Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 690 - Ang Muling Pagkikita (2)

Chapter 690 - Ang Muling Pagkikita (2)

Tinignan ni Gu Ying si Jun Wu Xie mula ulo hanggang paa at isang nakakatakot na ngiti ang naglaro sa kaniyang labi.

"Bakit? Hindi mo na aako naaalala?"

Matalim ang tingin ni Jun Wu Xie at dahan-dahan na itinaas ang kaniyang depensa.

Ang taong ito ay napakalakas, mas malakas pa kila Qiao Chu at sa mga kasama niya na nagmula sa Middle Realm.

Bagaman hindi sigurado kung ang taong iyon ay mula sa Twelve palaces, ang taong ito na nakita niya noon ay pumaslang

nang napakaraming tao sa isang iglap lamang.

Ano ang ginagawa ng isang taga Middle Realm sa lugar na iyon?

Napansin ni Jun Wu Xie na nakasuot ng Zephyr Acdemy na uniporme para sa mga disipulo si Gu Ying at sa dibdib nito ay

may nakakabit din na jade emblem na para sa guro ng Spirit Healer.

"Hindi mo kailangan kabahan, kahit na nasabi ko na noon na napakaganda ng iyong mga mata ngunit dahil ikaw si Jun

Xie, hahayaan ko na muna ang mga matang iyan sa iyong ulo nang mas matagal pa." nakangising saad ni Gu Ying, ang

mga sinabi niya ay magdadala ng takot sa sinumang makakarinig.

Malamig na tinitigan ni Jun Wu Xie si Gu Ying na patuloy sa pagsasalita. Bagaman hindi niya makita na may balak ito na

patayin siya ay hindi pa rin siya naging kampante kaya naman hindi niya ibinaba ang kanyang depensa.

Nang mapansin ni Gu Ying na walang balak si Jun Wu Xie na magsalita ay nagpasya itong maglakad ng ilang hakbang

palapit.

"Ah! Ah! Ah!" nakayukyok si Ah Jing sa tambak ng dayami, siya ay nagsimulang umiyak sa takot at nanginig ng makita

niya na naglalakad si Gu Ying papasok sa kusina. Pinilit ni Ah Jing na maghukay ng malalim sa tambak ng dayami.

"Tsk. Nagtatago ka pa rin pala dito." nang makita ni Gu Ying ang kahabag-habag na itsura ni Ah Jing ay isang masamang

ngiti ang bumalatay sa kaniyang mukha.

Tumingin siya sa gawi ni Jun Wu Xie at itinuro si Ah Jing sabay sabi: "Nakikilala mob a siya?"

Hindi nagsalita si Jun Wu Xie at ang kanyang ekspresyon ay nanatiling kalmado. Hindi nakaligtas sa kaniya ang

nagmamakaawang iyak ni Ah Jing , ang boses ay puno ng takot at tila nawala sa kaniyang sarili ng makita si Gu Ying.

"Hmm? Hindi mo maalala?" nakangiti si Gu Ying na nagpatuloy sa paglalakad. Ang ngiti niya ay napalitan ng galak habang

hinahatak niya si Ah Jing mula sa ilalim ng mga dayami. Sa pamamagitan ng paghatak sa buhok ay kinaladkad niya sa

harap ni Jun Wu Xie ang nagpupumiglas na si Ah Jing.

Ang mukha ni Ah Jing ay tinakasan na ng kulay at wala na itong kakayahan na magpatuloy sa nakakaawang pag-iyak.

"Mukhang nag-iba ata ang itsura mo kumpara noon." hinaplos ni Gu Ying ang baba ni Ah Jing habang tinititigan ito ng

bigla ay may isang masamang kislap na bumakas sa kaniyang mga mata. Kinaladkad niya si Ah Jing sa kaniyang likuran at

malalaki ang hakbang na tinungo niya ang malaking tapayan ng tubig na nasa gilid at itinulak si Ah Jing sa loob.

Nagpumiglas si Ah Jing ngunit dahil sa napakalakas ni Gu Ying ang natitirang lakas ni Ah Jing ay napunta sa wala.

Bakas sa mata ni Gu Ying ang tuwa sa pagpiglas ni Ah Jing.

SPLASH!

Sa isang iglap bago malunod si Ah Jing ay inangat ni Gu Ying si Ah Jing palabas sa tapayan.

"Siguro naman ay makikilala mo na siya ngayon?" nakangisi si Gu Ying na hawak niya sa Ah Jing na tumutulo at

namumutla sa harap ni Jun Wu Xie.

Naalis ang dumi sa mukha ni Ah Jing dahil sa tubig na nasa tapayan. Ang malinis na mukhang iyon na nasa harap ni Jun

Wu Xie ay kababakasan ng matinding takot.

"Ano ang kailangan mo?" malamig na tanong ni Jun Wu Xie kay Gu Ying.

Tumatawang sumagot si Gu Ying: "Narinig ko na ang batang ito ay naghahayag ng masamang bagay tungkol sayo noon.

Kaya... pinutol ko ang kaniyang dila." Pinilit ni Gu Ying na ibuka ang bibig ni Ah Jing para maipakita ang natira sa dila nito.

Related Books

Popular novel hashtag