Chereads / Trial Marriage Husband: Need to Work Hard (Tagalog) / Chapter 22 - Hindi Ko Sasalakayin ang mga Taong Hindi Naman Ako Unang Sinalakay

Chapter 22 - Hindi Ko Sasalakayin ang mga Taong Hindi Naman Ako Unang Sinalakay

"Alam mo rin ang event na inihanda para sa akin ni Han Yufan?" Lumingon si Tangning kay Long Jie at na may halong pagtatanong na ipinapakita sa kanyang mga mata, iniisip niya na ito ang nagsabi kay Mo Ting. Gayunpaman, iwinasiwas agad ni Long Jie ang kanyang mga kamay na para bang nagsasabi na wala siyang kinalaman sa kung paano nalaman ni Mo Ting ang lahat.

"Sa industriyang ito, hangga't gusto kong malaman ang isang bagay, makagagawa ako ng paraan upang malaman ang kahit anumang bagay."

Dahil sa sinabing iyon ni Mo Ting, hindi na nagulat si Tangning kung paano nagawa ni Mo Ting na makaakyat sa rurok ng tagumpay. Kaya naman ngumiti na lamang siya rito, "Wag kang mag – alala, binigyan mo na ako ng espada na maaari kong gamitin upang mapatay ang aking mga kalaban kaya naman sisiguraduhin ko na tatapusin ko ang laban na ito ng kasiya – siya."

Hindi na sumagot pa si Mo Ting bagkus ay inabot lamang niya ang kanyang mga kamay upang hawakan ang buhok ni Tangning.

Nang matunghayan ni Long Jie ang kilos ng dalawa… biglang nakaramdam siya pagkakilabot. Kakakasal lamang ng dalawa, ngunit bakit sa kanyang pakiwari niya ay parang kahalintulad na sila ng isang pares ng mag – asawa na matagal na nagsasama?

Nang matapos ang shooting ng commercial, bumalik na silang tatlo sa Beijing. Pagkasay nila sa eroplano, si Tangning at si Mo Ting ay sumandal sa bawat isa nang may pagmamahal, ngunit sa sandaling nakarating na sa Beijing ang eroplnao, naghiwalay sila ng kanilang mga landas na para bang hindi ni kilala ang isa't isa.

Ipinadala ni Han Yufan ang bago niyang manager na si Lin Wei upang sunduin sila sa kanilang pagdating sa Beijing. Sa labas ng airport, nakatayong naghihintay ang babaeng manager na si Lin Wei. Siya ay nakasuot ng light purple chiffon dress, nakasuot ng 10 pugadang taas na heels at nakasuot pa ng sunglasses, at makikita na palagian pa itong tumitingin sa kanyang relo. Ang kanyang mga kilos at aksyon ay nagpapakita ng pagka – inip sa paghihintay, na para bang nabaliktad ang papel niya at ni Tangning – na parang siya ang international star na naghihintay ng susundo sa kanya.

Napansin ni Tangning ang isang karatula na kung saan nakasulat ang kanyang pangalan, nakalagay ito sa tabi ng paa ni Lin Wei. Nagpasya siya na huwag itong pansinin at diretsong lumabas ng airport kasabay ni Long Jie.

Tumawa ng mahina si Long Jie; Nagsisimula nang magkaroon ng attitude si Tangning na sinasang – ayunan niya. Sa kalahatian ng kanilang paglalakbay, nakatanggap ng tawag si Tangning mula kay Lin Wei, "Tangning, nasaan ka na? Diba dapat dumating ang sinasakyan mong eroplano ng 12?"

"Pabalik na ako ngayon sa opisina," kalmadong sagot ni Tangning.

"Hindi mo ba ako nakita ng lumabas ka galing sa arrival area?"

"Nakita kita," kalmadong sagot ni Tangning na halos walang emosyon na maririnig.

"Kung gayon bakit hindi ka lumapit sa akin?" galit na galit na sagot ni Lin Wei.

"Nakita kitang nakasuot ng sunglasses, akala ko naroon ka sa airport para magtanghal …" mapanuyang sagot ni Tangning.

"…" Namumula na ang mukha ni Lin Wei sa sobrang galit habang pinapatay ang cellphone niya at nagmamadaling bumalik sa opisina.

Maaga siyang nagsimulang magtrabaho sa industriya, subalit hindi siya nagiging matagumpay. Kahit na mayroon siyang ilang mga artista na natulungan na sumikat, ngunit laging nagtatapos ang career ng mga ito sa kadahilanang mayroon silang nakakabanggang mga personalidad na nasa mataas na estado sa lipunan o kaya naman ay ipinapadala sa rehab. Kaya naman, bilang isang manager, hindi maganda ang kanyang reputasyon sa industriya. Sa pagkakataong ito, hiniling ni Mu Yurou na maging manager siya ni Tangning upang mapigilan niya ang muling pagsikat nito. Ngunit, sino ba ang mag – aakala na hindi pa man niya nakikita ng personal si Tangning ay pinagmukha na siya nitong tanga.

Determinado siyang huwag sumuko. Dahil si Tangning ay isang laos na modelo lamang sa kanyang paningin, ano karapatan nito na hindi magpakita ng respeto kanya?

...

Pagkatapos ng 20 minuto, naunang dumating sa opisina si Tangning. Habang papasok siya ng Tianyo Entertainment, naisipan niyang dumiretso sa opisina ni Han Yufan at padabog niya itong binuksan.

"Naghihintay ako ng iyong paliwanag," bulalas ni Tangning habang ibinagsak niya ang kanyang mga kamay sa lamesa, "So, mayroon talagang namamagitan sa inyong dalawa ni Mo Yurou?"

Inihinto muna ni Han Yufan ang kanyang ginagawa, natigilan siya sandali at saka inilihis ang usapan, "Kadarating mo lang, bakit dito ka dumiretso?"

"Gaano na kayo katagal?" pagpapatuloy ni Tangning sa paksang pinag – uusapan, "Gaano na katagal kayong nagsasama?"

"Tangning," biglang sigaw ni Han Yufan, "Punong puno na ako sa iyo, alam mo ba kung gaano na nakakainis ang mga ikinikilos mo? Bakit hindi mo gawin ang mga bagay na gusto ng mga lalaki, katulad na lamang ni Yurou? Anong klaseng babae ba ang lagi na lamang nagagalit, katulad mo?"

Unti – unting hinila pabalik ni Tangning ang kanyang mga kamay mula sa lamesa at tiningnan ng may pagtatanong si Han Yufan, "Ano ba ako sa tingin mo? Laruan?"

"Tangning, maghiwalay na tayo… totoo na may relasyon na kami ni Yurou… at kami ay tunay na nagmamahalan," kinakausap ni Han Yufan si Tangning na para bang hindi sila magkakilala at parang bang wala silang pinagsamahan. "Huwag mo akong sisihin – dahil walang salita ang maaaring makapagpaliwanag sa tunay na pagmamahal. Simula ngayon, ang tanging relasyon na mananatili sa pagitan natin ay ang pagiging subordinate mo at pagiging superior ko sayo sa kumpanyang ito, ako ang iyong boss at ikaw ay isang empleyado ko lamang!"

Umismid lamang si Tangning habang nakataas ang isang sulok ng kanyang mga labi; mas kalmado ang kilos ni Tangning kaysa sa inaasahan ni Han Yufan, "So, marahil ay wala kang planong pakawalan ako sa aking kontrata sa kumpanyang ito? Siguro ipinapalagay mo na kapag pinakawalan mo ako, kahit kalian ay hindi magtatagumpay si Mo Yurou."

"Ipagpatawad mo, kailangan mo pang maghintay ng 3 taon bago iyon mangyari."

"Ito ba ang dahilan kung bakit ibinigay mo sa akin ang event na 'yon?" Pagpapatuloy na tanong ni Tangning.

"Sa estado mo ngayon, ang proyektong ito ay nababagay sa iyo." Pagkatapos niyang magsalita, bumalik na si Han Yufan sa kanyang kinauupuan at binuksan ang ilang mga dokumentong nakalagay roon, "Kung wala ka nang sasabihin, maaari ka nang umalis. Bago ko makalimutan, si Lin Wei ay ang iyong bagong manager kung kaya nararapat lamang na sundin mo ang lahat ng kanyang mga pinagagawa."

Ang 5 taon niyang pantasya ay nasayang lamang nang dahil sa walang hiyang si Han Yufan!..

Hindi masabi ni Tangning na hindi na nasasaktan ang kanyang puso, pero sa oras na iyon mas nakakaramdam siya ng pagkamuhi sa lalaking nanloko sa kanya.

"Alam mo ba kung anong nangyayari sa mga taong hindi tapat? – hindi sila nagiging masaya." Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang ito, tinalikuran na ni Tangning si Han Yufan at iniwan na ito sa kanyang opisina. Dahil sa pangyayaring naganap sa opisina, ang kanyang determinasyon na pabagsakin ang Tianyi sa entertainment industry ay naging mas matindi.

Bumalik si Tangning sa kanyang kwarto. Sa kabilang banda, kararating lang din ni Lin Wei galing sa airport. Pumasok kaagad si Lin Wei sa loob ng kwarto ni Tangning ng hindi man lang kumakatok at nagsisisigaw, "Alam mo ba na simula ngayon, ikaw ay artist na hawak ko? Gusto mo pa bang maging isang modelo at makakuha ng mga proyekto? Ano ang karapatan mo na itrato ako ng ganito … isa ka bang baboy?"

Pagtapos na marinig niya ng mga salitang ito, bigla na lamang tumayo si Tangning sa kanyang kinauupuan at lumakad ng dahan dahan patungo kay Lin Wei, "Ulitin mo nga ang sinabi mo, ano yung huling apat na salitang sinabi mo?"

"Tinatanong ko kung isa ka bang baboy?" pagmamalaking inulit ni Lin Wei ang kanyang sinabi. Pagkatapos na sabihin ito ni Lin Wei, isang malakas na sampal ang naramdaman ni Lin Wei na lumapat sa kanyang pisngi, "Ang sampal na ito ay para paalalahanan ka kung hanggang saan lang lugar mo."

Natigilan si Lin Wei. Nanlaki ang kanyang mga mata, handa na siyang lumaban sa ginawa sa kanya ni Tangning, ngunit, inilabas ni Tangning ang kanyang cellphone at ibinigay ito sa kanyang, "Napakadaming larawang katulad nito sa aking cellphone. Dahil sa 4 na salitang sinabi mo ngayon, napagdesisyunan ko na ipadala ang mga ito sa 4 na pinakamalalaking media companies."

Biglang nanigas ang buong katawan ni Lin Wei sa oras na iyon, hindi niya masyadong maunawaan ang ibig sabihin ni Tangning. Hanggang sa nakita niya sa screen ang isang larawan niya habang inaakit ang isang direktor. Bigla na lamang hindi gumana ang kanyang utak!

Hindi ito maaari, paano nakuha ni Tangning ang mga larawang ito? Nag – ingat siyang mabuti… hindi ito totoo, marahil hindi siya ang larawan na nakikita niya.

"Alam ko na ang nasa likod ng lahat ng ito ay si Mo Yurou. Kung hindi ka sumobra sa iyong mga kilos at pananalita, hindi ako mag – aabala na pansinin ang isang simpleng manager na katulad mo, pero… hindi mo marahil alam kung sino ang ginugulo mo…"

Nagsimulang matakot si Lin Wei at manginig ng kanyang mga kamay. Kung nalaman lang niya ng mas maaga na may hawak si Tangning na ebidensya laban sa kanya, hinding – hindi siya papayag sa hiling ni Mo Yurou na gawing mahirap ang lahat para kay Tangning.

Kaya naman, biglang nagbago ang kulay ng kanyang mukha habang lumuluhod, "Tangning, hindi ko naman talaga sinasadyang itrato ka ng ganito, paki – usap, huwag mong ilabas ang mga larawang iyan, kapag ginawa mo yan, maaaring katapusan ko na."

Pinagmasdan ni Tangning si Lin Wei habang ito ay nakaluhod, "Ang mga sumusunod na salita ay sasabihin ko lamang ng isang beses: Hindi ako sasalakay sa mga taong hindi ako unang sinalakay, ngunit kapag may taong umatake sa akin… sisiguraduhin ko na magiging imposible na para sa kanila na makabalik pa mula sa kailaliman ng impiyerno. Simula sa araw na ito, gawin mo ng tama ang trabaho mo at gagawin ko naman ang sa akin. Kung may balak kang gumawa ng masama at gusto mong makipaglaro… masaya akong makikipaglaro sa iyo. Ngunit ang kahihinatnan nito … ay hindi lamang kasing simple ng paglalabas ng ilang mga larawang hawak ko..."

Ang Tangning na nakikita niya sa sandaling iyon ay isang malupit at dominante. Hindi alam ni Lin Wie kung paano siya tutugon – dahil ang alam niya ay ang mga bagay na sabi ng iba – na ito ay isang taong mahina ang loob at madaling pasunurin.

"Naiintindihan ko. Alam ko kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin," Natatakot na sagot ni Lin Wei kay Tangning.

Pagkatapos niyang mailabas ang kanyang galit, bumalik na sa dating kalmadong estado si Tangning habang tinatanong si Lin Wei, "Kailan ko kailangang magpakita sa event?"

"Pu … pupunta ka?" Hindi maintindihan ni Lin Wei kung anuman ang tumatakbo sa isipan ni Tangning.

"Sabihin mo lang sa akin kung kalian," pag – uulit ni Tangning.