Chereads / Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 67 - Meeting with Parents

Chapter 67 - Meeting with Parents

"Ano bang kaguluhan yan Edna?"

"Kausapin mo yang anak mo na yan, Aba'y hinatid ng lalaki tapos inakbayan tapos hinalikan pa sa noo. Aba ang sabi di pa daw niya boyfreind at pumapayad na siyang maisahan kagad."Sabi ni Mama habang umuusok ang ilong.

"Si Mama naman ang ingay akala mo na rape na si ate!" Raklamo narin ni Mike na nasa hagdan.

"Bunga-nga mo Mike, Wag kang sumasagot diyan baka pati ikaw madamay!" Pagbabanta ni Mama.

"Ma... di naman ganun yun si Martin gusto nga sanang pumasok pa nung tao dito kaya lang gabi na. Nag overtime pa kasi ako kaya ginabi kami. Tingnan mo nga oh nag effort pang dalhan ka ng pasalubong." Pag-aalo ko kasi pag di ko napakalma si Mama malamang hanggang umaga itong gulo.

"Ano ba yang dala niya?" Tanong ni Papa sabay abot sa paper bag.

"Aba may wine.... saka mag tea at food supplement." Sabi Papa habang inisa isa ang laman nung bag.

"Mukang big time manliligaw mo Ate ah. Mahal yung alak na ganito eh!" Naki sali narin si Mike para tingnan yung binigay ni Martin.

"Sa tingin ko mayaman, ang lambot ng kamay eh parang di nagtatrabaho ng mabigat saka ang ganda ng kotse."

"Talaga Ma!" Namimilog na sabi ni Mike.

"May sports car ba siya ate? Kapag meron sabihin mo pahiramin ako ha!" Pagmamaka awa sa akin ni Mike.

"Ewan ko sayo!" Sabay batok sa ulo ng kapatid ko.

"Tulog na po ako!" Sabi ko naman kay Mama at Papa habang nagdahan dahan na kong paakyat sa hagdan.

"Dahil mo uli yung lalaki na yun dito ha! Gusto namin siyang makilala!" Firm na sabi ni Papa.

"Opo!" Agad kong sagot. Iba kasi si Papa pag siya na ang nag salita obligado kaming sumunod.

Kaya wala akong choice kung pabalikin si Martin bukas kundi naku di ako makakapasok ng isang buwan dahil tiyak ikukulong ako ni Papa sa kwarto kahit sa tanda kong ito.

Wala siyang paki kahit may work ako or may importante akong gagawin basta pag sinabi niyang grounded ka grounded ka at wala kang magagawa kahit umiyak ka pa ng dugo at magmaka awa.

Di kagaya kay Mama mahampas ka lang niya ng isang beses okey na kayo.

Pag dating ko sa kwarto agad kong naisip na i-text si Martin kaya lang naisip ko baka nasa biyahe pa siya kaya naghilamos muna ako at nagpalit ng damit.

Naka suot ako ng spaghetti strap na damit at pajama ng mapansin ko yung kiss mark na ginawa ni Martin kanina.

"Hays!"

Butong hininga ko pano kanina nga ng inakbayan ako ni Martin at hinalikan sa noo gusto na kong hampasin ng nanay ko ng walis eh baka pag nakita niya itong kiss mark ko baka solid na tubo na ang ipalo sa akin. Kaya mabilis akong nagpalit ng close neck na t-shirt.

Pag higa ko sa kama agad kong kinuha yung cellphone ko at hinanap yung number na ginamit ni Martin sa pagtawag sa akin kanina. Agad ko siyang tinext.

"Nakauwi ka na?"

Lumipas ang ilang minuto bago siya nag reply.

"Driving pa! Bakit miss mo na ko?"

"Hindi! Sige bukas nalang, Ingat ka! Good night!"

Ayaw ko naman kasi siyang istorbohin habang nag drive kaya bukas ko nalang sa kanya sasabihin.

Maya-maya tumunog uli yung cellphone ko.

"Good night!"

Nakasulat sa reply niya sa akin. Muli ko na sanang ibabalik yung cellphone sa side table ng muli itong tumunog.

"I miss you!"

Napangiti nalang ako pero di na ko nag reply hanggang sa makatulog na ko.

-----------

"Good Morning Ma!" Halik ko kay Mama nung paglapit ko sa may lamesa para kumain ng almusal. Agad akong umupo sa pwesto ko. Maya maya sumunod narin si Papa at Mike.

"Morning Pa!" Masigla ko ding bati.

"Morning!" Sagot naman ni Papa sa akin.

"Wow ang ganda ng mga rosas na yan! Pahinge ako Ma kahit isa lang!"

Narinig kong sabi ni Mike, Doon ko napansin na bitbit ni Mama na flower base na may lamang pulang mga rosas inilagay niya iyon sa center table namin sa sala. Yun yung ibinigay sa akin ni Martin kahapon dahil nga sa kakaiwas ko nakalimutan ko na yun. Buti na lang inayos ni Mama dahil sayang naman kung nasira.

"Tumigil ka nga Mike, mahiya ka naman sa nililigawan mo bibigyan mo ng rosas na galing sa manililigaw ng ate mo." Saway ni Mama sabay lapit narin sa lamesa at umupo para kumain.

"Tawag dun recycle! Di ba Ate!" Sabay kindat sa akin.

"Ewan ko sayo! Mag-ipon ka kasi ng meron ka naman pambiling bulaklak sa nililigawan mo o kaya mag part time job ka o kaya mas magandang option wag ka na munang manligaw dahil wala ka naman isusuporta!" Mahaba kong salaysay sa kapatid ko.

"Yun na lang yung inspirasyon ko Ate para matapos itong course ko na puro numero kaya pag bigyan mo na ko!" Pagmamaktol ni Mike.

"Kumain na nga kayong dalawa at anong oras na." Saway ni Mama sa aming dalawa na nagbabangayan. Kaya agad kaming tumahimik at muling kumain. Patapos na kaming kumain ng mag salita si Papa.

"Magluto ka ng masarap mamaya Edna ha, para sa bisita."

"Oo, paulit-ulit ka naman mamalengke na nga ako pag alis niyo para mailaga na yung baka para siguradong malambot."

"Masarap pala ulam natin mamaya, Ate sabihin mo yung sports car dalhin niya mamaya ha!"

"Mamaya bilhan kita sport car yung pula kapag puro A yung grade mo!"

Pagbibiro habang kinuha ko na yung bag ko at tuluyang lumabas. Alam ko naman malabo maka perfect si Mike di dahil mahina siya talaga lang mahirap yung course niya. Dahil dun di na siya sumagot at tuluyan na ring lumabas. Pero sympre di ko nakalimutang kiss at mag paalam kay Mama.

"Siguraduhin mong pupunta dito yung boyfriend mo kung ayaw mong makulong ng wala sa oras. Sabihin mo like siyang ma-meet ng Papa mo at wag matakot di naman siya sasaktan."

"Mas nerbyosa ka pa sa akin Ma!"

"Basta siguraduhin mo na pupunta siya!"

"Opo! Bye!" Pagpuputok ko sa sinasabi ni Mama saka na ko tuluyang sumakay ng sasakyan ni Papa.

"Michelle, maaga kayo mamaya ha. Dito na kayo sa bahay mag dinner."

"Opo Pa!" Matipid kong sagot sa paalala ni Papa.

Related Books

Popular novel hashtag