Chereads / Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 26 - Maliliit Lamang Iyon na Pag – atake

Chapter 26 - Maliliit Lamang Iyon na Pag – atake

Sa katunayan, hindi lamang pala walang hiya si Han Yufan, ipinagpapalagay din niya na ang lahat ng kanyang iniisip na mangyari ay kontrolado niya sa kanyang mga palad.

Nang sumunod na araw, nagpalabas ng pahayag ang Tianyi Entertainment at mga organizers ng event na nagtuturo kung ano ang dapat gawin ng mga tao para makakuha ng tickets upang masilayan si Tangning.

Nang mailabas sa publiko ang balita, kasabay nito ang paglabas ng lahat ng iba't ibang klase ng insulto para kay Tangning.

"Ugh, gusto pa ring magpakita ni Tangning sa event na inorganisa ng isang hindi mapagkakatiwalaang produkto, ganon na ba siya kahirap? Kapag pumunta talaga siya doon, magiging kapantay na niya ang brand na kanyang iniindorso at magiging isang kahiya – hiyang modelo."

"Eh, iniisip ko pa naman na isa siya sa mga kapansin – pansin sa modeling industry. Nabulag siguro ako sa katotohanan!"

"Sa makalawa, Tangning, ikaw at walang kwentang produktong iyong sinusuportahan ay marapat lamang na lumisan na sa mga mata ng publiko."

"Pagmasdan mo ang lahat ng komento rito. Ang lahat ay nagsasabi ng kani – kanilang mga hinaing… at ang nag – iisang tao lamang na maaaring makatiis sa lahat ng pang – aabusong ito at dumalo pa rin sa event bukas na may ngiti sa labi ay walang iba kundi si Tangning. Simula ngayon, sa puso ko, ikaw na ang pinaka nakakasuklman na babaeng celebrity. Walang makakatalo sa iyo!"

Tianyi Entertainment. Nakaupo si Mo Yurou sa upuan ni Han Yufan sa kanyang opisina habang binabasa ang lahat ng mapang - abusong komento at ng dahil dito naging maganda ang kanyang pakiramdam.

Kung gusto ni Tangning na makipaglaban sa kanya, dapat isinaalang – alang muna nito kung may kakayahan ba siya. Kahit gaano kagusto ni Tangning na bumalik sa industriya, simula bukas, hindi na ito mangyayari pa. Mas malala pa ang mangyayari bukas kaysa sa nangyari noong nakalipas na 3 taon. Kapag dumating ang pagkakataon na kanyang hinihintay, magpapakasawa siya na tawanan si Tangning, ang kasiyahan na makukuha niya sa pangungutya kay Tangning, ay isang bagay na hindi niya mararanasan sa ibang tao.

Samantala, nasa Tianyi Entertainment din si Tangning. Para sa event bukas, siya ay nasa isang meeting – to be exact … siya ay nasa pagpupulong na iyon para ipaalam sa kanya kung ano ang dapat niyang sabihin sa event na gagawin bukas. Ibinigay ni Han Yufan kay Tangning ang script na inihanda nila noon at partikular na inutos, "Tangning, pag – aralan mong mabuti ang script na ito ngayong gabi. Sa event bukas, 'wag mong kalimutan na banggitin iyan sa mga reporters."

"Ito ang pinakamahalagang bahagi na iyong gagampanan sa pagdalo mo sa event bukas."

Pinagmasdan ni Tangning ang script na nasa kamay niya. Hindi ba nakaramdam ng kahihiyan si Han Yufan habang ibinibigay ito sa kanya?

Sa daan papauwi sa bahay ni Tangning, si Lin Wei ang nagmamaneho ng sasakyan habang nakaupo naman sa kanyang likuran si Long Jie at Tangning. Galit na galit na idinuro – duro ni Long Jie ang script na ibingay kay Tangning, "Sinusubukan ba ni Han Yufan na galitin ako? Para lamang malinis ang pangalan ni Mo Yurou, gagawin niya ang mga bagay na katulad nito. Wala talaga siyang konsiyensya at wala talaga siyang pakialam kung masasaktan ka."

Tiningnan ni Lin Wei si Tangning sa pamamagitan ng rear view mirror, katulad ng dati walang bakas ng problema ang mukha nito bagkus napahinahon ng kanyang imahe.

Kahit sa isang tao na katulad niya, na nakaranas na ng siklo ng tagumpay at pagkabigo, at ganap na nauunawaan ang takbo ng entertainment industry, napansin niya na napakawalang puso ni Han Yufan. Samantalang si Tangning na pinatutungkulan niya ay hindi man lamang nagpapakita ng kahit anong damdamin.

"Tangning, ano ang gusto mong gawin ko bukas?" Tanong ni Lin Wei, "Ang lahat ng bagay na ipinahanda mo sa akin ay nakahanda na. Ang lahat ng katibayan ay napagsama – sama ko na, nagtago din ako ng recording ng pag – uusap nila Mo Yurou tungkol sa planong paghadlang nila sa lahat ng proyektong gagawin mo."

"Bukas … sasamantalahin ko ang pagkakataon na sa akin nakatuon ang lahat upang ipahayag na ako ay opisyal nang magbabalik," seryosong sinabi ni Tangning sa dalawa, "Pinagkakatiwalaan ko si Long Jie, pero ikaw … Lin Wei!"

"Hindi mo kailangan sabihin pa, susunod ako sa'yo. Matagal na akong nasa industriya, at ang aking isipan ay hindi palaging malinaw, ngunit ikaw ang nagbigay sa akin ng pagkakataon upang pumunta sa tamang landas," tugon ni Lin Wei habang nasasabik na harapin ang mga hamon na paparating.

"Lahat ng ebidensya na nakalap natin, ibenta mo sa malalaking media companies upang maging pangunahing balita nila bukas," seryosong sabi ni Tangning. "Ang lahat ng ginawa ko dati ay maliliit lamang na pag – atake. Naging masyado akong mabait sa dalawang iyon. Simula ngayon, mararanasan nila ang bagsik ng pamamaraan ko ng paghihiganti."

"Yes!" sa sobrang saya na nararamdaman ni Long Jie, halos mapatalon siya mula sa kanyang kinauupuan.

Nakaramdam si Lin Wei ang muling pagbabalik ng kanyang pagnanais na magtagumpay nang marinig niyang magsalita si Tangning.

Matapos ang lahat, ang makita si Tangning na pagtaksilan sa ganitong paraan, ipahiya at apak apakan, bawat babae na makakasaksi nito ay makakaramdam ng galit. Mabuti na lamang, ang pamamaraan ni Tangning ng paghihiganti ay pabagsakin ang mga ito na walang pagkakataon na makabangon muli sa kanilang kasasadlakan na paghihirap. Ang ganitong uri ng paghihiganti ay lubhang kasiya – siya na nagpaningning sa puso nina Lin Wei at Long Jie!

Alam ni Lin Wei na kasalukuyan siyang naninirahan sa Hyatt Regency, ngunit wala itong ideya na naninirahan siya dito kasama ni Mo Ting.

Hindi pa niya kayang pagkatiwalaan ng isang 100% si Lin Wei. Kaya naman pagkatapos nilang makarating sa harap ng villa, pinakiusapan niya si Lin Wei na ihatid si Long Jie sa bahay nito.

Sa pagpasok niya sa bahay, napansin niya na nakauwi na rin si Mo Ting. Ang matangkad na kaakit – akit na pigurang ito ay matiwasay na nakahiga sa sopa na kung saan ang kanyang kanang braso ay nakatakip sa kanyang mga mata para maiwasan na masilaw sa mga ilaw. Tumawa ng mahina si Tangning habang tahimik na lumakad papunta sa tabi ni Mo Ting at umupo rito. Dahan – dahan niyang hinaplos ang mukha nito ng kanyang maiinit na daliri, "Bakit hindi ka sa kama natutulog?"

"Ang kompayang iyong i-iindorso bukas ay pinadalhan na sulat ng mga abogado ng Han Rui, sila ay idinidemanda sa salang panloloko." Umupo si Mo Ting at tumingin kay Tangning, "Tinatayang bukas ng hapon, ang balita tungkol dito ay maisasapubliko na."

"Ok lang, umaga lang naman ako magpapakita doon," sagot ni Tangning habang humihiga dibdib ni Mo Ting.

Kahit na hindi masyadong nagsasabi si Tangning ng mga bagay bagay na tungkol sa kanyang pinagdadaanan, tila ba nababasa ni Mo Ting kung ano ang nasa isipan nito – alam niya kung ano ang pinaplanong gawin nito bukas ng umaga. Sa parehong pagkakataon naman, alam din ni Tangning, pagkatapos niyang simulan bukas ang kanyang mga plano, hindi siya madaling pakakawalan ng kliyente. Kaya naman ang Han Rui, na halos nagsayang lamang ng oras sa isang maliit na kumpanya at nagpasya na magpadala ng sulat mula sa kanilang mga abogado – ang layunin nito ay para tulungan siya.

"Hubby, Salamat…"

"Para saan?" Tanong ni Mo Ting habang marahan na hinahaplos ang kanyang likuran.

"Salamat sa pag – intindi sa akin. Salamat sa pagprotekta sa akin…"

Hindi na nagsalita si Mo Ting ng anupaman habang inilagay niya ang kanyang ulo sa mga hita ni Tangning upang gamitin itong unan, "Maghapon kong inusisa ang mga dokumentong ibinigay sa akin, kaya naman napagod ang aking mga mata."

"Kung gayon, ako nalang kaya muna ang magbabasa ng mga ito para sa'yo…" Kinuha ni Tangning ang isang English document na hindi natapos basahin ni Mo Ting. Binasa ito ni Tangning para sa kanya gamit ang pang – propesyonal na antas ng pagsasalita ng Ingles. Ngunit, ng matapos ni Tangning basahin ito, napabuntong – hininga siya, "Dati, napakaganda ang mga kondisyong inaalok sa akin ng Star King, pero pinalampas ko ang pagkakataon na maranasan iyon nitong nagdaang 3 taon. Sino ba ang mag – aakala na sa huli ay makikilala kita? Ang Diyos ay tunay talagang makatarungan, talagang inilalaan niya ang pinakamaganda sa huli."

"Pagkatapos mong kanselahin ang kontrata mo sa Tianyi, saan kompanya mo nais pumirma?"

"Masyado pang maaga…" umiling lang si Tangning dahil hindi siya sigurado kung makakabawi pa ba siya. Kaya, sa ngayon hindi pa siya nakakapagdesisyon.

"Pumirma ka sa akin…"

"Para sa Han Rui, walang espesyal sa isang modelo na katulad ko!" tanggap ni Tangning na ang pagpirma ng kontrata sa Han Rui ay parang hindi makatotohanan.

Tumawa lamang si Mo Ting at iniba na lamang ang paksa na kanilang pinag – uusapan. Hindi masyadong naintidihan ng kanyang munting asawa kung ano talaga ang gusto niyang sabihin. Ang ibig sabihin talaga niya ng alukin ito na pumirma sa kanya ay hindi patungkol sa pagtratrabaho nito sa kanyang kumpanya. Ang kontratang kanyang isusulat para dito ay nag – iisa lang sa buong mundo, dahil si Tangning lamang ang nag – iisang tao na maaaring kunin siya bilang manager.

Ngunit, ang sorpresang ito ay sasabihin na lamang niya sa mga susunod na panahon. Bagaman asawa siya ni Tangning, kailangan pa rin niyang maghintay at tingnan kung karapat dapat ba ito.

Hindi siya sanay na nakikita si Tangning na nawawalan ng tiwala sa kanyang sarili, kaya naman umupo siya, inilagay ang kayang braso sa leeg nito at hinila ito papalapit sa kanya at parang bang nagmamakaawang bigyan ng halik, "Hindi ko hahayaan na maliitin mo ang iyong sarili."

"Alam ko na humahanap ka lang ng paraan para makakuha ng halik!" hinawakan ni Tangning ang mainit – init na palad ni Mo Ting at inilagay ito sa kanyang dibdib, "Gusto ko na pumunta na tayo sa sunod na antas ng ating pagsasama…"