Chapter 120 - Present!!

Natutulog ako sa bus ng magising ako dahil sa pagtunog ng cellphone na nasa bulsa ng jacket ko.

"Hello?" Medyo paos ko pang sagot.

"Nagising kita?"

"Hmm..." Matipid kong sagot. Paano napaka haba ng araw kahapon sa dami ba naman nangyari tapos halos ayaw pang umuwi si Martin. Ang masaklap pa naka limutan kong out of town pala ako ng Monday at alas nuebe yung call time ko sa site. Kaya three pa lang ng madaling araw bumiyahe na ako paakyat ng Baguio kaya halos wala talaga akong tulog.

"Di ka pumasok?"

"Nasa biyahe na ko paakyat ng Baguio." Sagot ko kay Martin habang sumilip ako sa bintana para tinggnan kung asan na ko. Seven na ng umaga at nasa Panggasinan pa lang ako sana lang talaga umabot.

"Out of town ka?" Nagulat na tanong ni Martin sa akin. Mukang naka limutan ko yatang banggitin sa kanya.

"Oo di ko ba nasabi sayo?"

"Hindi!" Nagtatampo niyang sagot sakin.

"Sorry ang dami kasing nangyari nung week end kaya di ko na nabanggit. Bakit ka nga pala napatawag?"

"Nagtext ako sayo kanina eh, di ka nagreply kaya kala ko galit ka parin. Pupunta na nga sana ako sa office niyo if ever di ka parin saagot sa tawag ko."

"Ganun ba! Medyo mahimbing ata tulog ko di ko narinig."

"Di ka na galit?" Lambing niya sa akin.

"Di na po!" Lambing ko rin sa kanya habang umayos ako ng upo. Buti na lang wala akong katabi sa upuan kaya medyo kumportable yung tulog ko.

"I love you!"

"I love you too!" Simula nung nangyari kahapon naging sobrang lambing ni Martin as in sobra para na siyang bubble gum na naka dikit sakin at laging naka I love you at ang gusto kapag nagsabi siya ng ganun kailangan mag I love you too ka din dahil di ka niya titigilan hanggat di mo yun nasasabi.

Naiintindihan ko din naman siya paano nga naman muntik na kami maghiwalay kahit kasi cool off lang yung hinihingi ko if ever na pumayag siya malamang mauwi na talaga yung sa pag hihiwalayan. Kaya ngayon para humihingi siya ng assurance kaya lagi niyang sinasabing mahal niya ako.

"Di ako pumasok ngayon."

"Bakit?"

"Punta akong Laguna. Kakausapin ko si Elena."

"Hmm... okey! Nasa biyahe ka na?"

"Oo, On the way na ko!"

"Tumatawag ka sakin habang nag drive ka?" Sermon ko.

"Hindi si Kuya Kanor pinag drive ko kaya wag kang magalit."

"Kasama mo sa sasakyan si Kuya tapos I love you... I love you ka sakin?" Isa pa ito napaka PDA niya (Public Display of Affection) kung may pagkakataon laging naka yakap, naka akbay minsan naka halik pa Dyosko parang di nahihiya. Sabagay sa magulang ko nga di nahihiya sa ibang tao pa kaya.

"Bakit anong problema dun?"

"Ewan ko sayo!"

"Haha.... haha... malamang iniirapan mo nanaman ako."

"Buti alam mo!"

"Lalo kitang minamahal dahil diyan!"

"Corny mo! Sige na matutulog pa uli ako!"

"Sige na! Ingat ka diyan tawagan tayo mamayang gabi!"

"Hmmm... ikaw din ingat ha!"

"Opo... I love you!"

"Bye!" Sabay baba ko sa phone pero wala pang isang minuto muli siyang tumatawag at try ko siyang ignore pero di talaga tumitigil nung sa pangatlong tawag niya sinagot ko na.

"Bakit?" Sindak ko sa kanya pero alam ko na sasabihin niya.

"Di ka pa nag a-I love you sakin!"

"Nagsabi na ko sayo kanina ah!"

"Iba yun!"

"Anong pinagkaiba nun? Parehas lang yung I love you?" Pang-uurat ko sa kanya.

"Basta magkaiba yun."

"Bahala ka diyan!" Ibaba ko na sana uli ng marinig ko yung pagbabanta niya sa kabilang linya.

"Pupunta akong Baguio pag di mo ko pinagbigyan."

"Baliw haha..haha...!"

"Seryoso ako sasabihin ko na kay Mang Kanor."

"Bahala ka diyan!"

"Michelle!"

"PRESENT!"

Sagot ko habang natatawa sa kanya. Di ko kasi ma imagine yung itsura niya malamang naka kunot nanaman yung noo niya habang pigang-piga nanaman yung cellphone sa gigil niya buti na lang mamahalin yung cellphone na gamit niya kundi baka nadurog na.

"Honey naman eh pinagtitripan mo nanaman ako!"

"Anong pinagsasabi mo? Wala naman akong ginagawa sayo. Sige na gusto ko pa matulog!"

"Di ko ito ibaba hanggat di mo ko sinasabihang I love you."

"Di ako magbaba!" Paghahamon ko naman.

"Tatawag ako uli!"

"Papatayin ko yung cellphone ko!"

"Pupunta ako diyan!"

"Haha... haha... Sige wait kita!"

"Sige punta talaga ako diyan." "Kuya Baguio tayo!" Narinig kong sabi ni Martin malamang si Mang Kanor yun kausap niya.

"Kala ko po Laguna tayo?"

"May matigas na ulo dun sa Baguio na kailangan turuan!" Talagang di pa niya pinapatay yung cellphone at hinahayaan niya kong pakinggan yung pag-uusap nila ni Mang Kanor para malaman ko na seryoso siya.

"Martin!"

"Bakit?" Mabilis naman niyang sagot malamang habang nag-uusap sila ni Kuya nasa tenga parin niya yung cellphone at pinakikingan kung magsasalita ako.

"I love you!" Mabilis kong sagot sabay patay sa cellphone ko.

Bumibilis yung tibok ng puso ko kaya di ko mapigilang ilagay dun yung dalawa kong palad habang hawak-hawak ko yung cellphone ko. Para akong batang kinikilig. Paglingon ko sa kabilang upuan opposite sa kinauupuan ko nakita kong may babaeng matanda doong naka upo at naka tingin sa akin. Bigla tuloy akong nahiya kasi alam ko narinig niya yung usapan namin ni Martin at ang pagsasabi ko ng "I love you!" kaya di ko maiwasang ngitian siya na sinuklian naman niya ko ng ngiti. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana pero kitang kita sa repleksyon ko ang pamumula mg dalawa kong pisngi.

"Ting!" Tunog ng cellphone ko si Martin iyon.

"Di na ko tutuloy diyan sa Baguio narinig ko na yung mahiwagang salita. Tawagan kita uli mamayang gabi ha! Ingat ka diyan and I love you more!"

Napa buntunghininga ako sabay kagat sa labi kung ordinaryong tao lang sana siya eh di sana di gaanong kumplekado ang lahat.

Di na ko nagreply para matapos yung usapan namin kasi pag sumagot ako malamang magrereply uli siya at magpapa ulit ulit lang yung cycle.

Nasa bahagi na ng paakyat ng Baguio yung bus makikita mo na yung makapal na fog dahil umulan kanina kaya medyo basa pa yung daan at ramdam na ramdam mo yung lamig na. Sana pwedi kaming magbakasyon ni Martin dito bigla kong nasabi sa sarili ko sabagay malay natin sa susunod pweding magkasama kaming umakyat.