Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 540 - Chan Lin Town (3)

Chapter 540 - Chan Lin Town (3)

"Tungkol diyan, gusto kong itanong, ang silid ay naipareserba na una pa lang, tama bang mayroong mas magbabayad ng mas malaki at makukuha iyon?" Saad ng lalaking nakaharang sa daan.

"Ang desisyon ay wala sa'yo. Ngunit sino ang tatanggi sa mas malaking pera? Kung mas malaki ang kanilang makukuha, bobo ang innkeeper para tanggihan pa iyon." Saad ng batang taga Zephyr Academy.

Dahil sa nakikita ni Jun Wu Xie na malapit nang magkainitan ang dalawang grupo, lumapit siya sa mga ito.

"Nababago ba ang reservation?" Tanong ni Jun Wu Xie sa innkeeper.

Blankong tumitig sa kaniya ang innkeeper at umiling.

"Walang gaanong pamantayan ang aming establisyimento. Ngunit itong mga araw na ito ay araw ng pahinga ng mga disipulo ng Zephyr Academy at marami sa kanila ang nagtungo dito, dahilan para..." Hindi na naituloy ng innkeeper ang kaniyang sasabihin. Ang kaniyang Inn ay sikat sa Chan Lin Town, kahit na mahal ang bayad sa kanilang mga silid, hindi nagkulang ng pera ang mga taga-Zephyr Academy para kayaning bayaran iyon. Kaya naman kilala ang inn na ito ng mga disipulo ng Zephyr Academy.

Ngunit limitado lang ang silid sa inn at noong nakaraang araw ay may nagtungo rito para ireserba ang ilang silid. Tinanggap na ng innkeeper ang bayad para sa mga kwartong iyon at hindi inaasahang magkakaroon ng ganitong sitwasyon.

Ilang mga disipulo ng Zephyr Academy ay naparito at nakitang may mga bakante pang silid sa taas, kaya naman giniit ng mga itong kukunin nila ang mga iyon at babayaran nila ng mas mahal. Sa oras ding iyon ay dumating ang nagpareserba ng silid na iyon at nauwi sa ganitong sitwasyon.

Sumasakit na ang ulo ng innkeeper at hindi na alam ang gagawin. Nag-aalangan itong tanggihan ang mga disipulo ng Zephyr Academy at ayaw din naman niyang sirain ang pamantayan ng inn.

Nakinig si Jun Wu Xie sa eksplanasyon ng innkeeper, pagkatapos ay walang sabing naglakad ito sa mga aroganteng disipulo ng Zephyr Academy.

Nagliwanag ng kulay dilaw na liwanag ang maliit na pigura, at bago pa man mapagtanto ng mga bata ang nangyayari sila ay tumilapon na palabas ng pinto ng inn!

Nabalot ng katahimikan ang buong inn. Lahat aqy nakatingin sa maliit na pigurang gumawa non.

Tumilapon ang mga disipulo sa labas at nakakita ng mga bituin sa katanghaliang tapat. Ilang sandali lang ay sumingaw ang mga ito: "Sino ka?! Ang lakas ng loob mong saktan kami! Pagod ka na sigurong mabuhay!"

Umiling-iling ang mga ito para tanggalin ang hilo. Tumingin sila sa maliit na pigurang nakaupo sa pintuan ng inn. Malamig naman iyong nakatitig sa kanila.

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ng innkeeper?" Tanong ni Jun Wu Xie.

"Jun...Jun Xie..." Nautal ang isa sa mga bata. Nakilala nito ang isa sa hindi sikat na disipulo ng Zephyr Academy. Nanigas ang kaniyang buong katawan nang kaniyang masalubong ang tingin ni Jun Xie.

Nakita naman ng isa pang grupo si Jun Wu Xie, dahilan para mapunit ang ngiti sa mga labi nito. "Little Xie! Sa wakas ay narito ka na!" Yumukod si Qiao Chu dito.

Sinulyapan lang ito ni Jun Wu Xie at ibinalik ang tingin sa mga disipulong nakasuot ng uniporme ng Zephyr Academy. Isinandal nito ang kamay sa marmol na hamba ng pintuan ng inn.

Isang malakas na tunog ng paggiba ang kanilang narinig at ang matigas na batong kaniyang sinasandalan ay naging pulbos.

Nanginig naman ang mga kabataang nasa labas ng inn.

"Alis." Mahinang saad ni Jun Wu Xie.

Agad namang nagmadaling umalis ang mga iyon. May sikat na reputasyon si Jun Xie sa Zephyr Academy. Kasama sa usapan tungkol sa kaniya ay ang kaniyang malakas na spiritual power. Lahat ng mga disipulo ay alam na siya ay nakarating sa orange level spirit sa edad na labing-apat, ngunit hindi nila akalaing makikita nila si Jun Xie na magliliwanag ng kulay dilaw!

Iyon ang liwanag ng yellow leveled spirit!

Related Books

Popular novel hashtag