Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1372 - Pakinggan ang Kuwento ni Lord Jue Tungkol sa Magical Artifacts (2)

Chapter 1372 - Pakinggan ang Kuwento ni Lord Jue Tungkol sa Magical Artifacts (2)

"Big Brother Wu Yao! Batid ko na wala kang hindi alam tungkol dito! Kailangan mo kaming

iligtas dito!" paghihikayat ni Qiao Chu na naluluha na at tumutulo ang uhog habang

sumisigaw, ang kanyang mga mata ay kumikislap habang papalapit kay Jun Wu Yao , at iniisip

kung luluhod at yayakapin ang mga hita ni Jun Wu Yao.

Tahimik na nakatayo sa isang tabi si Ye Sha at Ye Mei na ang mga nakatirik ang mga mata.

[Kailan magkakaroon ng talino ang batang ito?]

"Oo naman." Sinabi ni Jun Wu Yao na may maningning na ngiti. Ang ngiti ay tulad ng sariwang

simoy ng hangin na may bahid ng kasamaan, nagbigay ng kaginhawaan at sigla sa kaniyang

mga kasama.

Si Qiao Chu ay nag-iisip sa sandaling iyon na kung siya ay isang babae, maaring maging karibal

siya ni Jun Wu Xie sa pag-ibig.

Dinampot ni Jun Wu Yao ang isang ginintuang insensaryo na nasa kaniyang tabi. Ang

insensaryo ay kasing-laki lamang ng kaniyang palad at ang kabuuan nito ay pinaningning ng

ginituang liwanag.

"Para sa kaalaman ng lahat, ang spirit power ay may pitong antas na kaibahan, red, orange,

yellow,green,blue,indigo at purple. Ngunit hindi ito natatapos dito. Ang pundasyon ng spirit

powers ay nagmumula sa taginting sa pagitan ng iyong soul at iyong ring spirit at alam mo

kung saan nakabatay ang ang ring spirits upang mahanap ang kanilang Masters?"

Ang tanong ni Jun Wu Yao ay naging dahilan upang mag-isip ng malalalim ang mga kasama.

Ang mga alituntunin na sinusunod ng ring spirits sa pagpili ng Masters ay mailap sa mga

kasama hanggang sa ngayon at bukod sa pagkaalam na ang partikular na mga angkan ay may

tinukoy na uri ng Ring Spirits, at wala silang nalalaman tungkol dito.

"Karaniwan, ang ring spirits a may tatlong uri. Weapons Type, beast type, at plant type.

Kabilang sa mga tatlong uri ng Ring Spirits, ang weapons type at beast type ay nahati sa pitong

kategorya tulad ng darkness, light, metal, lightning, water, fire at earth. Kapag naghahanap ng

Masters ang Ring Spirits, ang kanilang pagpili ay nakabatay sa isang alituntunin alinsunod sa

katangian ng spirit ng isang tao. Ang pitong katangian ay nakatago sa loob ng iyong soul at ang

ring spirits na may katulad na katangian ang kusang magpapasakop sa iyo."

Ang usapin tungkol sa mga katangian ay uang beses na narinig ni Qiao Chu at ng iba pang

kasama kahit na sila ay nagmula sa Middle Realm. Hindi nila alam na ang soul ng isang tao at

ring spirit nito ay may sinusunod na lihim na alitutunin tulad nito.

Si Jun Wu Yao ay nakatingin sa gulat na gulat na grupo ng kabataan at nagpatuloy ng dahan-

dahan: "Ang spirit powers na inyong nililinang ay sumusunod din sa ibat ibang kategorya na

inyong kinabibilangan tulad ng mga magical artifacts. Upang kayo ay makahiram ng

kapangyarihan sa kanila para madagdagan ang inyong spirit powers sa maikling panahon, iyon

ay hindi mahirap gawin at kailangan mo lang mahanap ang magical artifact na naaayon sa

iyong katangian upang makamit ito."

"Ngunit… Ngunit hindi namin alam… kung ano ang taglay naming katangian…" Nnangingiming

saad ni Fei Yan. Lahat ng usapin tungkol sa mga katangian ay ngayon din lamang niya narinig

at bago nito, ay hindi niya binigyan iyon ng pansin.

Si Jun Wu Yao ay bahagyang ngumiti at pinitik ng malakas ang kaniyang daliri. Isang gintong

liwanag ang lumabas mula sa dulo ng kaniyang mga daliri at tumalon sa itaas ng ulo ni Qaio

Chu at iba pa, bumuo ng isang bolang liwanag na kasinglaki ng kuko ng daliri, nagwiwisik ng

gintong liwanag mula sa munting bolang liwanag, at bumalot sa katawan ng mga kabataan.

Di-nagtagal, natuklasan nilang lahat na ang munting bolang liwanag sa itaas ng kanilang mga

ulo ay mahiwagang nagbago sa isang iglap!

Ang kulay nito kanina na ginintuan ay napalitan ng iba't -ibang uri ng kulay.

Ang bolang liwanag na nasa ulo ni Qiao Chu ay naging naglalagablab na pula habang ang kay

Fe Yan ay nanatiling ginto. Ang bolang liwanag sa itaas ni Hua Yao ay naging bughaw at

naging malamig na asul kay Fan Zhuo. Tanging ang bolang liwanag na nasa itaas ni Rong Ruo

ang walang tigil sa pag-andap, nagtatalo sa pagitan ng ginto at abo ngunit sa huli, ito ay naging

abo.

Ang bawat isa ay may kakatuwang itsura na nakatingin sa bawat bolang liwanag na nasa

ibabaw ng kanilang mga ulo na nagbago ang kulay.

Related Books

Popular novel hashtag