Chapter 3 - Chapter 1

SUNNY'S POV:

"Hey hinayhinay lang. It's all yours," nakangiting sabi sa 'kin ni Tanda habang nilantakan ko yung manok na nakahain sa harapan ko.

Haaayyy ang sarap! Hindi ko na inisip na baka lasunin ako o itapon sa dagat. Ngayon lang ulit ako nakakain ng totoong pagkain. Madalas kasi kung hindi kupit at galing sa basurahan ay sa imagination lang ako nakakakain.

Pagkatapos kasi ako iligtas ni a-a....Arturo ata pangalan nitong si Tanda, dinala niya ako sa cabin at pinakain. Medyo kinakabahan pa rin naman ako paano kung isa siya sa mga matandang mahilig sa mga batang binatilyo. Naku po!

"So, bakit mo sinubukang pumuslit sa cargo bay kanina?" seryoso niyang tanong sakin.

Takot na tingin lang ang ginanti ko sa kanya.

"Ano bang pangalan mo? Nasaan mga magulang mo? Are you mute?" sunod- sunod na tanong ulit sa 'kin. Napatigil ako at napatingin kay tanda. Mukha siyang foreigner pero magaling managalog.

"Pasensya na po Sir. Wala lang po talaga akong mapuntahan hindi po ako magnanakaw o rebelde," takot na sabi ko sa kanya.

"Ahhh. So you can speak. Kailangan mong sagutin ang mga tanong ko para matulungan kita."

"Ako po si Sunshine. Sunny. Parang awa niyo na po Sir 'wag niyo po ako itapon sa dagat. Masipag po ako magtrabaho tapos kahit maliit katawan ko malakas po ako magbuhat," bigla akong napaluhod sa paanan nagmamakaawa nang bigla siyang tumawa at animo'y namamangha.

"Sunny tumayo ka. Nangako ako kanina na wala akong gagawing masama sayo. Pero kung bibigyan ka ng pagkakataon wala ka na ba talagang kamag-anak na ma uuwian?"

Kinwento ko sa kanya kung bakit hindi na ako p'wedeng umuwi sa amin. Mula sa pagka-ulila ko hanggang sa ilang buwan na palaboy-laboy ako sa kalsada. Alam kung hindi dapat ako magtiwala sa ibang tao lalo na dahil sa lahat ng karanasan ko sa buhay pero parang sinasabi ng utak ko na iba si tanda at wala akong dapat ikatakot.

"Dear God. You poor child. Simula ngayon sa puder na kita pag-aaralin kita at patitirahin sa bahay.You are a survivor Sunny but now I will teach how to live. You don't have to be alone I will raise you as my own," pag-aalo niya sa 'kin. Hindi ko na intindihan ang kalahati ng sinabi niya. Mahina ako sa ingles eh yung alam ko lang yung naririg ko sa tv ng kapit-bahay namin.

Nang makadaong ang barko sa Maynila may isang mahabang itim na sasakyan ang naghihintay sa amin ni Wanda.

Waaah!

Ang gara ng kotse. Hindi talaga nagbibiro si tanda.

Nakwento kasi niya sa 'kin kanina na siya pala ang may ari ng Lorenzo Shipping Company at Lorenzo Security Force kilala kasi sa buong bansa ang kompanya niya.

Nagkataon lang daw na personal niyang tinignan ang kundisyon ng mga bagong barko kaya niya ako na ligtas do'n sa mga langyang crew kanina sa pier.

Bago rin ang damit ko kasi binigyan niya ako ng t-shirt na may nakasulat Lorenzo Shipping. Gulagulanit na kasi yung dati kong damit at may dugo pa galing sa pakikipagbasag ulo ko.

Habang naglalakad kami papunta sa kotse niya ay may nakasunod na dalawang lalaking naka-itim at lahat ng nakakasalubong namin ay tumitigil at nagbabow.

Grabe Diyos ata tingin nila kay tanda kailangan talaga naka-bow.

"Welcome back sir. The car is ready is this the kid you mentioned on the phone?" sabi ng isang unipormadong lalaki habang pinagbuksan kami ng pinto. Grabe nakatakot naman nitong mga goons ni Tanda puro anlalaking mama eh.

"Ah yes Carlos. This is Sunny, Sunny siya si Carlos my executive assistant, 'pag may kailangan ka he's the guy you need," magiliw na sagot naman ni tanda.

"Nice to meet to you Young Master Sunny," yuyuko pa sana si Carlos pero mabilis kong pinigil.

"N-naku hi-hindi na po kailangan mag-bow. Hindi po ako Young Master p-pero nice to meet you pa rin," na-iilang na tugon ko.

"And Carlos, Sunny is not your young master she's a young lady. C'mon! We better go," nanlaki ang mata ni Carlos at tipid na lang akong napangiti.

Tahimik ang buong byahe sa sasakyan. Kung ano ka gara ito tignan sa labas doble pa pala ang ganda nun sa loob.

Pati amoy ng sasakyan pang mayaman talaga.

"Ah Sir, about Sir Izaac nasa mansion na po siya," basag ni Carlos sa katahimikan.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag