"Ah Sir, about Sir Izaac nasa mansion na po siya," basag ni Carlos sa katahimikan.
"What? Since when did he get back from Italy?" baling ni tanda sa assistant niya.
Teka sino ba to si Izaac?
"Kaninang umaga lang po sir. I'm sorry I didn't tell you on the phone."
"Ah that boy. He leaves whenever he wants and comes back whenever he wants. I need to talk some sense into his head," napahilot na lang ng sentido ang matandang lalaki.
Laglag agad ang panga ko ng makita ang mansion ni tanda. Parang hindi mansion eh, parang palasyo.
Hindi ba naliligaw mga tao dito sa sobrang laki?
Puno rin ng mamahaling mwebles ang loob at pagbukas ng pinto ay makikita mo ang napakagandang chandelier na nakasabit sa gitna ng kwarto at may dalawang hagdan na parang desenyo sa palasyo sa tv. Pagpasok ay may naghihintay na mga kasambahay at sabay-sabay nilang binati ang amo.
"Linda pakihatid naman si Sunny sa guest room na pinahanda ko. I need to talk to Izaac," sabi ni tanda sa babaeng 'di nalalayo ang edad sa kanya at bumaling ulit sa 'kin. "Sunny sumama ka muna kay Linda mamayang hapunan na lang tayo mag-usap kung may kailangan ka 'wag kang mahihiyang magsabi sa kanila."
●●●●
"Ito na ang kwarto mo hija. Kung may kailangan kang gamit ilista mo na lang nang mabili bukas. 'Pag nagugutom ka pagbaba mo sa hagdan diretsuhin mo lang sa kaliwa ay kusina na. Nandoon lang ako."
"Maraming salamat po -"
"Nanay Linda. 'Yon ang tawag nilang lahat sakin dito," nakangiting sabi niya.
"Maraming salamat po nanay Linda," pasalamat ko naman.
"Hala sige maiwan na muna kita para makapag pahinga ka."
Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto na mas malaki pa ata sa bahay ng tiyahin ko. Puno rin ng mamahaling mwebles at sa totoo lang takot talaga ako gumalaw baka kasi may mabasag ako eh mukhang lahat ng gamit dito mas mahal pa sa buhay ko.
Meron rin akong sariling cr at may TV rin! Binagsak ko ang sarili ko sa puting kama at tama ang hula ko. Parang nasa ulap ako sa sobrang lambot. Kahit panaginip ay hindi ko inakala na makatira ako sa ganito ka garang bahay. Napabangon ako dahil nakaramdam ako ng uhaw.
Nagpasya akong bumaba sa kusina.
Teka pano nga ulit pumunta do'n? Kaliwa ba o kanan? 'Bat ba kasi di man lang ako nakinig. Bahala na.
Lumiko ako sa kanan pero wala parin akong nakikitang kahit anino ng kusina. Ang nandito lang eh isang malaking pinto. Wala sa sarili ko itong binuksan at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
Parang isang gym ang buong kwarto. May pader na salamin at malaki din ang bintana, may nakita akong dumbbells, barbell, at kung anu-anong mga kagamitan pang exercise sa gitna ng kwarto merong isang punching bag at higit sa lahat isang hubad-barong Adonis.
Nanlaki lang mga mata ko, ni hindi ko man lang kayang iiwas ang tingin ko. Dumoble ata ang uhaw ko dahil sa ngayon lang ako nakakita ng ganon sa perpektong katawan.
Anong ginagawa mo umalis ka na nakahiya ka! Ang bata-bata mo pa mahalay na mata mo! Sigaw ng isip ko pero paano ko ba iiiwas ang tingin ko kung nakakalunod ang asul niyang mga mata. Matangos na ilong, morenong kutis na pinakintab ng sariling pawis, at-
"Hey! Can you hear me? Paano ka ba nakapasok dito? HEY!" sabi ni pogi na siya namang nagpabalik sa diwa ko.
Lumapit siya sa 'kin at don ko namalayan na sobrang tangkad pala niya. Sobra siguro sa isang ruler ang height niya kumpara sa 'kin. Napaatras ako pero hindi ko namalayan na sobrang lapit ko na pala sa pader.
"So let's see what kind of pathetic life form my father picked up today. What's the matter kid? Cat got your tongue?" lumapit pa siya at hinarang ang dalawang braso sa magkabilang gilid ko.
Hindi na ako makapag-isip ng mabuti dahil sa sobrang magkalapit ng mukha namin na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. Feeling ko ang pangit ko sa paningin niya pano ba naman eh putok ang labi ko at may pasa rin ako sa mukha.
"A-ano... s-s-sorry... nasaan ba yung kusina?" nauutal kong tanong.
"Mga batang katulad mo hindi dapat pagala-gala. Baka makasalubong ka pa ng halimaw," mas nilapit pa niya ang sarili at naaamoy ko ang mabango niyang hininga.
"Hindi na ako bata! Tsaka masyado kang malapit nakakalalaki ka na," pilit kong tinapangan ang sagot ko pero napatawa lang siya.
"You think I'm an idiot? I know you're a girl. Tsaka bakit, ilang taon ka na ba?" nasusuyang tanong sa 'kin.
"Fourteen. Ikaw ba?" taas-noo ko namang sagot. Sa 'di mapaliwanag na dahilan parang dumilim ang tingin niya sa 'kin.
"Bata ka pa nga. I'm Izaac and I'm 24. Kung may balak ka pang punmunta sa kusina do'n 'yon sa kaliwang wing," yun lang at nagsuot siya ng T-shirt at iniwan ako.
Izaac.
Siya pala yung pinag-uusapan nilang Izaac. Pangalan pa lang macho na.
Napailing na lang ako. Ano ba 'tong mga naiisip ko? Tsaka bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?