Chereads / FROM THE HEART POETRY - MAKATHA / Chapter 9 - SI BONINAY

Chapter 9 - SI BONINAY

SI BONINAY

I.

Ako ay may kaibigan

BONINAY, ang tawag ng karamihan

Pero, RIZZA MAY ang tunay niyang pangalan

II.

Siya ay isang batang munti

Mabuburok ang mga pisngi

Maiiksi ang mga bisig at binti

III.

Kapag ngumingiti o tumatawa na siya

Tiyak akong maaaliw ka sa kanya

Bungisngis pa lang niya

Nakakahawa na

IV.

Kahit munti pa lamang

May taglay ng kabibuhan

Siya ay tatlong taong gulang

Para sa inyong kaalaman

V.

Siya ay musmos man

Subalit marami na rin natututunan

Hindi pahuhuli sa kakulitan

VI.

Malikot doon, malikot dito

Malikot kahit saan magtungo

Kaya kapag natumba, nagdagasa o nabangasan man

Tiyak payakag sa pag-iyak ang kinahahantungan

VII.

Para sa amin, siya ay isang munting anghel

Nakakagiliw at nakakagigil

Kaya siya ay huwag na huwag kakantiin

Sapagkat malalagot kayo sa akin