Chereads / My Innocent Maid / Chapter 1 - My Innocent Maid I

My Innocent Maid

Mizzyrhonne
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 270.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - My Innocent Maid I

Katherina

Andito na kami ngayon sa terminal ng bus papuntang Maynila. Wala akong pagpipilian kung hindi ang makipagsapalaran doon para mabuhay kami ng mga kapatid ko at nanay ko. Wala na kasing ibang makakatulong sa amin, simula ng mamatay si tatay. Isang buwan palang magmula ng mamatay siya. Dahil sa tulong na rin ng tiyahin ko sa Maynila ay nagawa niya akong ipasok sa trabaho bilang katulong ng isang mayamang pamilya.

"Tiya, mababait po ba ang magiging amo ko doon?" nag aalalang tanong ko habang nagkokotkot ng mani sa loob ng bus.

"Huwag kang mag alala sa papasukan mo anak, mababait sila doon." paninigurado niyang sagot sa akin na nagpakalma sa sa 'king kalooban.

"Tiya, ano po bang gagawin ko doon?"

"Aba Rina, malamang magtatrabaho ka. Kasi namasukan ka nga bilang katulong. Alangan namang mamasyal ka doon?" sarkastikong sabi ni Tiya.

"Ah ganoon po ba, Tiya?" napapakamot ng batok kong sagot sa kanya. Grabe si Tiya, marunong na ring mangbara.

"Ano ba 'yang kinokotkot mo diyan sa bag mo at kanina ka pa buklat ng buklat?" tanong nito sa akin sabay hila niya sa bag ko para makita ito pero inilayo ko baka kasi ubusin niya. Mahirap na,

"Mani po, Tiya." nakangiting sagot ko at inilagay ito sa kabilang side ng upuan.

"Anong klaseng mani ba 'yan at bakit mo tinatago?"

"Ay Tiya! Maning hubad po! Sobrang sarap po nito, hindi mo na kailangang hubaran." masayang bigkas ko sabay labas sa pinabaong mani ni nanay sa akin.

"Siya nga! Penge ako anak." nilahad ko sa kanya 'yong mani at hinayaan kong kumuha ito.

Hindi bale, medyo marami pa naman ang matitira. Pag dinamutan ko siya baka hindi niya ako ilibre ng pamasahe. Wala pa naman akong dalang pera kahit bente singko.

Nang umandar na ang bus na sinasakyan namin. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana at ninanamnam ang sarap ng hangin na humahaplos sa aking mukha. Pagdating namin kasi ng Maynila,  hindi mo na masasagap ang ganito kasariwang hangin.

Walong oras ang biyahe namin bago makarating ng Maynila. Ihahatid daw muna ako ni Tiya sa mga amo ko bago siya bumalik sa pinagtatrabahuan niya. Malayo si Tiya sa akin, naipasok niya ako sa trabaho sa tulong ng amo niya. Kaibigan daw ng amo niya ang pagtatrabahuan ko. Natatakot man dahil malayo si Tiya sa akin ay iniisip ko nalang na magkikita naman kaming dalawa pag day off naming dalawa.

Nangangalahati na kami sa biyahe ng dalawin ako ng antok ko. Hindi ko na mapigilang matulog hanggang sa makarating kami ng Maynila. Kung hindi pa nga ako ginising ni Tiya, malamang sa malamang ang sarap pa ng tulog ko hanggang ngayon.

"Anak ng tinapay ka naman, Rina! Kanina pa kita ginigising! Wala ka bang balak gumising diyan! Tulog mantika ka talaga!" sigaw ni Tiya sa panaginip ko.

Grabe hanggang panaginip ko pala si Tiya Meling pa rin ang naririnig ko. Napabalikwas ako ng bangon ng biglang may pumitik sa noo ko ng napakalakas.

"Asan ang magnanakaw, Tiya! Asan!" patayong sigaw ko habang hawak-hawak ko ang bag at akmang ihahampas sa taong kaharap ko. Pero nagulat ako ng mapagtanto kong si Tiya Meling lang pala ito habang nakapamaywang sa harapan ko.

"Subukan mong ihampas sa akin 'yan Rina at makukurot kita sa singit mo ng pinong pino." nagbabantang sabi niya sa akin habang nakamulagat pa 'yong dalawa niyang mga mata.

"Ay Tiya naman, huwag naman sa singit. Sobrang sakit kaya 'yon, pwedeng sa baywang nalang?" alanganing tanong ko at pilit na ngumiti habang itinatakip ko sa ibabang bahagi ko ang bag na muntik ko ng maihampas kay Tiya. May isang salita pa man din si Tiya, mahirap na.

"Kumilos ka na diyan at nang makaalis na tayo. Tayo nalang ang naiwan sa bus, ang hirap mo kasing gisingin. Muntik na kitang buhusan ng tubig, naawa lang ako sa damit mo. Hala! Ayysin mo na ang sarili mo at sumunod ka na sa akin." sabi nito sabay talikod sa akin at naglakad na pababa ng bus.

"Opo Tiya, susunod na po ako." sabi ko habang ginagala ko ang mata ko sa loob ng bus. Tama nga si Tiya kami na nga lang ang naiwan. Siguro, matagal na niya akong ginigising. Mahirap kasi talaga akong gisingin lalo na kung pagod ako. Kaya siguro niya pinitik ang noo ko dahil nauubusan na ito ng pasensiya sa paggising sa akin.

"Pero, infairness ang sakit ng pinitik ni Tiya sa akin. Ang bigat pala ng kamay ni Tiya, parang bato. Muntik na akong nabukulan doon." bulong ko sa sarili habang naglalakad pababa ng bus. Nang mapatingin ako sa salamin sa gikid ng bus, hindi na ako nagulat kung bakit namumula ang  noo ko. Sa taba ba naman ni Tiya at bigat ng kamay nito.

"Buti nalang hindi nagkabukol. Bwas ganda points na naman sana 'yon." bulong ko habang hinihimas ang aking noo para maibsan ang sakit nito.

Pagbaba ko, nakita ko si Tiya na naghihintay sa akin sa may upuan ng terminal. Lumapit ako sa kanya ng nakanguso, nakita ko naman siyang napatawa sa hitsura ko.

"Ayusin mo nga yang nguso mo, Rina, hindi ka naman siguro bibe para gumanyan. Nakakasuka anak." tumatawang sabi ni Tiya sa akin. Ang sakit magsalita ni Tiya noh.

"Ang sama mo, Tiya. Alalahanin mo kadugo mo ako. Makasabi ka naman ng nakakasuka, Tiya." nakanguso pa ding sambit ko na mas lalong nakapagpatawa kay Tiya. Napaka ni Tiya, tawanan ba naman ako. Sa ganda kong ito?

"Tama na 'yang pagpapacute mo, kasi matagal ka ng maganda. Bahala ka diyan baka hindi na bumalik 'yang nguso mo." tumatawa pa ding sabi  ni Tiya habang pinisil niya ang pisngi ko. Tuluyan na akong napangiti dahil sa sinabi niya.

"Siyempre naman, Tiya, kanino pa ba naman ako magmamana? Mana-mana nalang talaga ang mga fanitong ganda." nakangiting sabi ko habang kumikindat pa.

"Naku binola mo na naman ako. Kunin mo na ang mga gamit mo at idadaan kita sa mansion bago ako umuwi." sabi niya sabay kaway niya sa paparating na sasakyan.

Malungkot kong kinuha ang mga gamit ko at sinundan si Tiya papasok ng sasakyang pinara nita. Taxi daw ang tawag sa sasakyan namin. Sinabi na ni Tiya kung saan kami tutungo. Nang umandar na ang sasakyan hindi ko maiwasang malungkot, kasi malayo ako kina Inang at sa mga kapatid ko. Tapos, si Tiya naman ay malayo ang pinagtatrabahuan niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa nalalapit naming paghihiwalay ni Tiya.

Siyangapala, ako si Katherina Macabagbag, dalawampu't limang taong gulang. Elementarya lang ang inabot ko dahil hindi kami pinalad at laging kinakapos sa pera. Kaya mas pinili ko nalang ang magtrabaho kaysa ang mag aaral. May dalawang kapatid ako na naiwan sa probinsiya. Kaya ko naisipang magtrabaho sa Maynila para mapag aral ko sila. Tama na 'yong ako nalang ang magtrabaho para sa kanila. Gusto ko namang makatulong kay Inang kahit sa pagpapaaral lang ng mga kapatid ko.

May pinagkakakitaan naman si Inang doon bago ko sila tuluyang iniwan. Hindi kasi ako mapalagay kong alam kong wala silang mapagkukunan ng makakain nila habang wala ako.

Pinagtayo sila ni Tiya ng konting sari-sari store para may pang-tustos sila sa araw-araw. Sinabi ko kay Tiya na babayaran ko nalang siya pag sumahod na ako pero hindi ito  pumayag. Konting tulong nalang daw niya ito sa amin.

Malaki ang pasasalamat ko sa kanya mula noon pa. Buhay pa man si Itay ay nagpapadak

La na ito para sa panggastos namin sa pag-aaral. Kahit anong tanggi namin sa kanya, wala pa din kaming magawa. Dahil ayaw namin siyang magtampo sa amin.

Hindi mo na mabilang ang tulong na naibigay niya sa amin nina Itay noon. At ngayon, malaking tulong pa rin ang binibigay niya. Hindi sana ito papayag na magtrabaho ako. Pero pinilit ko siya dahil ayaw ko namang salubin niya lahat ng responsibilidad na iniwan ni Itay.

Nasabi ko nalang sa sarili ko na balang araw, masusuklian ko din ang lahat ng paghihurap at tulong na binigay niya sa amin. Hindi ko man siya mabigyan ng magandang buhay na mayroon ang ibang tao. Pero buong puso kong ibibigay ang pagmamahal na mayroon ako.

Kaya kong magsakripisyo para sa kanila. Dahil ayaw kong nakikita silang nahihirapan. Tama na ang ako nalang ang magpakahirap.

Makita ko lang na maayos ang pamilya ko, lahat ng paghihirap na mayroon ako ay nawawala. Sila ang lakas at tapang ko para malampasan lahat ng dagok sa buhay namin.