habang iniinit ko yung pagkain mo." Pagtataboy sa akin ni Mama di na ko nagulat dahil dun kasi ganun naman talaga si Martin di niya kinaka lumutan yung pamilya ko.

Kaya umakyat na ko sa taas para kumuha ng damit ang ng makapag palit. Pag dating ko sa kwarto ko agad kong binuksan yung bag ko para kunin yung mga labahan at mailagay sa laundry basket pero laking gulat ko nung maghila ko sa pantalon ko may nalaglag na isang maliit na box doon na may naka taling pulang ribbon at may maliit na papel. Agad ko iyong dinampot pero laking gulat ko ng mabasa ko yung nakasulat.

"HAPPY 4TH MONTHSARRY!"

Bigla ako nagulat monthsarry ba namin ngayon tanong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa kalendaryo November 20 ngayon. Napaisip ako kailan ko nga ba sinagot si Martin? Nag-back read ako sa conversation namin ni Boss Helen sa cellphone ko kung kailan ako bumiyahe papuntang Laoag. Bumiyahe ako ng July 17 based sa conversation namin ni Boss. So ibig sabihin nagka kilala kami ni Martin ng araw na yun and after three days pinilit niya kong makipag relasyon sa kanya. Akalain mo four months na pala kami.

Bigla kong naalala yung time na binigyan niya ko ng bracelet alam ko August 20 din yun tapos nung sing-sing September 20 yung kwintas nung October 20 at ngayong November relo naman ang ibinigay niya sa akin. Ngayon ko lang naiisip na tinatandaan pala ni Martin yung monthsarry naming dalawa. Bigla tuloy akong nahiya paano parang wala pa ata akong ibinigay sa kanya tuwing mag monthsarry kaming dalawa ngi di ko naalala. Di naman kasi ako sentimental na tao alam ko ang ipinagdidiwang lang is yung anniversarry ganun naman kami ng Ex ko. Feeling ko ng OA yung nag celebrate ng buwan buwan di ko akalain na ganung type pala si Martin di ko tuloy mapigilang pamangit.

"Michelle malamig na yung pagkain mo!" Tawag ni Mama sa akin. Kaya ipinatong ko muna yung relo sa ibabaw ng kama ko at binitbit ko na yung pampalit ko at labahan pababa. Mabilis akong nag half bath at nagpalit ng damit para di tuluyang lumamig yung pagkain na inihanda ni Mama.

"Kamusta trabaho?" Tanong ni Papa sa akin at umupo na sa tapat ko habang inilapag yung natirang brownies sa lamesa.

"Okey namam po! Medyo nakaka pagod sa biyahe pero sulit naman!"

"Mabuti naman kung ganun! Mauna na ko sayo magpahinga at inaantok na ko!" Paalam ni Papa sa akin at tuluyan ng pumasok ng kwarto nila. Si Mama naman ay nagtutupi ng nilabhan niya sa may sala habang katabi parin si Mike na seryosong nanunuod.

Pagkatapos kong hugasan yung kinainan ko agad na kong umakyat sa taas para magpahinga narin sana dinatnan ko si Mama sa kwarto ko at hawak-hawak yung relong regalo sa akin ni Martin habang naka upo sa kama ko andun din yung mga tinuping damit ko malamang ilalagay niya sana yun sa aparador ko ng mapansin na yung regalo ni Martin sa kama.

"Mukang mamahalin ito anak ah! Hindi pa sobra-sobra na yung ibinibigay sayo ni Martin." Sabit ni Mama habang ibinabalik yung relo sa box niya.

"Oo nga po Ma eh! Kaya lang mapilit po kasi siya pero kung ayaw niyo pong tanggapin ko sasauli ko na lang po." Sagot ko at dinapot ko yung mga damit na nakapatong sa kama para ako na ang maglagay sa aparador ko.

"Hindi naman sa ganun anak kaya lang napaka galante talaga ni Martin satin baka isipin ng pamilya niya pineperahan lang natin siya!" Dahil sa sinabi ni Mama bigla kong naisip yung Lola ni Martin yung reksyon niya tungko sa akin.

"Hayaan mo Ma, kausapin ko po siya!"

"Hays wala naman akong masamang intensyon anak kaya lang kasi kanina nga narinig ko yung mga kapitbahay natin pinag-uusapan ka!" Malungkot na sabi ni Mama. Nagulat ako sa pahayag niya kaya agad akong napatingin kay Mama.

"Anong sabi nila?" Tanong ko habang umupo sa tabi niya.

"Grabe ka daw mga mayayaman lang daw na manliligaw yung pinapansin mo na puro lang daw de kotse napaghahalataan ka daw na muka kang pera at ambisyosa!"

"Sino nag sabi?"

"Si Esing!" Matipid na sagot ni Mama. Si Aling Esing yung kapitbahay namin. Naalala ko nanligaw sa akin noon ang anak niya pero binasted ko pero di dahil mahirap siya talagang di ko lang gusto yung anak niya.

"Wag mo ng pansinin yun Ma!" Pag-aalo ko kay Mama alam ko kasi dinidibdib niya iyon. Di kasi siya sanay sa mga ganun na pinag-uusapan kami ng mga kapitbahay namin kung pwedi lang kasi low profile lang ang gusto ni Mama kaya naiintindihan ko yung pinaghuhugutan niya.

Related Books

Popular novel hashtag