Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 541 - Chan Lin Town (4)

Chapter 541 - Chan Lin Town (4)

Hindi lang ang mga kabataang naka unipormeng ng Zephyr Academy ang natatakot tumakas kundi pati na rin ang mga bisita na nanlalaki ang mga mata sa takot habang nakatingin sa kamay ni Jun Wu Xie na naglilikha ng dilaw na ilaw.

Katorse anyos na bata na may Yellow Spirit…

Kapag kumalat na ang balitang ito, siguradong maraming tao ang magugulat!

Kung hindi nila ito nakita ay hindi nila ito papaniwalaan kahit gaano pa karaming tao ang magsabi sa kanila nito.

Pagkatapos makaalis ni Jun Wu Xie sa mga nakakaasar na langaw, bumalik na siya sa bahay-pahingahan at nagtapon siya ng pilak para sa nagbabantay .

Nagtaka ang bantay at agad itong umabante para saluhin ang pilak,puno ng pawis ang kanyang noo.

"Bayad." Simpleng pahayag ni Jun Wu Xie.

Tumango lang ang bantay at di na nagsalita.

Para sa batang ito ay malaking bayad na ito, hindi naglakas loob bang bantay magsalita laban sa kanya. Gayunpaman. Ang batang ito ay matulungin at ang bayad nito ay sapat na para makabili ng limang haliging marmol.

"Little Xie, masyadong malupit ang pamamaraan mo." Agad na lumapit si Qiao Chu sa tabi ni Jun Wu Xie. Ang iba pang grupo na kasama sa komprontasyon sa mga disipulo ng Zephyr Academy ay nasa kanya, kay Hua Chu at sa mga kasama nito.

"Bakit ko naman sasayangin ang hininga ko? Tanong ni Jun Wu Xie na nakataas ang kilay.

Nakangisi lang na parang baliw si Qiao Chu.

"Little Xie, ito ba ang mga kasama mo?" Isang balingkinitang anyo ang pumagitna sa karamihan, dala ang maliit na itim na pusa at si Lord Meh Meh sa kanyang balikat, at isang maaliwalas na ngiti sa kanyang mukha. Maamong mukha at malumanay na mga tingin niya sa grupo ng mga kabataan na katabi ni Jun Wu Xie.

Tumango si Jun Wu Xie.

"At sino siya?" Tanong na Hua Yao, at bakas sa mukha nito ang pagtataka.

Tumawa si Fan Zhuo at sinabing: "Ako si Fan Zhuo, at kasama ako ni Little Xie."

Nagulat si Hua Yao at si Qiao Chu at ang iba ay may mga ngiti sa kanilang mukha. Narinig na nila kay Fan Jin ang tungkol sa nakababatang kapatid na lalake nito, at ngayong nasa harapan niya na mismo ito, hindi mapigilan ni Qiao Chu na tingnan ito at maawa.

Nagtataka si Fan Zhuo, at hindi niya alam bakit kakaiba ang tingin ni Qiao Chu at ng mga kasama nito.

Pakiramdam niya ay kinakaawan siya ni Qiao Chu.

"At ikaw si Fan Zhuo, nakakaawa ka aking kapatid." Sambit ni Qiao Chu at tinapik niya ang balikat ni Fan Zhuo at akala niya hindi pa halata ito.

Ito nap ala ang kasintahan ng balong babae. Nakakaawang lalake!

Hindi alam ni Fan Zhuo kung ano ang magiging reaksyon niya sa malungkot na bati ni Qiao Chu, akala niya ay kinakaawaan siya dahil sa mahinang katawan niya at tanging ngumiti lang siya ng mahina at nakangiti: "Mas mainam na ang pakiramdam ko ngayon, laking pasasalamat ko kay Little Xie'"

Ngunit ni hindi man lang nabawasan ang awa sa mukha ni Qiao Chu.

Mas lalong nagtataka si Fan Zhuo.

Inayos ni Fan Jin ang silid para sa bawat isa at pagkatapos ng anim na magtipon, pumasok na ito sa kanya-kanyang silid bago magpulong kay Jun Wu Xie at bumalik sa silid nito.

Buti na lang at nmalawak ang silid at hindi na sila mahihirapan pagkasyahin ang maraming tao.

"Pasok, pasok, pasok, iabot niyo ang Spirit Stones." Umupo si Qiao Chu sa mesa at itinapon lahat ng Spirit Stones na meron siya, na nakakalat sa mesa. Tumpok na Spirit Stones at hindi mabilang na kulay ang tinititigan ni Fan Zhuo at naka bukas ang bibig niya.

Sa mga tambak na Spirit Stones, ang ilan doon ay kabilang sa High Grade Spirit Beasts at napakahalaga ng mga ito na hindi kayang tumbasan ng pera.

At basta-basta lang ito tinapon ni Qiao Chu sa mesa na siyang ikinagulat ng konti ni Fan Zhuo.

At ang lalong ikinagulat pa lalo ni Fan Zhuo ay dahil sa pasisismuno ni Qiao Chu, sumunod si Hua Yao, Fei Yan at Rong Ruo at nilabas ang ambag nilang Spirit Stones. Kahit si Jun Wu Xie ay marami ding inilabas, at inipon nila lahat ng mga ito sa iisang mesa.

Habang tinitingnan niya ang tambak na Spirit Stones, mas lalong lumalaki ang kanyang mga mata.

"Ang mga ito… ay galing lahat sa Spirit Hunt sa Battle Spirit Forest?" Pangmamanghang tanong ni Fan Zhuo na tiningnan si Qiao Chu at ang iba.

"Ang iilan lang diyan. Karamihan diyan ay ambag ni Lord Meh Meh." Sagot ni Qiao Chu na napatawa ng madali, na hindi kinakalimutan purihin si Lord Meh Meh na nasa paa ni Jun Wu Xie at nakatingin sa pumuri.

Biglang iniangat ni Lord Meh Meh ang kanyang baba ng may pagmamayabang, ang maliit nitong buntot ay umiiling bilang senyales ng pag sang-ayon.

Related Books

Popular novel hashtag