Chereads / Broken's Diary (Tagalog Novel) / Chapter 5 - Pangalawang Pahina ( 2 )

Chapter 5 - Pangalawang Pahina ( 2 )

Pangalawang Pahina

NILAYASAN ko ang dalawang mag-kapatid na nagsisigawan, di man lang nahiya dahil hindi nila napansing kasama pa nila ako.

Dineretso ko ang parte kung saan tahimik at malaya akong makakapag-basa dahil may Bible Study naman ngayong oras ang mga guro at pwedeng gawin kung ano man ang gusto sa dalawang oras na iyon.

Nang ako'y makarating sa silid aklatan kung saan, kakaunti ang tao, kina-karir ang buhay estudyante.

Umupo ako sa pinaka-dulo ng silya dito sa silid aklatan at sinimulan muli ang pagbabasa, hindi man ito gawain ng isang lalake pero curiousity kills ika nga...

Mahal kong pahina,

Tila ba'y ako'y nanghihina, hindi makahinga dahil sa dami ng gawaing nakatambak sa aking lamesa. Ipagpapatuloy ko na ba ang storya? Tanda ko noon nung umiyak ako sa CR ng gurls at nahimatay dahil sa panghu-husga ng iba sa akin at yun din yung araw na iba na agad ang minahal nya, iba na agad ang minahal nya....

Crush lang naman kasi yun eh, para bang gusto kong kantahin ukit yung..

Kung ikaw ay masaya, tumawa ka? Kaso..

May mahal na syang iba 'wag kang tanga... May mahal na syang iba 'wag kang tanga, may mahal na syang iba, bakit ba unasa pa? May mahal na syang iba wag kang tanga!

Ang tanga ko nung mga panahong iyon Pangalawang Pahina, andaming nangyari, mas marami oa sa inaasahan mo. I-kwento ko pa ba isa-isa? Una, sa section namin, gaganapin ang isang panunuluyan, pasko iyon at nag-botohon kaming magkaka-klase.

Kaming dalawa lang naman ang tinagurian nilang "love team" sa aming seksyon at sa di inaasahan...

"Aria, payag ka ba?" tinanong ako ng aking guro at tila ba napa-tango nalang ako habang nahihiyang tinignan ang buong klaseng nakatingin sa akin.

Nang sambitin ko iyon ay nag-hiyawan at nang-asar ang aking mga katabi at binoto naman si GCCM para maging katambal, hindi ko alam kung bakit ko to sinusulat at inaalala pa yun kasi wala na namang kwenta pero itutuloy ko na...

Pangalawa, nag-practice naman kami parasa Christmas Presentation at himala, naki-join ang adviser namin sa mga kaklase ko at ipinagtabi kaming dalawa na nasa unahan pa, shocks, at talagang nanga-aasar pa ang aming guro at gumawa ng step na magka-hawak ang kamay. Dahil naman sa kahihiyan, hindi ko hinawakan ang kanyang kamay pero nanga-asar talaga si sir at saka kami pinagsabihan habang naka-ngisi.

Bakit ko pa ba yun naaalala eh 2 years ago na yun? Ewan ko din pero parang ayaw ko na talaga syang balikan, no pa ba?

Pang-huli, nung Valentine's Day... pagka-pasok na pagka-pasok ko sa umaga ay todo hiyawan ang mga kaklase ko sa hindi ko namalayang dahilan. Wala pa naman 'sya nun at pasimple akong naka-upo sa aking upuan at nag-aaral na mag-calligraphy.

May tumawag sa'king kaklase at sinabing lumabas daw ako ng classroom at gaya ng sabi nya, lumabas nga ako.

Shocks, hindi ko alam pero kinikilig pa ako hanggang ngayon dahil nai-imagine ko ulit yu g nangyari noon...

Tapos, nang makalabas ako, nakita ko 'sya na may hawak-hawak na bulaklak, at isang kyut na teddy bear na kulay pula.

Waw, nasa'kin pa ba yun?

Then yun na nga, dahan-dahan syang kumapit sa'kin at ibinigay ang mga dala nya, inabot ko iyon at saka naman nag-thank you.

Naalala ko, may regalo nga ba ako sa kanya? Lol, syempre meron! Pagkapasok ko, inilagay ko na ang bulaklak sa upuan ko at ang teddy bear naman sa bag ko, kinuha ko din ang isang maliit na box, maliut sya at nakalagay ang pangalan nya sa ibabaw nito, ang laman lang nito ay kwintas na arow na may naka-sulat na G na kadugtong ng kwintas kong arow na naka-sulat ay K.

Ipinakita ko pa sa kanya yung kwintas ko at saka naman sya nagpatilong na ilagay yung kanya, nakita kami ng kaklase namin at pilit silang humihiyaw habang ako'y tinutulungan syang isuot ang kwintas na nahihiya...

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kianna : Don't forget to vote for your appreciation of my update and commenting your feedbacks about thus chapter!! Thank you dear!

Facebook : Kianna Writes ( Official Account )

Twitter : _Galaxilicious_ ( Official Account )

Instagram : _galaxious_ ( Official Account )

Wattpad : _Galaxious_ ( Official Account )