"ANO? Eto lang lahat? 'Bat gabi ka na umuwi tapos wampipti lang kinita mo! Hindi ka man lang naghanda ng hapunan dito. Halika ditong putanginang bata ka!" malakas na sigaw ni Esang sa patpating katorse anyos na si Sunny.
"S-sorry po Auntie 'yan po kasi talaga ang kinita ko," mangiyak-ngiyak na napayuko ang dalagita.
Marungis ang suot niya, magulo ang buhok, at sugat-sugat din ang mga paa dahilan ng nakayapak na paglalako ng bananaque at pag-iigib ng tubig buong araw. Hindi na niya matandaan ang huling beses na nakabili siya ng bagong tsinelas o kahit mumurahing damit.
Simula noong batang paslit pa lamang siya ay si Sunny na ang naghahanap buhay dahil matagal na siyang ulila sa magulang at ang sugarol na tiyahin na lamang ang kasama niya sa buhay. Mula sa paglalako ng kung ano-ano sa kalsada, pagiging barker sa sakayan, pag-iigib ng galon-galong tubig sa mga kapitbahay ay pinatos na niya.
Kahit Grade 1 ay hindi man lang siya nakapag-aral dahil kahit birth certificate ay wala siya dahil sa bahay lang naman nanganak ang nanay niya na siya ring agad nitong ikinamatay.
Natuto siya magbasa, magsulat, at magbilang dahil tinuruan siya ng kapitbahay nila at simula noon ay nahilig na siyang magbasa ng kung ano-ano mang babasahin na makita niya. Mapa lumang magazine man ito sa terminal o diaryo na ginawang pangbalot sa daing, aliw na aliw pa rin si Sunny tuwing may mapulot siyang babasahin.
"Abat! Alam mo bang kulang to kahit sa pang tong-its ko lang! Sasagot-sagot ka pang walanghiya ka!" sabay pingot sa kanya ng tiyahin niya.
"Aray! Aray Auntie tama na po. 'Yan lang po talaga ang pera ko binayaran ko pa po kasi yung utang mo sa tindahan," naluluhang sagot naman ni Sunny.
"Nagmamagaling ka nang buwiset ka! Akala mo ba hindi ko alam na sinisiraan mo ako sa mga kapit-bahay? Ha! Akala mo kung sino kang matalino? Wala kang kwenta! Buwiset!" giit ni Esang sabay hampas ng monoblock chair sa payat na katawan ni Sunny.
"Aaraaayy ko... A-auntie tama na po. Ma-maawa po kayo tama na po," napahagulhol na lang si Sunny dahil sa pananakit ng tiyahin niya. Hindi iyon ang unang pagkakataong pinagbuhatan siya ng kamay ng tiyahin niya.
Dumating ang panahon na hindi na niya nakayanan ang pagmamalupit ng tiyahin at nagpasya siyang maglayas. Pinutol niya ang buhok para magmukha siyang lalaki at nagpalaboy-laboy malapit sa pier dahil gusto niyang makapuslit sa barko para tuluyang makalayo sa dating buhay.
Nang nagkaroon siya ng pagkakataong makapuslit sa isang cargo barge papuntang Maynila ay nahuli siya. Sinubukan niyang tumakas at manlaban pero pinagtulungan siya ng limang bantay. Naramdaman niya ang pagsuntok sa tiyan niya na dahilan ng pagkatumba niya sa sahig habang namimilipit sa sakit.
Napapikit na lang Sunny at naisip na ito na ang katapusan ng masaklap niyang buhay. Hanggang sa may narinig siyang malakas na boses na umawat sa mga ito, "Stop that! I'm not paying you too abuse little kids on my watch!"
"Sir nahuli po namin ang batang to na nagtatago sa isa sa mga truck na nakapasok sa barge," sagot ng isang crew.
"And you decided to beat him to death instead of turning him over to your superiors? Lima kayo laban sa isang binatilyo?" galit na sabi ng nakakatandang lalaki.
" I want all of you fired from my company! I wont tolerate this," nilapitan ng nakakatangda ang batang lalaki lamang ng hinarap siya nito napagtanto niya na hindi pala ito binatilyo kundi isang batang babae.
"It's ok child. Ligtas ka na. Ako si Arturo Lorenzo. Anong pangalan mo? May mauuwian ka pa bang kamag-anak?" tanong ng may edad na bagong dating.
Basi pa lang sa pustura at pagsasalita nito alam ni Sunny na mayaman ito at kung tama ang pagkaka-intindi niya ay siya daw ang may ari ng kumpanya.
Nanginginig pa rin si Sunny at bakas sa mukha niya ang takot. Hindi man lang niya masagot ang tanong ng matanda.
"'Wag kang matakot. Walang mananakit sayo. From now on you are under my protection."