Chereads / Pure Blood / Chapter 4 - KABANATA 3

Chapter 4 - KABANATA 3

PB3

(Xelo's Pov)

Nagising ako sa dalawang taong naguusap ngunit nanatili akong nakapikit at pinakikinggan sila.

"Yes tita, maayos naman po sya sa school " Boses ni Khaye yun ah.

"Siguro hindi na muna natin ipagdiriwang ang kaarawan nya delikado pag may nakaalam"

Bakit parang natatakot ang boses ni mama?

Nagmulat ako ng mata ng marinig ko ang pagsara ng pinto, lumabas na sila. Medyo nalungkot ako bakit ba parang may tinatago sina Khaye at mama sakin?

Lumabas ako at nagtungo sa mini garden, naupo ako sa damuhan at pinagmasdan ang kalangitan. Parang may kulang pa din sa akin.

'Xerhina lousia......' 

Nanindig ang balahibo ko sa takot ng marinig ang pangalan ko. Saan galing ang boses na 'yon? Nilingon ko ang paligid pero wala akong makitang tao o baka naman si Khaye lang na nananakot.

"S-sino ka? anong kailangan mo?"

Parang tanga man pero nagbabakasakali akong makita ang may ari ng boses na 'yon, para bang kay tagal ko nang gustong pakinggan

'Lumayo ka sa kanya

Wag kang magtitiwala sa kahit sino

Dala nya'y kapahamakan

matatapos ito sa iyong kamay

Na tanging ikaw mismo ang magwawakas

Mag iingat ka

magiingat ka....

magiingatka....

magiingat ka....' 

Napaluhod ako dahil sa biglang paglambot ng mga tuhod ko na daig pa ang gulaman. Napahawak din ako sa aking dibdib ang sakit nito na para bang hinahalukay at ang pinagtataka ko bigla akong nakaramdam ng pagka-uhaw

Nauuhaw ako.....

"Hoy Xelo ayos ka lang? Anong ginagawa mo? Don't tell me nagsasayaw ka ng walang music?"agad akong inayos ng tayo ni khaye.

"Khaye...n-nauuhaw a-ako...." Nanghihinang sabi ko. Nanlalabo ang mga mata ko at blurr na ang paningin ko.

"Sh*t, tita help us!" Sigaw ni khaye kasabay ng pagkawala ng malay ko

(Third person pov)

khaye Garcia 19 years old, matalik na kaibigan ni Xelo at may sekretong tinatago na may kinalaman sa buhay ni Xelo.

Agad akong syang napasigaw ng masabi ng kaibigan nyang nauuhaw ito. Ito na nga ang kinatatakot nilang mangyari, ang mauhaw ang dalaga dahil simbolo ito na dadaan sa unang pagsubok ang dalaga.

Agad namang dumating su Elizabeth na Ina ni Xelo at inayos ito ng buhat at maingat nilang inihiga sa kama at aligagang sinaraduhan ang mga bintana at pintuan at lahat ng pwedeng saraduhan maging safe lang ang lugar.

"Tita Elizabeth, I'm affraid—what if sa pagbabago nya ng anyo makalimutan nya tayo? Natatakot talaga ako tita "

Hindi maiwasang kabahan ng dalaga lalo pa at mukhang mahihirapan silang itago ito sa mga tao at paano nila ito mapapaliwanag kay Xelo?

"H-hindi ko din alam khaye, A-alam kong hindi pa ito ang oras ngunit hindi ko na maintindihan parang may kakaiba sa kanya, teka saan nang-galing ang kwintas na iyon?" Lalong nag iba and tono ng pananalita ng Ina ng kaibigan nya.

"Po?" lumapit naman sya doon para tignan ang sinasabi ng Ginang, nanlaki ang mata nya. Parang amulet ito na oval, maliit lang sya tapos kulay white na may ugat at crystal's sa loob nito na glass ang labas.

"S-sa'n galing 'yan?" Napaatras ang ginang at niyakap sya. Samantala hindi sya makapaniwalang nakatingin sa kwintas.

"Kung hindi po ako nag kakamali yan ang sinaunang bantay?" Tumango si ginang sa sinabi nya.

Walang pwedeng manakit kay Xelo kun'di ang kwintas mismo ang papatay dito. Na para bang ang kwintas ang gagabay sa kanya sa panganib.

"Ngunit sa pagkakaalam ko hawak ito ng mga black witch? Panong napunta kay xelo?"

"Hindi ko din alam iha, kung sino man ang nagbigay nyan ay minamanmanan nya tayo lalo na si Xelo. Pero bakit nya gagawin 'yon? Isa lang ang nasisigurado ko, kakampi sya at alam nyang malapit ng harapin ni Xelo ang unang pagsubok"

Hindi pwedeng hubadin ni xelo ang kwintas, lalo pa't ito ang magtatanggol sa kanya gayo'ng hindi nya alam kung paano protektahan ang sarili nya.

(Xelo's Pov)

Nagmulat ako ng mata. Nakita ko si mama na nakayuko at umaalog ang balikat.

"M-ma? Bakit ka ba umiiyak dyan para kang bata " pilit kong pinasigla ang tono ko ayoko kasi na umiiyak sya.

"Anak talaga, nagbibiro lang naman ako haha"at lumapit sya sa akin, hinaplos nya ang ulo ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri nya.

"Maiwan ko na nga kayo tss "at lumabas ng pinto si khaye na nasa loob pala ng kwarto ko

"Matanong kita anak, kanino galing ang pendant naiyan?" Ngiti ni mama at nginuso ang suot kong kwintas. Napakamot ulo ako, kanino nga ba? pag-gising ko suot ko na ito eh.

"Nakalimutan kona po eh " ngumiti lang si mama at tumango

"Maiwan na muna kita mag-isa para makapagpahinga ka."

Napahinga ako ng malalim pagka-alis ni mama. This past few day's parang iba ang kinikilos ni mama, parang balisa sya lagi at malalim ang iniisip. Namiss ko tuloy yung mama kong makulit pa sakin. Hays.

Natulog na lang ako kasi parang sobra akong napagod kahit wala naman akong ginawa.

(someone pov)

"Anong pinagsasabi mo na hindi mo sya maamoy? Hindi pwede ang sinasabi mo! Kailangan mamatay sya sa lalong madaling panahon, argh!"

Galit na galit ang nilalang sa kanyang nabalitaan lalo pa't alam nyang nabubuhay pa ang sisira sa kanya.

Samantala sa kabilang banda,

"Opo nakita kona po sya" sabi ng lalaki.

"Dapat lang na bumawi tayo dahil sa isang pagkakamali na ating ginawa at isang mabigat na kasalanan iyon *cough*" umubo ang matanda dahil sa katandaan