Chereads / The Untold Story Of Maria (Tagalog Novel) / Chapter 4 - CHAPTER 4- TOTI'S FEELING

Chapter 4 - CHAPTER 4- TOTI'S FEELING

AN: Maraming salamat nga po pala sa mga nag-aabang sa story ni Maria. ;) sobrang thank you at sa mga silent reader ko.

------------------------------------------------------------------------------------

Maria P.O.V

Halos isang buwan na ang nakalipas simula ang pananakit sa akin ni Kiko, na nagdulot ng mga pasa sa ilang parte ng katawan ko. Nandito na ulit ako sa club para muling magtrabaho. Magaling na ang mga pasa ko dahil sa bahay nila Kiko ako ginagamot ng private doctor nila.

"Day, ano ok lang ba ngayon?" Malungkot na bati sa akin ni bakla. Alam kasi n'ya ang buhay ko sa piling ni Kiko. "Nga pala may lalaki na naghahanap sayo dito, ang gwapo pa naman niya."

Natigilan naman ako sa pagmamake-up sa mukha ko at tiningnan ko siya.

"T-talaga? Anong sabi n'ya?" Sagot ko lang at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Hmm... Sabi ko na sa bakasyon ka at matatagalan ang pag-balik mo," sagot ni bakla habang busy sa cellphone niya. "Hinihingi niya nga ang number mo, sabi ko wala kang cellphone."

Huminto lang ako sandali sa ginagawa ko at sandaling napaisip.

"Sana huwag na siyang bumalik baka mapahamak lang siya kapag nakita siya ulit ni Kiko." nalulungkot na saad ko, kasi malakas ang pakiramdam ko na si Toti ang naghahanap sa akin. At kahit alam ko sa sarili ko na gusto ko rin siyang makita.

"Oo nga." sagot lang ni Bakla.

"Wala pa ko sa mood. Hindi ko trip na sumayaw ngayon." sambit ko habang nakaupo lang ako sarap ng salamin at nag-iisip ng kung anu-ano. Bigla kong naalala ang mga magulang ko sa probinsya. Kamusta na kaya sila?

"Uy, bakla patawag nga ako sayo tatawagan ko lang magulang ko," kalabit ko sa kanya kasi busy makipag-chat.

"Sandali lang sis, tapusin ko lang convo namin." Sagot nito.

Ilang beses na kasi akong nagkaroon ng cellphone pero laging sinisira ni Kiko. Kahit saan ko itago nakikita niya ayaw niyang mag-cellphone ako dahil kung sino-sino daw ang tumatawag sa akin, at ayaw niyang malaman na kinukuntak ko ang magulang ko. Pwede ba 'yun? Inaasahan ako do'n, ang alam nila nakapag-asawa ako ng negosyante. Pero hindi lang nila alam na impyerno ang naging buhay ko dito.

"Maria! Maria! Nasaan ka na bang babae ka!"

Napatayo ako agad nang marinig ko ang boses ni Momshie, ang mama ni Kiko.

"Nandito ka lang pala lumabas kana at maraming naghihintay sa pagsasayaw mo." singhal nito sa akin habang nanlalaki ang mga mata.

"A-ah.. K-kasi po. Ayokong sumayaw ngayon" sagot ko na may halong kaba. Kasi wala naman talaga akong ganang sumayaw ngayon.

"Ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Lapit nito nang husto sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"A-ayoko pong sumayaw ngayon wala po akong gana." Sagot ko dito pero hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya.

"Ah, ganon? Wala kang gana. Ito baka  ganahan kana!"

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong sampalin nang magkabilaan. Napatayo naman bigla si bakla.

"Ano? Hindi ka sasayaw ha!? Hindi porke't gusto ka ng anak ko eh, aasta ka na lang na prinsesa. Para sabihin ko sayo. KUNG HINDI DAHIL SA ANAK KO! MALAMANG PINAGSAWAAN KANA NG KUNG SINO-SINONG LALAKI 'YANG KATAWAN MO!" Pagpapatuloy pa nito at talagang pinagkakadiinan pa niya ang bawat salitang binitawan niya. Pakiramdam ko durug-durog na ang pagkatao sa panghahamak sa akin nang mama ni Kiko.

Nangingilid ang luha na tumakbo ako palabas ng pintuan palabas ng dressing room. Kahit dinig na dinig ko ang sigaw at tawag sa akin nang mama ni Kiko hindi ko pinansin. Paglabas ko ng club wala akong pake kahit sexy ang suot ako, gusto ko lang sumagap ng hangin ngayon.

Pero nagulat ako nang may humatak sa kamay ko at bigla na lang n'ya akong niyakap nang mahigpit. Kahit hindi ko pa nakikilala ang yumakap sa akin pakiramdam ko nang lambot ang tuhod ko. Kasi alam mo 'yung pakiramdam na kailangan mo ng yakap dahil sa hirap na pinagdaraanan mo. Kusa akong yumakap at binuhos ko ang luha na kanina pa gustong kumawala.

Limang minuto rin tumagal ang yakap na 'yon kusa na akong bumitiw. Tiningala ko siya at ganon na lang ang pasasalamat ko dahil si Toti pala.

"Sige lang yumakap ka lang sa akin" nakangiting sambit niya.

Ewan pero bigla akong natawa at kinurot ko siya sa tagiliran nya.

"Aray! Bakit mo ko kinurot?" Salubong ang kilay na wika nito.

"Eh ikaw, sumisimply ka na d'yan" Nangingiting wika ko sa kanya habang titig na titig sa mga mata niyang nakakatunaw kung tumingin.

"I know na gwapo ako at nakakasawa ng marinig at mabasa sa mga mata ng babae 'yan." mayabang na natatawa niyang salita habang umiiling-iling pa.

"Yabang mo rin noh?" Tawang sagot ko sabay pahid sa mata ko na may luha pa.

"Huwag ka ng umiyak tara sama ka sa akin," nakangiting aya niya sa akin.

"Saan naman? Baka naman tirahin mo lang ako." sagot ko naman at  natawa naman siya bigla sa sinabi ko.

"What? Alam mo nakakatuwa ka talaga at bagay na bagay ang pangalan mo sayo." natatawang wika niya.

Naunawaan ko naman agad kaya napangiti ako. Kasi nga Maria ang pangalan ko syempre si Maria mabait, mahinhin at simply. Lalong hindi bulgaran at bastos magsalita. Pero ako ang lahat ng kabaligtaran ni Maria.

"Huwag na lang kahit gusto ko baka kasi..." Bitin ko sa sabihin ko kasi baka hanapin ako ni Kiko yari na naman ako.

"Come on, sandali lang tayo. At sisiguraduhin ko na paliligayahin kita." nakangiting kindat nito sa akin.

"Ayan. Ayan na ang sinasabi ko eh. May balak ka talaga sa akin." Natatawang biro ko sa kanya. Alam ko at ramdam ko na  kapag siya ang kasama ko alam ko safe ako, 'yun ang nararamdaman ko.

Sumama parin ako sa kanya kahit alam kong delikado ang ginawa ko. At ang hindi ko alam sa pagpasok ko ng kotse ni Toti may matang palihim na nakatingin sa amin.

"Saan mo ba ako dadalhin? Sa maligaya store ba?" Salita ko habang ang mata ko nasa kalsada nakatingin.

"Haha, loko ka din ah. Hindi pa sa ngayon saka na magpapalakas mo na ako baka kasi hindi kita kayanin at kulangin ako sa round natin." Natatawang bigkas niya.

Hinampas ko siya ng mahina sa balikat. Kalahating oras siguro kaming na sa biyahe at huminto kami sa isang napakalaking bahay at ang ganda sobra. Mansion na ata ito.

"Bahay niyo?" Mahinang sambit ko. Tumango naman siya.

Bumukas ang napakalaking gate na kulay chocolate may tatlong guard sa loob na nakabantay sa gate. Mayaman pala sya..

Pagpasok namin sa loob mas lalo akong humanga. Napakalawak ng space at may fountain sa pinakagitna. Sa mga gilid may mga puno at iba't-ibang tanim ng mga halaman at mga bulaklak. Napansin ko sa pinaka-dulo may malaking tree house na kulay chocolate rin ang kulay nang kahoy na pinaghalong green ang kulay nito.

Hindi ko namalayan na lumabas na pala si Toti ng kotse niya.

"Tara na sa loob," Nagulat pa ako ng sumungaw ang mukha niya sa bintana ng kotse.

Nakasunod lang ako sa pagpasok sa loob at manghang-mangha ako sa mga nakikita ko. Yung mga antique nilang mga dekorasyon mukhang mamahalin at pati ang mga ilaw na nakasabit sa kisame ang gaganda nagkikislapan siya kapag gumagalaw.

"Napakaganda naman ng bahay niyo" Bulalas ko kahit busy ang mga mata ko sa kakatingin sa mga nandito sa loob. Sa may sala ang laki tapos 'yung t.v halos kasing laki ko na ata.

Pati 'yung mga sopa parang 'kay sarap tumalon-talon doon dahil sa tingin ko sobrang lambot nito.

"Hello po, Mam."

Nagulat ako ng may bumati sa akin na Mam. First time ko marinig ang ganon kaya alanganin na napangiti ko dahil bigla ako nakaramdam ng saya.

"S-salamat ah," sagot ko lang at nagtataka naman ang bumalatay sa mukha nito. Pero ngumiti rin naman ulit sa akin.

"Mam na sa kitchen po Sir, Toti. Hinihintay niya kayo." Wika nito sa akin.

Tumango lang ako, naiwan na ako ni Toti kasi busy ako sa kakatingin ng mga gamit sa loob. Mukhang mas mayaman pa ata si Toti kaysa kay Kiko.

"Hala! Nasaan na ba ako?" Mahinang sambit ko. Puro pintuan na tong nakikita ko. Mahabang pasilyo na ang nalakaran ko at puro pintuan pa.

Binuksan ko ang unang pinto at pumasok do'n pero medyo madilim.

"Toti? Uy nasaan kaba?" Napapakamot na ako sa ulo ko ng biglang may kumabig sa akin at niyapos ako mula sa likod ko.

"Nandito ka lang pala akala ko iniwan mo na ako."

Natigilan ako dahil nag-init ang katawan ko sa pagkakadikit nang katawan namin.

"T-toti, naligaw  kasi ako ang laki sobra ng bahay niyo." Pasimply na lumalayo ako sa kanya oero ayaw niyang bumitaw.

"Maria," Mahinang sambit niya na nakapagpataas ng balahibo ko sa buong katawan.

"Hmm, bakit? Halika na lumabas na tayo." sagot ko habang pinipigilan ko ang kakaibang nararamdaman ko.

"Dito ka na lang sa tabi ko,"

Natulala ako sa sinabi niya at hindi agad ako napagsalita.