Chereads / Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 47 - Magazine na may Dalawang Tao

Chapter 47 - Magazine na may Dalawang Tao

Pagkatapos na makumpleto ang solo shoot, umalis si Tangning ng studio para sa pagbabago ng set. Kailangan din niyang magpalit ng bagong damit. Gayunpaman, sa pagpapalik niya sa waiting room, nakita niya ang assistant ni Mo Yurou na nakatayo sa labas ng pinto at nagbabantay habang galit itong nakatingin sa kanya.

"Nasa loob si President Han, kailangan mong saglit na maghintay."

Mahinahong sinulyapan ni Tangning ang assistant ni Mo Yurou bago banayad niya itong itinulak sa gilid at binuksan ang pinto.

Sa loob ng silid, nakaupo si Mo Yurou sa kandungan ni Han Yufan – ang dalawa ay lulong sa mga nag – aapoy na sandali. Ang tagpong nakita niya sa kanyang harapan ay katulad ng gabing natuklasan niya na pinagtataksil siya ng dalawang ito. Ang ganitong uri ng kagalit – galit na bagay at pagsasawalang bahala sa ibang tao na nasa paligid nila ay nagpapakita na akala nila ay nanalo na sila.

Nang makita niya ang dalawa, hindi nagalit o nasaktan si Tangning katulad ng naramdaman niya ng una niyang matuklasan ang bagay na ito. Sa halip, sa kanyang mga mata pinagmasdan niya ang mga ito ng may pangungutya at pang – aalipusta.

Hindi inaasahan ni Mo Yurou na biglang maglalakad papasok si Tangning. Nang makita niya na umakto lamang na parang walang nakita si Tangning, hindi na niya ipinagpatuloy kung ano man ang kanyang ginagawa.

Nang mapagtanto niya ang sitwasyon, itunulak ni Han Yufan si Mo Yurou paalis sa kanyang kandungan, "Ipagpatuloy nalang natin ito pagbalik natin sa hotel ngayong gabi."

"I love you, Yufan," kinuha ni Mo Yurou ang pagkakataong ito na aminin ang kanyang pagmamahal ng may buong karangalan. Pagkatapos ng lahat, nakuha niya ang pinakamagandang bagay na pagmamay - ari ni Tangning, ito ay si Han Yufan – na ayon sa kanyang pag – aakala.

"I also love you, babe." Pagkatapos magbigay ng muling katiyakan sa babaeng nasa mga bisig niya, tumayo si Han Yufan at binigyang babala si Tangning, "Sa ilang sandali gagawin n'yo nang dalawa ang photo shoot na magkasama, siguraduhin mong maayos kang makipagtulungan kay Yurou. Ikaw rin, Yurou, huwag kayong gumawa ng gulo sa isa't isa. Hindi natin kayang mapahiya pa, naiintindihan?"

"Yufan, hindi mo pa rin ba naiintindihan hanggang ngayon si Tangning? Hindi ba ang layunin niya dito ay maging sanhi ng problema sa atin? Huwag kang mag – alala, babantayan ko siya."

Si Tangning ay tahimik lamang sa buong panahon. Gamit ang kanyang matatas na Ingles, sinabihan lang niya ang stylist at makeup artist na magpatuloy sa kanilang trabaho. Umalis si Han Yufan sa silid na may galit na ekspresyon sa kanyang mukha. Paglagpas niya sa ilang kawani, kinuha niya ang pagkakataon na tanungin sila kung kamusta ang photo shoot ni Mo Yurou.

Lahat sila ay tumugon ng, "Not bad", "She has a promising future", "Very good" at "She will go viral". Samantala, nang itinanong niya ay patungkol kay Tangning, nakangiti lang sila nang walang sinasabi.

Napakaperpekto ni Tangning, hindi sila makahanap ng mga salita upang ipahayag ito. Gayunpaman, sa mga mata ni Han Yufan, iniisip niya na nag – iwan ng strong impression si Mo Yurou.

Habang papalapit na ang photo shoot, ang stylist ay taos pusong naghanda ng isang itim at isang puting piraso ng damit para sa kanila. Ang plano ay pagmukhaing isang pares sila ng magkapatid. Sa orihinal na plano, dahil sa proactive na karakter ni Mo Yurou – mas nababagay dito ang itim na damit, samantalang ang pagiging pagkamahinahon ni Tangning ay nababagay sa kulay na puti. Ngunit dahil sa ang puti ay mas kapansin-pansin, nanguna si Mo Yurou at kinuha ang puting damit para sa sarili niya.

"Ito…" Nalagay sa mahirap na sitwasyon ang fashion designer.

"Ibigay n'yo na 'yan sa kanya" sabi ni Tangning na hindi man lang kumukurap. "Hangga't sigurado si Miss Mo na hindi niya ito pagsisisihan!"

Gayunpaman, hindi kayang tanggapin ni Long Jie ang sitwasyong ito. Nakatayo sa likod ni Tangning, naghagis ito ng verbal grenade kay Mo Yurou, "Talaga bang ugali mo na ang manguha ng mga bagay na hindi sa iyo?"

"Sumang – ayon na si Tangning, ano ang karapatan mong hindi pumayag, isa ka lamang assistant," Kinuha ni Mo Yurou ang puting damit na may pagmamalaki.

Bahagyang ibinagsak ni Long Jie ang kanyang paa, gayunpaman, nilingon siya ni Tangning at sinabi, "Ang damit na iyan ay talagang nababagay sa kanya."

Pagkadinig nito, naunawaan agad ni Long Jie - walang dahilan na si Tangning ay magbibigay lamang ng kanyang damit sa ibang tao. Kaya humanahon na siya.

Dahil sa pangyayari, sa katapos – tapusan nagpalitan ng damit ang dalawang modelo; wala namang malaking pagbabagong naganap, pareho naman ang mga itong cheongsams (a.k.a qipao). Pagkatapos na isuot ang puting cheongsam, nagmukhang maliwang at masaya si Mo Yurou – napakapreskong tingnan nito. Ang detalyadong burda sa cheongsam ay ginawa upang magmukha siyang goddess; tumugma ito sa kanya.

Hindi hangal si Mo Yurou, alam niya na ang malamlam na kulay ay mas agaw pansin, iyon ang dahilan kung bakit puti ang kanyang unang pinagpilian - sino ang magsuot ng walang buhay na kulay tulad ng itim? Ngunit? thinking about it, ang walang kabuhay – buhay na personalidad ni Tangning ay perpekto sa kulay na ito; hindi mapigilang tumawa ni Mo Yurou sa pag – iisp nito.

"Nababagay sa iyo ang itim."

Sa paghusga sa sitwasyon, kung si Tangning ay magsuot ng itim, hindi ba siya magiging backdrop niya? Nangangarap si Mo Yurou.

Ngumiti lang si Tangning habang ibinabalik niya rito ang pagpuri, "Nababagay din sa'yo ang puti."

"Magsisimula na ang shooting, maaari na bang maghanda ang mga modelo," pagtawag ng assistant ng photographer mula sa labas.

Sumulyap ng mabilis si Mo Yurou kay Tangning, bumilis ang tibok ng puso ni Mo Yurou – ito ang unang pagkakataon na makasama niya si Tangning sa iisang entablado. Ito na ang kanyang pagkakataon na ipakita ang kanyang kakayahan; gusto niyang mapagtanto ng lahat na isa lamang outdated model si Tangning at hindi siya maaaring ikumpara dito in a million ways.

Pumasok ng magkasunod ang dalawang modelo sa loob ng studio. Sa pagkakataong ito, ang backdrop ay i isang modernong tanawin ng kalye na nagbigay ng isang mapanglaw na aura.

Pinanood ng photographer sina Tangning at Mo Yurou na pumunta sa set. Isang biglaang ideya ang pumasok sa kanyang isip: hindi lamang si Tangning may isang malakas na pundasyon sa pagmomodelo, posible na naintindihan din niya ang photography. Nakikita niya ito sa paraan ng pagpili ni Tangning sa kanyang mga anggulo at paggamit nito ilaw para maging bentahe niya – ito ang magpapatunay na naiintindihan niya ang paggamit ng complementing colors.

Bakit biglang naisip ito ng photographer? Dahil ba ang backdrop sa likod ng mga ito ay luma at mapanglaw, samantalang ang kalangitan ay puti. Kung iyong iisipin, kapag naglagay ka ng anumang bagay na kulay puti sa isang blangkong papel, ito ay mawawala lamang dahil sa background. Sa kabilang dako naman, ano ang mangyayari kung maglalagay ka naman ng anumang bagay na kulay itim?

Hindi mahalaga kung gaano ito maliit, mapapansin pa rin ito ng sinumang tumitingin dito.

Upang kumpirmahin ang kanyang mga saloobin, nilingon ng photographer ang kanyang assistant at nagtanong, "Nakita ba ni Tangning ang pagpapalit natin ng background?"

"Sa tingin ko nakita lamang niya kami na nagdadala ng backdrop sa ..."

Indeed...

Isa siyang propesyunal at naiintindihan kung paano samantalahin ang sitwasyon. Kung ang isang modelo na tulad niya ay hindi maging sikat, mayroon nang mali sa mundo ito.

Mas napabilib pa ni Tangning ang photographer.

Sa isang banda, ang alam lang ni Mo Yurou na gawin ay ang sumunod sa agos. Ang alam lamang niya ay tumayo sa harap ni Tangning dahil sa pagtayo sa harap ni Tangning ay mas magpapa – angat sa kanya.

Hinayaan siya ni Tangning na gawin ang gusto niya at ginawa din nito ang lahat na makapagpasaya sa kanya … at sinuportahan pa siya nito.

"Halika, maghanda na kayo …. Kailangan na nating magsimula. Ang unang hanay ng mga shot ay kinakailangang tumayo sa harap si Miss Mo habang hawak ang kamay ni Miss Tang. Si Miss Tang ay susunod sa likod. Gusto ko na makita sa inyo ang pagkasabik, na para bang unang pagkakataon n'yo lamang makalabas sa mga kalye."

Nang marinig niya na tatayo siya sa harapan, ngumisi si Mo Yurou sa sarili niya. Tunay nga … tama ang naging desisyon niya sa pagpili ng puti. Walang alinlangang magiging sikat siya dahil sa magazine shoot na iyon, kaya ang kanyang mapagmataas na ekspresyon ay nadagdagan. Lumingon lamang siya, hinawakan ng hindi sinasadya ang kamay ni Tangning at nag – pose na para bang nababalisa siya habang sumusulong…

Gayunpaman, anong pose ang ginawa ni Tangning? Inilagay lamang niya ang kanyang pagtuon sa isang maliit na tindero sa kalye na nakalarawan sa backdrop. Ang tindero sa kalye ay nagbebenta ng maraming magandang tela at para bang nabibighani siya rito. Sa pagtingin sa kanya, maaari mong maramdaman kung gaano niya kagusto na manatili roon at huwag hilahin papalayo. Kasabay nito, ipinakita niya ang magandang kurba ng isang bahagi ng kanyang katawan habang hinihila si Mo Yurou sa eksena…

Ngunit dahil sa ang ekspresyon niya ay napakasigla … ang lahat ng atensyon ay nasa kanya…

Kaya naman..

...Mo Yurou...

…naging bahagi na lamang ng backdrop ...