BIRTHDAY MESSAGE PARA KAY BALASADOR
I.
Isang mainit-init o nagbabagang balita
Isang pagbati ang aking ipamamalita
Para sa isang tao na talaga namang nakatutuwa
Pangalan niya ay BALASADOR, ang magbabalasa
II.
Turing man sa sarili ay GAGO
Ngunit kapag umibig ay DON ROMANTIKO
Kaya sa kaarawan mo
Ikaw ang bida sa araw na ito
III.
Ang bati ko ay maligayang kaarawan
Ako sana ay may katanungan
Puwede ba naming malaman?
Ilan taon ka na? Puwede mo bang ipaalam?
IV.
Pero heto na
Ako ay magseseryoso na
Maraming blessings ang sa iyo sana ay dumating
Matupad ang iyong mga hiling
V.
Buhay na matagalan
Sakit, ikaw ay iwasan
At pag-ibig, puwede bang pag-usapan?
VI.
Pero dahil ikaw ay mabuting tao
Kahit turing mo sa sarili mo ay GAGO
Naniniwala pa rin ako na may isang taong nakalaan para sa iyo
Na mamahalin ka ng totoo
At mamahalin mo
VII.
Malay mo
Nasa tabi-tabi lang ang DESTINY mo
At hinihintay ka lang
Kaya muli ay Maligayang Kaarawan