Chereads / Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 46 - Ang Tunay na Oriental Trend

Chapter 46 - Ang Tunay na Oriental Trend

Walang katapusang pinupuri ng makeup artist at ibang mga staff ang ganda ni Mo Yurou. Dahil sa kanyang kahali – halina at masiglang personalidad, madaling makuha ni Mo Yurou ang atensyon ng lahat. Sa kabilang dako, kapag hindi nagtratrabaho si Tangning, siya ay tahimik at payapa; ayaw niyang nakikipag – usap. Ang ganitong klase ng mapag – isang personalidad ay nagbigay daan upang hindi mapansin ng mga tao ang kanyang presensiya at kagandahan, lalo na kung ikukumpara ito kay Mo Yurou.

"Miss Mo, dahil sa handa ka na, maaari ka na magtungo sa studio para makuhanan ang iyong solo shoot.

Bukod sa front cover shoot, mayroon ding ibang mga larawan na ilalagay sa loob ng magazine, kaya naunang pumasok sa studio si Mo Yurou kaysa kay Tangning. Nang siya ay tumayo sa kanyang kinauupuan sa harap ng salamin, isang provoking look ang makikita sa kanyang mukha na sinamahan ng pa ng kanyang confident aura – para bang sigurado na ito na siya ang mananalo. Ang confidence na ito ay tiyak na hindi matatagpuan kay Tangning. Ang resulta, batay sa isang kanais-nais na impresyon, ang lahat ng tauhan ay may mas paniniwala sa kakayahan ni Mo Yurou.

Sa loob ng studio. Handa na ang set. Sa ilalim ng tradisyunal na kahoy na bintana naroon ang isang lumang lamesa. Sa ibabaw ng lamesa, nakaupo ang isang pinong bughaw at puting porselana plorera at lumilitaw sa labas ng plorera ay isang magandang pink na rosas na kamakailan lang namulaklak. Sa tabi ng lamesa naroon ang isang Taishi chair; ang tanging gagawin ni Mo Yurou ay umupo sa silyang ito at magpakuha ng litrato.

Nang makita ang pagpasok ni Mo Yurou sa studio, nagbighani ang photographer sa kayang itsura. Ang gagawin lang ng Oriental beauty na ito ay ang maupo sa silya at magiging kasing ganda na ito ng isang larawan. Kung maaari niyang gamitin ang kanyang mga kasanayan upang dalhin ito isang hakbang karagdagang antas, ang Oriental Trend ay tiyak na sisiklab sa Western market.

"Ayon sa usap – usapan, ang modelong ito ay maaaring ihalintulad kay Huo Jingjing," pagpupuri ng assistant ng photographer, "Napaka – propesyonal siguro niya."

"Mayroon akong mataas na pag – asa." Ipinaalala ng mataas at makisig na photographer kailangan na ng lahat magtungo sa kani – kanilang posisyon bago sinabi kay Mo Yurou, sa isang magiliw na paraan, na magsisimula na ang photo shoot.

Dahil sa napaka ambisyoso ni Mo Yurou, nauunawan niya, bukod sa pagdadagdag ng konting pagsisikap para sa shoot kasama ni Tangning, hindi niya dapat na itrato ang solo shoot na ito ng kaswal.

"Kumuha tayo ng ilang shots mula sa gilid," utos ng photographer kay Mo Yurou. Sa tulong ng translator, naunawaan ni Mo Yurou ang mga inaasahan ng photographer, kaya dali – dali niyang bumaling siya sa kanyang tagiliran. Pagkatapos ay ginamit niya ang kanyang kanang kamay para sumandal sa likod ng silya at inilagay ang kaliwang kamay sa kanyang dress – inilantad nito ang kaliwang bahagi ng kanyang makinis na mukha habang kaakit – akit na ngumiti.

Kumunot ang noo ng photographer – ang kanyang inaasahan ay isang Oriental beauty, hindi isang Oriental temptress…

Kumuha pa rin ng larawan ang photographer sa kabila ng kanyang napansin. Iniisip nito na marahil hindi pa ni Mo Yurou nakukuha ang tamang momentum, kaya itinuro niya dito na ipahayag ang intelektwal na kagandahan ng isang Oriental woman sa pamamagitan ng pagdadala ng tradisyunal na red basket. Sa pagkakataong ito, umupo naman ng tuwid si Mo Yurou; tama ang anggulo, ngunit … nakababa ang kanyang ulo … ang tanging nakikita lamang ng mga photographer ay ang kanyang malapad na noo.

Kumuha ulit ng ilang shots ang photographer, makikita sa ekspresyon ng mukha nito na hindi siya nabilib sa kakayanan ni Mo Yurou. Paano maihahambing ang modelong ito kay Huo Jingjing?

Ang pinakamasama sa lahat, sa buong oras ng pagkukuha ng litrato, bagaman ang personalidad ni Mo Yurou ay nangibabaw, ang kaya lamang niyang maipakita ay isang klase ng ngiti at isang klase ng facial expression…

Naging tahimik lamang ang photographer, gusto lang niya na matapos na ang kasalukuyan niyang trabaho. Nang matapos na ang shoot, hindi nahihiyang lumapit sa kanya si Mo Yurou upang itanong kung kamusta ang kanyang ginawa.

Hindi tumugon sa tanong ni Mo Yurou ang photographer kaya naman agad na hinarap ng assistant nito si Mo Yurou upang bigyan ng thumbs up at sabihin na, "Very good…"

Nagpakita si Mo Yurou ang isang mapagmataas na ngiti. Sa ilalim ng kanyang pinong hitsura nito ay isang modelo na walang kamalayan sa sarili – parang napakadali na makaramdam ng pagkamuhi sa kanya.

"Pfft!" ang photographer ay nagpalabas ng tunog ng pagkadisgusto sa likod ni Mo Yurou bago tumalikod para harapin ang kanyang assistant at nagtanong, "Mayroon pa bang isa?" Sa sandaling ito, mahinahon na pumasok si Tangning sa studio. Nagsimula siya sa pagbati nang magalang sa photographer.

Ang kanyang ngiti ay hindi naman tila pilit o hindi naman magiliw, pero dahil sa shoot ni Mo Yurou, ang photographer ay kasalukuyang wala sa mood, kaya tumugon lang siya kay Tangning sa isang walang ekspresyon na pamamaraan.

Sa kailaliman inisip niya, kahit na ang modelo na kakaalis lang ay hindi magaling, buti na lang may masayang personalidad ito. Samantalang ang modelo na nasa harap niya, tahimik at walang kabuhay – buhay – inaasahan niya na mas malala pa ito kaysa sa nauna.

Dahil sa kanyang inaasahan, ang kanyang saloobin para kay Tangning ay napaka-kaswal. Siya ay kaswal na naghanda at kaswal din na nagsimula mag – shoot na walang sinasabing anumang direksyon kay Tangning. Ang lahat na binanggit niya sa kanya ay ang pinagbabatayan ng mga tema ng bawat larawan.

"Hindi ko talaga alam kung paano tinawag na modelo ang mga babaeng ito," ang assistant na nasa tabi ng photographer ay wala na din mataas na ekspektasyon para kay Tangning.

Theme 1: Ang kahinahunan ng isang Oriental woman.

Ang photographer ay hindi nag-aalala tungkol sa temang ito dahil ang tanging gagawin lang ni Tangning ay maging natural lang at ang temang ito ay tapos na. Gayunpaman, gumawa siya ng isang bagay na hindi niya inasahan. Sa katunayan, hindi niya kailangang gumawa ng kahit anong magarbo, kailangan lang niyang mapanatili ang kanyang karaniwang compusure at umupo lang ito sa upuan, ngunit … nagdagdag siya ng isang mahalagang salik…

… ang kanyang mga mata…

Hindi tulad ng kalmado, walang emosyon na ekspresyon na mayroon ito, ang tingin ni Tangning ay nakatuon na ngayon sa harap niya; alerto at malinaw. Ang kanyang mga mata ay bahagyang nagtutubig na may kulay ng pula - tulad ng pagtingin niya sa isang bagay na mahal niya, ngunit kailangan niya itong labanan…

Ito ay eksaktong mahiyaing, walang imik na personalidad ng isang Oriental woman!

Ang pinakamahalaga, si Tangning ay hindi lamang nagpokus sa kanyang mga mata, pinangunahan din niya ang mga tagapanood sa kanyang mga damdamin upang tumuon sa mga damit sa nakasuot kanyang katawan… mukhang siya ng isang babae na nagbihis para sa taong mahal niya, para malaman lang na… ang taong mahal niya ay kasama na ng ibang tao. Samakatuwid, nadama niya ang kanyang hitsura ay kahiya-hiya at isang katawa - tawa ...

Ang emosyon at tagpuan at naghalo; ang kanyang pagtingin at ang produkto ay naging isa…

Wow...

Hindi maitago ng photographer ang kanyang kagalakan. Sa buong shoot, walang katapusan niyang isinisaigaw ang, "Perfect!"

Hindi pa siya nakita ng ganitong kabihasa na modelo. Ang kanyang puso ay nasasabik na para bang sasabog ...

Sa loob lamang ng 5 minuto, nagawa ni Tangning na magkwento, at ang pinakamahalaga, ang kuwentong ito ay may kaugnayan sa mga damit na suot niya!

Ganito dapat ang isang propesyunal na modelo. Hindi mahalaga kung gaano siya kaganda, siya ay sinadya upang maging isang accessory lamang ng mga produkto na kanyang itinatanghal.

Sa pagkakataong ito, ang photographer ay puno ng galak. Sa wakas ay nakaramdam siya ng pagkakataon na ipakita ang kanyang mga kasanayan sa photography. Ang pinakamahalaga, si Tangning ay isang modelo na alam kung paano pumili ng kanyang sariling mga poses. Siya ay hindi nangangailangan ng maraming direksyon, ang bawat pose na kanyang ginagawa ay eksakto kung ano ang kinakailangan at ang bawat larawan na kanyang kinuha ay para bang hindi mo gugustuhing burahin ...

Iniisip niya, ang nakaraang modelo kumpara kay Tangning … was completely overshadowed.

Ang pagkakaiba sa pagitan ng 'just-a-pretty-face' at 'real model' ay parang pagakakaiba sa pagitan ng langit at lupa.

Pagkatapos nito, ang photographer ay humiling kay Tangning na gumawa pa ng ilang mga pose. Ang dahilan kung bakit siya ay mas nagulat pa ay dahil sa katotohanan na … kahit na ano ang hiniling niya mula sa Tangning – kaya niyang tumugon sa loob ng isang segundo. Nakakaakit, malungkot, inosente, kaakit-akit – kaya niya itong ibigay gamit ang isang simpleng sulyap at ang detalyadong diskarte nito. Hindi niya mapigilang pumalakpak.

Ang ganitong uri ng modelo ay ganap na sumasaklaw sa totoong Oriental Trend!