Chereads / FROM THE HEART POETRY - MAKATHA / Chapter 10 - ANG AKING INA

Chapter 10 - ANG AKING INA

I.

Noon isa pa lamang akong musmos na bata

Busog sa pagmamahal at pagkalinga ng aking pamilya

Habang lumilipas ang panahon, marami na rin mga pagbabago

Hindi lang Pisikal, Espiritwal at Sosyal na mga pagbabago

Maging pang Emosyonal o mga damdamin ay nagbabago

II.

Simula ng maagang mamulat

Sa isang pag-ibig na hindi pa nararapat

Pinayuhan ni Ina

Ang payo niya

III.

"Natural lamang sa isang katulad mo ang sa kapwa ay humanga."

"Ngunit sana ay hanggang doon lang muna ang iyong paghanga."

"Dahil hindi pa ito ang tamang panahon sapagkat napakabata mo pa."

IV.

Sa halip na makinig sa payo ni Ina

Sapagkat labis na pag-aalala

Ang kanyang nadarama

Subalit galit at pagdaramdam

Ang sa kanya ay akin ipinaramdam

V.

Sa aking murang kaisipan

Ako ay hindi niya mahal sapagkat nararamdaman ko ay hindi niya maunawaan

VI.

Ngunit iyon pagsuway ko pala

Ang magiging dahilan ng aking pagdurusa

Umiiyak ako sapagkat nagsisisi

Sa mga desisyon kong mali

VII.

Aking napagtanto na tama ang aking ina

Mga payo niya sa akin ay hindi nakasasama

Ang nais niya lamang bilang isang ina

Ang maipadama sa akin ang kanyang pagmamahal at pag-aaruga

VIII.

Lahat ay kinakaya niyang gawin

Kahit nahihirapan man siya, lahat ay kayang tiisin

Hindi nagsasawang ako ay mahalin

Kahit nagkakamali man ako, siya'y bukas palad pa rin

At ako ay handang tanggapin