AN: Lubos na nagpapasalamat po ako sa mga nag-aabang 'kay Maria. ;) love you all at sana'y makasama ko kayo hanggang sa huli.
-----------------------------------------------------------------------------
Maria P.O.V
Hindi ko malaman kung paano ako magre-react sa sinabi ni Toti sa akin. Ngayon lang kasi may nagpakita ng pagpapahalaga sa akin lalo na ang mga lalaki, tingin nila sa akin ay isang mababang uri na babae at isang parausan.
"Maria," muli niyang bulong sa may punong tenga ko.
Naghatid ng ibayong kaba sa dib-dib ko dahil sa tono ng pagkakasabi ni Tito sa akin.
"T-toti, hindi pwede. M-may nagmamay-ari na sa akin." Malungkot kong sagot kahit pa kabaligtaran ang gusto kong sabihin. Dahil hindi ko rin alam kong ano ba ang nararamdaman ko talaga.
"Come on, Maria. Alam kung hindi ka masaya sa gago na 'yun sinasaktan ka lang niya."
Pigil ang luhang nagbabadya na namang pumatak. Kung alam mo lang Toti, kung gaano ko na kagustong makalaya sa mga kamay ni Kiko. Hawak nya ang mga magulang ko kaya kunting pagkakamali ko lang mamatay sila.
"Uuwi na ako, mali ito. Baka kapag malaman pa ito ni Kiko pati ikaw ay madadamay." Kumalas na ako sa kanya at lumabas na ng pinto.
"Maria, gaano ba kalaki ang utang mo sa kanya? Babayaran ko kahit tatlong patong pa o kahit magkano pa 'yan." Narinig ko pa na salita ni Toti sa likuran ko habang naglalakad ako.
Pero hindi ako sumagot at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko.
Nandito na ako sa labas nang bahay nila Toti at hinihintay ko siya dito para maihatid niya na ako sa club.
Malungkot ang itsura ang nakita ko sa mukha ni Toti habang naglalakad ito papalapit sa akin. Wala naman akong magawa, alam kong mabuti siyang tao dahil 'yun ang nararamdaman ko.
Sakay nang mamahalin niyang kotse na hindi ko alam kung anong tawag doon. Tahimik naming binabagtas ang daan pabalik sa club.
"Sorry, kung--" Salita ko pero di ko natuloy.
"Ok lang, Maria. Pero kapag kailangan mo ang tulong ko tawagan mo lang ako sa number na 'yan."
Napatingin naman ako sa maliit na calling card na inabot niya sa akin.
"Eh, paano kita matatawagan wala naman ako'ng cellphone." Napakamot ako sa ulo. Napakunot naman ang noo niya sa akin.
"Ganon ba, ito na lang cellphone ko bibili ako ulit ng bago." Sabay abot niya sa akin ng Iphone ata 'yun.
"Naku! Huwag na Toti, ayoko." Todo tanggi ko sa kanya.
"Pero bakit? Come on, take it Maria." Pinipilit n'yang abot sa akin pero talagang hindi ko kinuha.
"Hindi naman sa ayaw ko pero, masisira lang din 'yan. Sayang lang." Nagtataka naman ang mukha niyang nakatitig sa akin.
"Bakit naman masisira agad? Hindi ka ba maingat sa gamit at--"
"Ayaw ni Kiko." puutol ko sa sabihin niya pa. Natigilan naman na siya at napahampas sa manibela.
"Tarantado talaga ang Kiko na 'yan." Nakakuyom ang kamao na sambit nito.
Tahimik na kaming muli hanggang sa makarating na kami sa club. Six na ng umaga at alam kong wala ng gaanong tao sa club. Tahimik na tinanggal ko ang seat belt ko at binuksan ang pinto nang kotse.
"Maria, mag-iingat ka palagi." Malungkot na paalam nito gustuhin ko mang bumalik sa loob nang kotse at yakapin si Toti hindi ko na ginawa. Hangga't maaari kailangan kong pigilan ang damdamin ko.
Habang naglalakad ako pa-simply na lumilinga ako sa paligid dahil baka may makakita sa akin sa mga tauhan ni Kiko. Nang makita ko na safe naman nakahinga na ako ng maluwag.
Pagpasok ko sa loob nang bar nagitla ako ng may humatak sa akin bigla.
"K-kiko!" Nanlalaki ang mata na bulalas ko. Hindi ko inasahan na makikita ko siya ngayong umaga.
"Saan ka nanggaling?" Matigas ang boses na tanong nito habang mahigpit ang pagkakapit niya sa braso ko.
"Sa-salabas lang," kinakabahan na sagot ko, pinakatitigan niya ako ng mabuti. Pakiusap po sana maniwala sya.
Matagal na tiningnan niya lang ako, marahil iniisip niya kung nagsasabi ako ng totoo. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.
"Sige, magbihis ka. Sasama ka sa akin."
Nalilito man kung saan niya ako dadalhin hindi ko na pinansin. Nagmamadali naman ako'ng tumakbo sa kwarto ko dito sa loob nang bar.
"Oh? Para kang hinahabol ng monster ah?"
Natatawang salubong ni wika ni bakla sa akin sa may pasilyo bago lumiko sa kwarto ko.
"Monster talaga! Kailan kaya yan mamatay?" Inis kung turan. Matagal ko ng pinapanalangin na mamatay na 'yang si Kiko, pero may sa pusa ata 'yun. Ilang beses nang nadisgrasya at nabaril buhay parin.
Naiiling na lang ako at dumiretso na sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong susuotin ko kasi wala naman siyang sinabi kung saan kami pupunta. Isang fitted jeans at black na sleeve na mahaba ang likuran at tinernuhan ko ito ng high heels na silver. Nag-make up ako ng light lang, parang kung titingan ako larawan ako ng isang simply na babae 'yung may normal lang na buhay. Pero ang totoo impyerno ang totoong buhay ko.
Lumabas na ako at pinuntahan ko na si Kiko, tumingin lang siya sa akin at sumenyas na sumakay ako sa kotse sa labas.
Wala akong alam kung saan ako dadalhin ni Kiko kasi kalimitan niya akong dinadala sa mga business nila. Hindi ko naman alam kung ano 'yun dahil wala naman akong alam sa mga ganyan at isa pa wala ako'ng pake sa hanap buhay niya.
Hanggang sa huminto na kami sa isang malawak na lugar. Ngayon ko lang napansin dahil abala ang isip ko sa kung anu-ano. Pansin ko ang malaking ano.... A-ano ba to bakit ganito? Parang mga katulad sa mga pabrika itong lugar. Pero ang daming mga lalaki na nakapalibot kung saan saan at may mga dala-dalang mga iba't ibang klase na baril.
"Teka Kiko, nasaan ba tayo?" Tanong ko. Kinabahan kasi ako sa itsura nang lugar at mga taong nandito. Parang 'yung mga napapanood ko sa mga horror movie na lumang bodega. Pero hindi man lang ako tinapunan nang tingin ni Kiko. Bumaba na siya at sumunod na 'din ako sa kanya.
"Boss, nandito na po sila Mr. Ligazpi at Mr. Shin kasama sila Adam pati na rin si Lawi."
Narinig kong bati sa kanya nang lalaki na sumalubong sa amin, si Jeff. Ang tapat na tauhan ni Kiko.
Tumango naman si Kiko at nagsindi ng sigarilyo mula sa bulsa ng pantalon niya.
Malikot ang mata na nagmamasid ako, katulad talaga ito ng mga lumang bodega. Dahil ang ibang parte dito ay mga luma na, mga kinakalawang na rin ang ibang mga bakal. Pati ang mga pitura na kulay puti na may linya na itim bakbak na rin. Hindi naman siya ganon kadumi dito dahil halatang nililinis ito pero hindi mo maiiwasan na hindi mag-isip ng hindi maganda kapag ganito ang itsura ng lugar. Pagpasok namin sa loob mas maraming lalaki dito at...
"Huwag! Ahhhh..."
Napalingon ako at hinanap ang boses na narinig ko pagpasok ko sa pinto. Ganon na lang ang pagtibok ng puso ko sa narinig ko na sigaw nang isang babae.
Pagpasok namin sa pinaka-loob nanlaki ang mga mata ko. Napaatras ako imbis na pumasok ng tuluyan sa loob pero hinatak ako ni Kiko.
"Saan ka naman pupunta?" Salubong ang kilay na tanong nito sa akin.
"A-ayoko pumasok diyan Kiko." Todo iling ko. Habang naiiyak dahil sa mga nakikita ko dahil pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko.
"Bakit ayaw mo? Huwag ka ngang maarte diyan! Dapat mo nga 'tong makita ng pumasok d'yan sa isip mo kung ano ang dapat mangyayari sana sayo kung hindi kita kinuha." Nakangising sagot niya sa akin.
Halos mapatakip ako sa bibig ko at gusto ko na lang pumikit. Dahil akala mo munting lupa itong loob dahil sa napakaraming kulungan sa loob. At puro babae ang laman ng kulungan at lahat sila mga nakahubad. May nag-iiyak sa gilid.
Meron namang sa pagitan nang hita nito 'ay nagdurugo na, yung isa naman akala mo wala ng buhay dahil nakabulagta ito sa sahig. Tapos may naririnig pa akong nag-sisigaw na babae. Hindi ko na halos magawang ihakbang ang mga paa ko dahil sa kalunos-lunos na nangyari sa mga babaeng nandito ngayon.
Hindi ko sila halos sila magawang tingnan dahil pakiradam ko lahat sila kapag nakatingin sa akin humihingi sila ng tulong sa akin.
Nakayuko ako habang sumusunod sa nilalakaran ni Kiko. Hanggang sa makarating kami sa loob ng isang private room at may malaking lamesa sa pinaka-gitna. Mukhang may meeting na magaganap dito.
May limang lalaki na nakaupo at sa itsura nila mukhang mayayamang tao. Pero 'yung dalawa matanda na siguro mga na sa sixty plus at 'yung iba naman ay nasa thirty siguro mahigit, mayroon namang medyo bata pa. Sa itsura nang dalawang matanda mukhang mga manyak kasi kung makatingin sa akin iba. 'Yung bang hinuhubaran ka na sa tingin pa lang.
"This is my girlfriend, and soon to be my wife." Hapit sa beywang ko ni Kiko.
Siguro napansin niya rin ang kakaibang tingin sa akin ng dalawang matanda.
"Oh, napakaswerte mo naman Kiko. Napakaganda ng mapapangasawa mo." nakangiting salita nitong balbas sarado at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Anyway, where's Mr. Zalazar?" Umikot ang mata ni Kiko sa hinahanap na tao. Lumibot naman ang mata ko at hinahanap ang binangit ni Kiko.
"Hindi siya makakapunta dahil may importante siyang pinuntahan. Kanang kamay niya ako."
Napalingon naman kami sa bagong pasok na lalaki, isang matangkad na na naka-black americana na suot habang may nakasalpak na sigarilyo sa bibig nito. Matapang ang itsura nang mukha niya at kakababakasan nang nakakatakot na awra.
"Oh, ok so let's start now?" Nakataas ang isang kamay ni Kiko na sumenyas na umpisahan na.
Pinaupo ako ni Kiko sa tabi niya at nag-upuan naman ang iba, hindi ko alam pero kusang napapatingin ang mata ko do'n sa bagong dating na lalaki.