Chereads / Broken's Diary (Tagalog Novel) / Chapter 6 - Pangatlong Pahina

Chapter 6 - Pangatlong Pahina

Pangatlong Pahina

Mahal kong Pahina,

"Roses are not always red, violets are not blue, even if I love you, you won't love me back the way I want to"

Hindi ko makalimutan ang mga linyahang yan mula sa aking newsfeed sa Facebook. Sa kadahilanang totoo naman ito at natamaan ako sa mensaheng ibinibigay nito sa akin, araw ngayon ng mga puso, oo, Valentines day ngayon pangatlong pahina. Ni isang tsokolate o bulaklak eh walang nagbibigay sa akin.

May itsura ako, alam yan ng marami, yun nga lang, mataray ako kaya iniiwasan. Hindi naman sa point na, ang pagtataray ko ay nakaka-bully na ng ibang mahihina.

Dahil imbis na mam-bully, tino-tropa ko yung mga nabu-bully at pinagla-laban sila, at sa panahon na ganun, natututo na rin sila at nakakalaban na.

Ewan ko nga pero, parang ang cliche nung buhay ng isa kong fren. Yung nam-bully sa kanya, nililigawan na sya ngayon.

Bumabaliktad na talaga yung mundo eh noh? Sarap itilapon.

Ba't nga ba yun ang topic sa Pangatlong Pahina ngayon? Aishh, back to the topic na.

Roses are not always red

Para sa'kin, may ibang meaning yan, obvious naman. Let's base the rose as me. Isipin mong, ako ang naiiba sa lahat dahil iba ang kulay, kulay asul, kaysa sa mga pulang rosas na nag-kalat.

Nagiging pula lang sila pag hindi pa nawawarak, at naiiba ang kulay nila yung wasak na sila. Pananaw ko lang naman yun, dahil hindi lahat ng magaganda, umuunlad. Tulad nalang ng mga estudyanteng nagli-liptint ngayon. Mataray ako oo, pero hindi pa ako nakakapag-liptint, ni lipstick hindi pa ako nakaka-gamit.

Yun ata ang inayawan ng ex-boyfriend ng fren ko ngayon, kaka-break lang nila kahapon, and there, nagluluksa pa rin sya, sa una at pangalawang pahina, past ko na sya, at ayaw ko na syang balikan so, why don't I focus on the near future right?

Violets are not blue

Kelan pa naging violet ang blue? Ang blue pa ang pwedeng maging violet pero ang kabaligtaran nito? Taliwas na taliwas.

Parang ako, para akong violet na hindi magiging blue, hindi masasagip sa isip nya, at hindi masasagip ng hypothalamus nya.

Nginingitian nya lang ako pag nakikita nya ako, ngiting nagpapatibok sa'king puso, shocks.

Bakit nga ba ganun? Di ako bahagi ng makulay nyang mundo? Kundi isa lang akong bahagi ng kanyang kailangan'g mundo. Dahil nilalapitan nya lang ako pag may kailangan, I'm his National Bookstore and I'm just a nobody for him.

Even if I love you, you won't love me back the way I want to.

Tama, kahit na gusto kita, hindi mo magagawang gustuhin ako na naaayon sa gusto ko.

Taliwas na sa pinagu-usapan pero yun ang katotohanan. Hindi ka mamahalin ng taong gusto mo kung wala sayo ang katangiang gusto nya.

Katangiang gusto nya na sa kaibigan nya pa nakuha...

Cliche man pero, ngayong 2018

Tila ba ako'y nahimasmasan, 2018, 5 years ago pa'tong notebook na ito? Ang tibay ah.

"Nicholas!" sigaw sa akin ng isang boses, sinaway sya ng librarian.

Oo, nasa library na naman ako at nagbabasa. Dala na siguro to ng curiosity, minsan nga sumasakit ulo ko dahil dito, hindi ko alam pero yun talaga ang totoo.

Minsan nga sumasakit nalang ang ulo ko bigla-bigla habang nagbabasa. Tila ba, may naaalala...

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kianna : Don't forget to vote for your appreciation of my update and commenting your feedbacks about thus chapter!! Thank you dear!

Facebook : Kianna Writes ( Official Account )

Twitter : _Galaxilicious_ ( Official Account )

Instagram : _galaxious_ ( Official Account )

Wattpad : _Galaxious_ ( Official Account )