Chereads / My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 49 - Kondisyon

Chapter 49 - Kondisyon

CHAPTER 49: Kundisyon

Umiling si Huo Mian, "Hindi naman, kararating ko lang din."

"Mag-order muna tayo, anong gusto mo?"

"Kahit ano, wala naman kasi talaga akong gana."

"Server, isang lover's combo nga, fruit salad at dessert."

"Yes, sir."

Pagkatapos mag-order, tumingin si Wei Dong kay Huo Mian at mukha itong mabait.

"Huo Mian, kamusta na ang kapatid mo ngayon?"

"Mukhang hindi pa ito maganda, nag-aantay pa kami para masagawa ang second operation."

"Huwag ka mag-alala, gagaling din siya."

"Salamat."

Pagkatapos ng kaunting pag-uusap, binalik ni Wei Dong ang usapan tungkol sa pera.

"Wala akong dalang pera ngayon, dahil hindi maganda para sakin ang magdala ng malaking pera. Kapag nakabalik na ako sa company bukas, sasabihan ko ang finance department na i-transfer ang pera sayo. Ibigay mo ang account number mo sakin via WeChat."

"Salamat, Wei Dong. Babayaran kita kaagad, kahit may interest pa, kung gusto mo."

"Anong sinasabi mo? Matagal na tayong magkaibigan, huwag na natin pag-usapan ang interest. Masyado mo naman akong minamaliit."

"Hindi naman iyon ang gusto ko iparating, sobrang nagpapasalamat lang ako… para sa pagtulong mo sakin."

"Huwag ka magpasalamat sakin, may iba pa akong gustong sabihin. Siguro aakalain mong nagloloko ako pero nagpapakatotoo lang ako. Huo Mian, hindi mo ako kailangan bayaran, may isa lang akong kundisyon. Pwede ba kita maging girlfriend?"

Medyo lumaki lang ang mata ni Huo Mian; hindi siya masyadong nasorpresa. Alam niya sa una palang kung ano ang gusto ni Wei Dong.

Walang bagay na libreng lunch, at lahat ng bagay ay may katumbas na presyo.

"Narinig ko kay Lingling na may girlfriend ka na. Ayoko maging isang third person sa relasyon ng iba," sagot ni Huo Mian.

"Hindi ko siya nakikita bilang girlfriend ko, friend with benefits ko lang siya. Lahat ng mga babaeng yan ay cheap at nakakainis, sumasama lang sila sa akin para sa pera hindi sa kung ano ako. Halatang hindi ko kaya maging loyal sa kanila. Pero iba ka, gusto kita simula high school. Huo Mian, kapag binigyan mo ako ng chance, magiging mabuti ako sayo. Hindi ako nagbibiro, pwede na tayo ma-engage ngayon at magpakasal sa buwan na ito. Pagkatapos natin ikasal, bibilhan kita ng bahay at kotse, at hahayaan kitang mamuhay nang komportable. Aalagaan ko rin ang nanay at kapatid mo habangbuhay."

Dahil nagiging emosyonal na siya, inabot ni Wei Dong ang kamay ni Huo Mian. Ngunit, bago pa niya mahawakan ito, itinaas ni Huo Mian ang kamay niya at inayos ang buhok niya, iniiwasan nito ang awkward contact.

"Wei Dong, alam kong ayaw mo ng gold diggers o yung mga babaeng makikipag-date sayo para lang sa pera. Paano ka nakakasigurado na hindi ako makikipagrelasyon sayo para lang dito? Hindi ako fairy at hindi rin ako mabait. May sarili akong kasakiman at hangarin. Hindi totoo ang mga fairytales at TV shows, at wala talagang perfect na babae sa totoong buhay. Huwag ka masyadong mag-expect at mag-ilusyon kung ano ang hindi ako, dahil sobrang laki ng diperensya sa pagitan ng reality at fantasy."

Sinabi na ito ni Huo Mian kay Wei Dong dati, pero mukhang hindi niya ito sineseryoso.

"Hindi, hindi ka ganoong tao. Kung gold digger ka talaga, hindi ka dapat makikipaghiwalay kay Qin Chu years ago. Kung ikukumpara sa GK, walang-wala ang pera ng pamilya ko," sabi ni Wei Dong.

Pagkarinig sa pangalan ni Qin Chu, sumakit ang dibdib ni Huo Mian.

Si Qin Chu ay parte ng kanyang nakaraan na hindi na niya pwedeng balikan…

"Huo Mian, gustong-gusto talaga kita. Bigyan mo ako ng chance," nagmakaawa ulit at kita mo sa mukha nito na sincere siya.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag