Chapter 65: Bagong Bahay
"Sige po Boss, oorderin ko na po yung bagong kotse niyo ngayon," pagkakita sa mukha ng president, hindi na nag-atubili pa si Yang at mabilis na umalis.
Tahimik na naupo si Qin Chu sa kanyang opisina, napapaligiran siya ng sikat ng araw.
Dahan-dahan niyang binuksan ang drawer sa kanyang desk at inilabas ang isang naninilaw na lumang litrato. Matagal at tahimik niya itong tiningnan.
Pagkatapos, maingat niya itong ibinalik sa drawer.
- Sa may Department of Design -
Narinig ni Jiang Linyue na maganda ang mood ng president ngayon kaya naman ipinag-utos nito na doblehin ang sahod ng lahat. Pakiramdam niya, ito na ang hinihintay niyang bihirang oportunidad para ipresenta ang sarili.
Bago matapos ang kanilang pasok, dali-daling pumunta si Jiang Linyue sa opisina ng president, mapustura itong naglakad gamit ang kanyang seven-inch heels habang may dalang makapal na tumpok ng mga dokyumento.
Katulad nga ng inaasahan niya, nasaktuhan niya ang paglabas ni Qin Chu sa kanyang opisina.
Habang padaan ito sa kanya, sinadya ni Jiang Linyue madapa.
Kasabay nito, ang pagkalat ng documents na dala niya.
Kaya agaw-pansin siyang nalaglag sa lapag.
Kung hindi pa tumama ang kanyang likod sa lapag at nakaramdam ng sakit, hindi magigising sa katotohanan si Jiang Linyue.
Hindi ba dapat saluhin siya ng president sa mga bisig nito? Kahit madalas lang yun nangyayari sa romance novels at prime-time drama series.
May makakapagpaliwang ba sa kanya kung bakit hindi ito gumana?
Tumingin si Qin Chu sa babaeng employee na nadapa sa harapan niya, medyo nagsalubong ang mga kilay nito.
Kung lalaktawan niya ito, masyado naman siyang hindi gentleman…
Kaya naglakad nalang siya paikot kay Jiang Linyue na parang harang lang ito sa daan.
Pagkatapos, inilabas niya ang kanyang cell phone at tinawagan si Assistant Yang.
"Boss, ano po ang maitutulong ko?"
"Sabihan mo ang admin; simula bukas, lahat ng babaeng employees ay bawal na magsuot ng heels na lalagpas sa three inches."
"Um… Sige po, sir."
Kahit hindi maintindihan ni Yang kung bakit ipapatupad ng president ang kakaibang utos, alam niyang kailangan niya itong sundin.
Nanatiling nakatingin si Jiang Linyue sa president habang naglalakad ito palayo, hindi niya alam kung iiyak ba siya o hindi.
Anong kailangan niya gawin para mapalapit sa dreamy at hot na lalaking ito? Nang biglang, may nararamdaman siyang sakit sa kanyang bukong-buko, iniisip niya kung nabali ito.
Ginawa niya ang lahat para lang makuha ang atensyon ng president.
__________
Sa bahay, nag-hot shower si Huo Mian, at pinagsama-sama ang labahan. Pagkatapos, nilinis niya ang buong bahay.
Magpapahinga na dapat siya, kaso may biglang kumatok.
Tumingin siya sa orasan: ngayon ay 5:30 PM. Sa oras na ito, nakakasigurado siyang si Qin Chu ang tao sa pinto.
Katulad nga ng inaasahan, pagkabukas niya ng pinto, nakita niya si Qin Chu.
Nakasuot ito ng navy blue, custom-made Italian suit. Dahil yan pa rin ang suot niya, halatang kagagaling lang nito sa trabaho.
"Andito ako para sunduin ka. Tara."
"Madami pa akong gamit dito. Hayaan mo kong dalhin ko itong mga ito."
"Hindi na kailangan. May uutusan nalang ako na pumunta dito at kunin ang mga gamit. Dalhin mo nalang ang mga pinaka-kailangan mo. Aantayin kita sa kotse."
- Pagkatapos ng sampung minuto -
Lumabas si Huo Mian galing sa kanyang kwarto. May dala itong isang malaking cardboard box na puno ng kanyang mga paboritong libro at isang watermelon throw pillow.
Halos isang taon na rin simula nang tumira siya rito. Dahil sa biglaang paglipat, na-realize niya na mamimiss niya itong lugar na ito.
Ngunit tama si Qin Chu. Ngayong kasal na sila, hindi maganda tingnan na magkahiwalay sila ng tinitirhan.
"Kapag na-terminate na ang lease, pwedeng huwag niyo kalimutan ang deposit kong two thousand yuan," pagpapa-alala ni Huo Mian habang naupo siya sa passenger seat.
Hindi alam ni Qin Chu ang sasabihin kaya tumango nalang ito.
Habang naandar sila, hindi mapakali si Huo Mian.
Pagkatapos niya pag-isipan maigi ito, nagkaroon ng lakas ng loob si Huo Mian magtanong, "Titira ba tayo kasama ng… magulang mo?"
"Nagbibiro ka ba?"
"So ibig sabihin, tayong dalawa lang ang magsasama?" bumalik ang sigla ni Huo Mian.
"Ano ba sa tingin mo?" sagot ni Qin Chu gamit ang isa pang tanong.